CELESTE'S POV
"Ikaw, ang tutulong upang makaapak siya muli sa kaharian. Hindi bilang isang mababang uri ng mamamayan. Kundi isang igen,"
"Marahil kaya itinadhana kang bumalik sa lugar na ito, ate Hera, sapagkat may misyon ka pang kailangang tapusin. May mga bagay na hindi mo nagawa noon. May mga pangyayaring kailangan pang itama."
"Saksi ako sa paghihirap ng kuya ko. Sa pananatili sa lugar na ito, upang makasama kami kahit hindi naman talaga ito ang dapat na estado ng buhay niya. Mas pinili niyang makasama kami kahit hindi kami ang tunay niyang kadugo. Tinuring niya kaming parang mga tunay na kapatid."
"Kaya ate Hera, ipangako mo sa akin. Na kahit gaano ka pa ipagtabuyan ni kuya Tsuyu, huwag kang aalis. Huwag ka munang aalis. Kailangan ka pa niya sa mga oras na 'to."
Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya napapikit ako habang dinaramdam ito.
"Tsuyu...sino ka ba talaga? Anong kaugnayan mo sa Hera na sinasabi nila?" bulong ko nang maalala ang mga sinabi ni Yamaro sa akin kahapon. Hindi pa rin ito mawala sa isip ko.
"Aray!" reklamo ko nang ihagis niya sa akin ang isang salakot. Sinamaan niya ako ng tingin na parang ipinaparating niyang ako na ang pinaka-nakakainis na babaeng nakilala niya sa buong buhay niya."Aanhin ko 'to?" asar kong tanong.
"Pumasok ka riyan, baka andiyan ang portal pabalik sa mundo ninyo," he said sarcastically that pissed me and made me roll my eyes.
"Suotin mo iyan, babalik tayo ng bayan," walang emosyon niyang sabi at napatitig sa akin. "Hindi ka na pwedeng manatili rito. Kailangan mo nang mahanap ang daan pabalik." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhayan ako ng loob at halos magkorteng bituin ang mga mata ko.
"Tutulungan mo na ba ako?"
"Para mawala ka na sa paningin ko. Nakakairita ka." Pinagmasdan ko na lamang siyang maglakad palayo at napabuntong-hininga.
***
"Sorry po!" agad akong nag-sorry sa mga taong nababangga ko sa paglalakad dahil nakayuko ako. I automatically covered my mouth with my palm realizing that they can't understand English language. Nanlaki ang mga mata ko at dire-diretso akong naglakad palayo habang nakasunod kay Tsuyu. Nang makalayo na, pinilit kong lingunin ang dalawang nabangga ko at nakahinga ng maluwag."Ang bobo mo talaga, Celeste. Ikaw lang naman ang magpapahamak sa sarili mong katangahan!" sambit ko sa sarili at napahawak sa dibdib.
"Bilisan mo," naiiritang sambit ni Tsuyu sa akin kaya humabol ako sa kanya. Masisisi ba niya ako kung hindi ko siya kayang habulin? Ang lalaki kasi ng hakbang niya na tila may hinahabol. Hustisya naman sa akin!
"Sandali lang naman," reklamo ko habang hinihingal.
"Kung panay ang reklamo mo na nakakapagod, hindi ka lalo makakaalis rito. Pambihira, pati ako nadadamay sa kamangmangan mo." Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Tama naman siya. My certificates and medals of recognition are worthless now. Walang magagawa ang pagiging scholar ko. Ang mga pinag-aralan ko noon sa Tokyo bilang ABM student ay imposibleng magamit ko rito. Kailangan kong tanggapin ang totoo. Na bobo ako ngayon at wala akong magagawa kundi ang umasa sa ibang tao upang makauwi.
"Halika na," alok niya at agad hinawakan ang kamay ko. Pero imbes na magpahatak ay tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil rin siya at mapatingin sa akin.
"Ano na namang problema mo?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Sa halip ay napalingon ako sa mga taong nagkakasiyahan, sa mga musikerong naglalakad habang tumutugtog ng kanilang instrumento. Sa mga batang nagsasayawan sa saliw ng musikang naririnig. Sa mga hindi pamilyar na pagkaing inilalatag upang matikman ng mga manlalakbay. Napangiti ako ng tipid.
Buong buhay ko ay hindi ko pa ito nararanasan. I always wanted to isolate myself. I dream of leaving and never return home, to escape reality. Now that my dream really did come true, maybe this is the right time to stand with what I really want. Can I just savour the moments of staying here in Gokayama before I go back to reality?
"Huwag mo sabihing ayaw mo na umuwi?" nakakunot ang noo niyang tanong. Naiangat ko ang tingin ko sa kanya. Maging siya ay naguguluhan pero ngumiti lamang ako.
