CHAPTER 36

217 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POV


"Tsuyu!" halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.

Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako," nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa malayo. Kung saan wala nang paghihirap. Kung saan masaya lang. Doon ako pupunta, Tsuyu," tila nangangarap na sagot nito sa kanya.

"Sa Tokyo?" Umiling ito.

"Sa paraiso." Ngumiti ito at napatingala sa langit.

"Kung ganoon sasama ako."

"Hindi pwede. Kailangan ka ng kaharian, kaya hindi ka pa pwede sumama."

"Alam mo, hindi na ako natatakot sa kamatayan, mahal na prinsipe. Kung iyon lang ang tanging paraan para makatakas ako sa kalungkutan at paghihirap na nararanasan ko, handa ako sa lahat ng mangyayari."

"Pipiliin kong maging masaya sa natitirang oras ng buhay ko. Napakaikli lamang ng buhay, dapat piliin natin maging masaya."

"Tsuyu, hindi ako masaya rito sa loob ng palasyo. Nasasakal na ako."










Napakurap-kurap si Tsuyu at pilit tinatagan ang loob habang inaalala ang mga nakaraang kasama pa niya si Hera. Nakuyom na lamang niya ang kamao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.

"Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako."

Napangiti ng mapait ang binata at napatango-tango.

"Tama ka nga, hahanap-hanapin kita araw-araw," sambit na lamang niya sa sarili at napalingon sa paparating na si Celeste. Mabagal itong maglakad at tila wala sa sarili.

Natigil ito sa paglalakad nang makita siya sa hindi kalayuan. Akma sana siyang lilihis ng daan nang tinawag siya ito.

"S-sandali!" Natigil siya.

"Iniiwasan mo ba ako?" Bakas ang lungkot sa boses ng dalaga. Hindi niya ito kayang sagutin o lingunin man lang.

"Baka mas makakabuting huwag na lang tayong magkita. Umiwas ka kapag nakakasalubong mo ako. O tuluyan mo na lang ako layuan. Mas mabuti iyon, hindi ka mapapahamak," walang emosyong tugon ni Tsuyu.

Nag-iinit na ang talukap ni Celeste. Gusto niyang tumutol. Gusto niyang yakapin ang prinsipe. Gusto niyang marinig mula rito na siya pa rin ang paborito nitong tao.

Pero tinatagan niya ang loob at ngumiti na lamang habang naluluha.

"S-sige. Kung iyan ang nais mo. Hangad ko ang kaligayahan mo sa darating mong kasal. Magandang araw, kamahalan." Yumuko si Celeste at agad naglakad palayo.

Napalunok ang prinsipe at pinilit ang sariling huwag lumingon. Kumikirot ang puso niya. Ngunit alam niyang ito ang mas makakabuti, kaysa masaktan pa lalo si Hera.




"Nisan! Nisan Tsuyu!"

Bumungad sa  harap niya ang humahangos na si Itsoru kasama ang balisa ring si Kaisei.  Bago pa siya makapagtanong ay hinawakan na siya ng bunsong prinsipe sa magkabilang balikat.

"Kailangan nating itakas si Hera ngayon rin! Lulusob ang imperyo ng Kanluran bukas bago ang takipsilim, kukunin nila ang babaeng mula sa kabilang mundo!"

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon