THIRD PERSON'S POV
Nagmamadaling pumasok sa silid ng mahal na reyna si Takumi. Hindi na nito pinansin ang ilang katiwala na nagbabantay sa labas nang magbigay-galang ito sa kanya.
Napalingon si Seina sa biglaang pagbukas ng pintuan at iniluwa nito si Takumi na gusto siyang makausap. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tasa ng tsaa at napangiti nang makahulugan sa prinsesa.
"Nais mo raw ako makausap. Halika at pag-usapan natin iyan," mahinahon niyang sambit ngunit may ibig sabihin kaya lumawak ang ngisi ng dalaga at dinaluhan ang reyna sa pagkakaupo.
CELESTE'S POV
Pagod na pagod akong napaupo sa malaking bato malapit rito sa may lawa. Hingal man dahil sa walang pahinga na pag-iigib ng tubig ay napangiti pa rin ako habang tinatanaw ang papalubog na araw mula sa malayo.
Napakaganda talaga niya.
Nagulat ako nang may tumakip na naman sa mga mata ko. This time, napangiti na ako at agad nagsalita.
"Kilala na kita. Alisin mo na nga 'to," natatawa kong sambit kaya agad inalis ng kung sino man ang kamay niya.
"Talaga? Kilala mo na ako?" Napawi ang ngiti ko nang makita sa harapan ko si Itsoru na nagtataka dahil sa sinabi ko.
Akala ko si Tsuyu.
"Ay," nakangiwi kong sagot at pinaypay ang isang palad sa ere. "H-hindi. Kalimutan mo na," sabi ko na lamang.
"Bakit, Hera? May iba ka bang inaasahan na darating rito?" tanong niya at nakatayo lamang sa tabi ko habang nasa likuran ang mga kamay. Tikas prinsipe rin talaga isang 'to.
Si Tsuyu sana.
Pero hindi na lamang ako umimik.
"Paborito mo pa rin ang papalubog na araw," komento niya habang nakatitig rin sa araw na unti-unting lumulubog na. Mapula ito na naghahalo sa kulay itim at puting ulap. Napangiti ako.
"Hera," Napalingon siya sa akin kaya hinintay kong magsalita muli siya.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang bumalik ka. Noong una pa lang talaga, gusto na kitang maging kaibigan," panimula niya kaya napaisip ako. Ganoon ba talaga ka-friendly si Hera para mapalapit sa mga prinsipeng ito?
"Pasensya na sa nagawa ni Ina sa'yo noong nakaraang gabi. Nahihiya ako," aniya at hindi makatingin sa akin ng diretso. Namumula rin ang tenga nito at naging malikot ang paa na tila di mapakali. Natawa tuloy ako.
"B-bakit ka tumatawa?" he asked awkwardly that made him even funny in my eyes.
"Ang cute mo," natatawa kong sagot kaya napataas ang kilay niya.
"K-kyot? Ano 'yon?" inosente niyang tanong kaya napaismid ako. Isa rin 'to, eh. Parang si Tsuyu lang.
"Cute, means kawaii! Ganto ka lang, oh?" Pinakita ko ang expression ng pagiging cute at pinisil ang dalawa niyang pisngi. Namula ito kaya napangiwi siya.
"Cute? Sabi mo eh. Edi cute nga ako," pagmamayabang pa niya at pinisil rin ang dalawa niyang pisngi. Sumunod naman niyang pinisil ang pisngi ko. Napangiwi ako dahil nanggigigil ata siya.
Nagtawanan na lamang kami at pagkatapos ay nabaling sa malayo ang tingin. Ramdam ko na ang malamig na hangin. Ang payapa rin ng tubig rito sa lawa.
"Hera, umaasa ka pa bang makakabalik sa mundo mo?"
Napangiti ako ng tipid.
"Bakit mo naitanong?"
"Alam kong nangungulila ka rin. Nararamdaman ko." Biglang nagbago ang tono ng boses niya na tila may pag-aalala. Napakagat-labi ako.
God knows how I miss my real world. I really want to see kuya Chester again. But I know that's impossible. Now that I am forever trapped here, I have no choice but to accept my new life.