"Maari bang...manatili muna ako rito kasama ka?" tanong ko at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
THIRD PERSON'S POV
"
Nasisiguro kong hindi siya tagarito. Iba ang kilos niya at waring may pinagtataguan. Halata naman sa panay niyang pagyuko habang nakasuot ng salakot," litanya ng lalaking may metal hook na kamay.
"Isang tanong na lamang. Sino ang pinaghihinalaan mong kasama niya sa paggala rito sa bayan ng Gokayama?" tanong pa ng mga kawal.
"Si Tsuyu. Ang binatang naninirahan ngayon sa bayan ng Kagoshima."
"Salakayin ang tirahan niya ngayon rin. Huwag kayong babalik hangga't hindi ninyo nahahanap ang babae. Dalhin ninyo siya sa akin nang malinis at buhay. Kung may tumutol at pumalag, huwag kayong magdalawang isip na kitilin ang buhay," seryosong utos ng hari sa dalawang kawal na kanyang pinagkakatiwalaan matapos marinig ang dalang balita ng mga ito.
"Mahal na hari, nasa alanganin ang inyong pangalawang anak. Siya ang pinaghihinalaang kasama ng dalagang taga-ibang mundo," magalang na tugon ng isa at napayuko.
"Wala akong anak na isang taksil," mariin nitong sambit at ibinagsak ang tasa ng tsaa. Lumikha iyon ng ingay nang mabasag. "Ihanda ang hukbo, pangunahan ang pagsalakay," dagdag pa nito.
"Masusunod, kamahalan!"
Malakas na kalabog ang gumulat sa magkapatid na Yamaro at Yuri nang magiba ang pinto nilang gawa lamang sa kahoy. Isang tadyak lamang ng mga kawal ng hari rito ay agad tumalsik at tumambad sa kanila ang magkapatid. Magkayakap ito sa sulok at nanginginig na sa takot. Iyak ng iyak sa Yuri. Kahit nakakaramdam ng takot ay mas nanaig kay Yamaro ang pagiging isang tunay na kapatid kaya't pilit niya itong niyakap habang pinatatahan.
"Nasaan sila? Ilabas ninyo ang babae!" Hinagilap agad ng ibang kawal ang nais nilang makita. At iyon ay walang iba kundi sina Tsuyu at ang inaakala nilang si Hera.
"Nasaan si Hera? Ilalabas ninyo ang hinahanap namin o dadanak ang dugo rito?!" Napasigaw si Yamaro nang marahas na hatakin palayo sa kanya ang nakababatang kapatid. Mas lumakas ang sigawan at iyakan.
"Sabihin mo bata, nasaan sila?" pag-uulit ng kawal at itinutok sa leeg ni Yuri ang espada. Handa na nitong gilitan ang musmos na bata.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi ko alam!" Nanginginig na sa takot ang batang si Yamaro. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Palibhasa'y bata pa lamang ay wala pa siyang alam sa pakikipaglaban.
"Pakawalan n'yo na kami! Wala kaming ginagawang masama sa inyo!"
"Manahimik ka!"
Isa lamang ang nasisiguro niya. Hinahanap na ng mga ito si Tsuyu at Celeste. Ngunit kahit anong mangyari, hinding-hindi siya aamin. Kahit buhay pa niya ang kapalit. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Hinding-hindi niya hahayaang mapahamak si Hera.
"Wala akong sasabihin sa inyo. Wala akong nalalaman," tanggi ng umiiyak na si Yamaro.
"Ah ganoon ba bata? Sige, tingnan natin ang tapang mo."
"Yuri!" sigaw na lamang niya nang walang-awang gilitan ng kawal ang kapatid niya. Mas napalakas ang iyak ng kaawa-awang bata. Humandusay sa sahig ang nangingisay at duguang katawan ni Yuri.
"Ipupusta mo rin ba ang buhay mo upang pagtakpan sila?" nanghahamon na tanong ng kawal at napangisi. Hindi sumagot ang bata at dinaluhan na lamang ang wala nang buhay na kapatid.
"Yuri, gising! Yuri! Andito ang kuya!"
"Mukhang wala tayong mapapala sa dalawang bubwit na iyan, heneral. Patayin mo na rin ang batang iyan," utos ng huli at tumalikod na.
Kasabay noon ang biglaang paglapat ng talim ng espada sa likod ni Yamaro. Nasundan pa ito ng pagtusok ng dulo nito na tumagos hanggang dibdib. Nanlaki ang mga mata niyang napabagsak sa tabi ng kapatid.
Nangingisay. Duguan. Napapaubo hanggang sa malagutan ng hininga. Ang dalawang kaawa-awang bata ay iniwan nilang wala nang buhay.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...