CELESTE'S POV
It's been three months since I lost here in Gokayama. Time flies so fast that I couldn't even remember how I get here alone. Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang umalis si Tsuyu para pangunahan ang digmaan alinsunod sa inutos ng hari sa kanya. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa mokong na iyon. Hindi pa rin siya bumabalik.
Kung ako naman ang kukumustahin, medyo naa-adapt ko na rin ang buhay rito sa loob ng palasyo bilang isa sa mga alipin. This life I am living now is quite different compared to my life in Tokyo. Here, I have learned to earn a living on my own. I have no choice but to continue and survive my life.
Natuto akong tanggapin ang mga responsibilidad bilang alalay ng hari at reyna. Ang pag-aralan ang tamang timpla at sangkap sa paggawa ng tsaa, pagluluto ng pagkain, halos lahat.
I wonder how kuya Chester live his life alone without seeing me. I'm sure he's devastated. I know he's missing me. But I don't know when I will get a chance to see him again. Maybe next time? Or it might be, never again.
Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang hinalo ng kutsara ang tinitimplang tsaa. Pinunasan ko ng malinis na tela ang tasa at agad inilagay sa tray.
"Hera!" Napalingon ako sa tumawag at nakita sa pinto ng malawak na kusina ang tagapamahala namin.
"Kapag tapos ka na riyan, idiretso mo na lamang ang tsaa sa silid ni Prinsipe Jin. Nawalan na ng gana uminom ng tsaa ang hari," utos nito kaya napatango na lamang ako.
Bitbit ang tray ng herbal tea ay dahan-dahan akong pumasok sa tahimik na silid ng panganay na prinsipe. Naabutan kong mag-isa itong nagbabasa. Dikit na dikit ang mukha nito sa binabasa at waring ayaw magpa-istorbo. Hindi ko na siya babatiin at ilalapag na lamang sana ang tray sa gilid na mesa nang tumikhim siya. Halos mabitawan ko ito. Buti na lamang at may balanse pang natitira sa katawan ko.
"Sinong nagsabi sa'yo na maaari kang pumasok rito nang walang paalam?" walang lingon-lingon na tanong niya sa akin kaya napakagat-labi ako.
"I-inutos p-po kasi na..." nauutal ako. Hindi ko alam kung sa kaba o sa hiya.
"Ibinaba niya ang binabasang libro at tinitigan ako.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Hera." Hindi siya nakangiti. Galit ba siya? Pero kahit ganito ang hitsura niya ngayon na waring galit lagi sa mundo, bakit ang gwapo rin niya?
"Ilapit mo sa akin iyan bago pa lumamig. Ayokong iinom ng tsaa na hindi na mainit," utos nito at sinarado na ang binabasang aklat. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya bitbit ang tasa ng tsaa.
Bawat hakbang ko ay mas lumalakas ang pintig ng puso ko. I hate this feeling whenever I'm talking to a person that I am not sure if he's mad or what?
Muntik pa akong matisod kaya binagalan ko ang lakad ko. Nakahinga ako ng maluwag nang maihatid ko sa kanya ang tsaa nang hindi ako nadadapa. Maingat ko itong inilapag sa mesa. Agad naman niya itong kinuha at nilagukan.
"Ilang buwan ka na ba rito?" he asked me out of the blue. Napakunot naman ang noo ko. Bakit niya tinatanong? Pangit ba ang lasa ng tsaa na tinimpla ko?
"M-mag-aapat na po," magalang kong tanong at napayuko. Nakatayo lamang ako sa tabi niya kahit nakakapagod. Ang utos kasi sa amin bilang katiwala ay huwag agad aalis nang walang pahintulot ng hari, reyna o ng mga prinsipe.
"Nakuha mo na agad ang tamang timpla at lasa." Napatango-tango siya habang ninanamnam ang lasa ng tsaa. Napangiti ako ng tipid.
"Hera," pagtawag pa niya kaya napaangat ang tingin ko. Hindi pa rin niya ako tinitingnan pero alam kong ako ang kinakausap niya. Medyo nasasanay na rin ako na Hera ang tawag ng lahat sa akin rito, kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang tinutukoy nila.
"Noong una, ayaw kong maniwala na bumalik ka nga. Pero may parte pa rin sa akin na gusto kong paniwalaan ang pangako mo bago ka mawala," panimula niya at nakikinig lamang ako sa tabi niya.
"Umalis ka apat na taon na ang nakararaan. Namuhay muli sa kabilang mundo. Ngayong nagbalik ka na, naaalala mo pa ba ako?" I can feel the longingness in his voice. I can't answer.
Hera, sino ka ba? What did you do to this four princes? Why are they still can't move on to your lost? Bakit sobrang laki ata ng impact mo sa buhay at pagkatao nila? Ano bang pagkakaiba at pagkakatulad natin?
Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung sinong makakasagot. Pati sagot sa katanungan ng prinsipeng kaharap ko ngayon ay hindi ko alam kung saan pupulutin.
"A-ano...kasi..." Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung anong isasagot. If I was the Hera who lived and lost here four years ago, the one who died and reincarnated, and went back here as me, bakit wala akong maalala? Pinipilit ko naman pero wala talaga.
I live as Celeste. At iyon lamang ang pinaniniwalaan ko hanggang ngayon.
"Huwag mo na lang sagutin," nakangiti niyang sambit at lumagok pa ng tsaa.
"P-pasensya na," nalulungkot kong sagot. Ayoko lang paasahin sila lahat na may naaalala ako sa nakaraan dahil kahit anong piga ang gawin sa utak ko, wala talaga.
"Ayos lang, hindi mo kasalanan. Umalis kang may sama ng loob sa amin noon, lalo na sa akin. Naiintindihan ko."
May parte sa loob ko na nakaramdam ng kirot dahil sa mga sinasabi niya. Ano ba talagang nangyari noon kay Hera? At bakit sinisisi nila ang kanilang sarili?
Napatungo ulit ako.
"Mahilig ka ba magbasa ng libro?" tanong pa niya kaya napatango-tango ako.
"O-oo! Naaalala ko pa noon, pagkatapos ng klase namin, diretso lagi ako sa lib---" Natutop ko ang bibig ko dahil maling mga salita ang nababanggit ko. May mga term nga pala na hindi nila maiitindihan. I heard him chuckled.
"Kung ganoon ay samahan mo ako lagi magbasa rito. Masaya kung may makakakwentuhan ako na mahilig rin pala sa mga aklat," natutuwa niyang wika at tinitigan ako.
I smiled timidly. I don't know how to react. This first prince is inviting me to accompany him in reading. Anong gagawin ko?
"Bawal tumanggi," dagdag pa niya kaya otomatiko akong napatango at hinarang ang tray sa mukha ko.
"Asahan kita bukas, alas-nueve ng umaga. Pagkatapos ng mga gawain mo. Makaaalis ka na, Hera. Salamat sa tsaa."
Pagkasara ko pa lamang ng pinto ng kanyang silid ay napakagat-labi ako at napahawak sa kumakabog na puso. Bakit ganito na lamang ito tumibok? Nalilito na tuloy ako sa dami nang mga nararamdaman ko this past few weeks. Konti na lang, baka hindi ko na kayanin.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...