"Wala naman tayong magagawa kung ganito talaga ang kapalaran, hindi ba?" I took a deep sigh and smiled at him. He looked at me with confusions. Siguro hindi niya nage-gets ang sagot ko.
"Kung ano ang meron ako ngayon, ito na ang bago kong buhay. Tanggap ko na. Tanggap ko na rin na nakilala ko kayong lahat," desidido kong sagot at binuhat na ang timba ng tubig. Napahikab ako dahil inaantok na rin.
"Bumalik ka na sa silid mo, mahal na prinsipe. Magandang gabi sa'yo," wika ko at yumuko dahil aalis na.
"S-sandali, Hera!" tawag niya pabalik kaya napahinto ako saglit.
"Pwede bang magkita naman tayong madalas? Gusto kita..." Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko.
"Ibig kong sabihin, gusto kitang kausap." Napalunok ako at napapikit.
Fudge. Akala ko, pati siya. Huwag naman sana!
Pilit akong ngumiti at lumingon.
"Magagalit ang reyna."
"Sige na?" pakiusap niya at nagpa-cute pa nga. Napailing ako at napatango na lamang. Who am I to resist this cute potato infront of me? Aish!
"Yey!" Tila bata siyang napapalakpak kaya napatawa na lamang ako.
Among the four princes, Itsoru has this childish vibe. I think I like this cute side of him.
THIRD PERSON'S POV
Isang nagmamadaling katiwala ang pumasok sa silid ng prinsesa. Yumuko muna ito nang maabutan si Takumi na hinihintay siya. Dahan-dahan itong lumingon at napangisi.
"Siguraduhin mong walang makaaalam ng gagawin mo. Kung hindi, buhay mo ang ipapalit ko," pagbabanta nito kaya napalunok ang katiwala sa sobrang kaba. Napatango na lamang ito.
"Ihain ang tsaa mamayang gabi." Agad iniabot ng prinsesa ang isang kahina-hinalang botelya sa babae at pinagdaop ang mga kamay.
"Masusunod po, mahal na prinsesa," magalang na tugon ng katiwala at yumuko muli.
"Makakaalis ka na," utos nito kaya dali-daling tumalilis ang babae palabas ng silid.
Napangisi si Takumi.
"Sa mundong ito, walang magagawa ang isang gaya mo. Makukuha at makukuha ko ang dapat na sa akin. Walang sa'yo, Hera," bulong nito sa sarili at tinitigan ang repleksyon sa salamin.
***
"Totoo?" gulat na tanong ni Celeste kay Mira na ngayon ay hindi maipinta ang pagmumukha dahil sa nalaman.
"Oo, gusto ka raw makita ng reyna. Maghanda ka raw at tumungo sa silid mamaya. Hera, huwag ka na lang kaya tumuloy?" ani Mira na may pag-aalala. Napaisip siya.
"Hindi maaaring tumanggi sa alok ng kamahalan," sambit na lamang niya kaya mas nag-panic ang kaibigan.
"Masama ang kutob ko!" Agad natutop ni Mira ang bibig upang walang makarinig. Ngumiti na lamang si Celeste.
"Mira, walang mangyayaring masama sa akin. At saka ikaw na rin ang may sabi na iniimbitahan lang naman ako ng reyna na uminom ng tsaa kasama siya. Hindi ba?" positibong sagot niya kaya napakagat-labi na lamang si Mira.
"S-sabi mo, eh. Basta kung sakaling saktan ka ulit niya..." Hinawakan ni Celeste nang mahigpit ang kamay ng dalaga at ngumiti. Nagpapahiwatig na magiging ayos lang ang lahat.
"Mabait naman ang reyna. Masama lang siyang magalit." Napabuntong-hininga si Celeste.
"Hindi ka sigurado. Sa totoo lang ay wala ka pang masyadong alam tungkol sa kanya. Hindi siya ang inaakala mong mabuting reyna. Sila ni Takumi, hindi sila tumitigil hangga't hindi nakukuha ang gusto," babala ni Mira kaya napalunok na lamang si Celeste.
Bahala na.
Kung ano man ang mangyari mamaya ay handa siya.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...