CHAPTER 10

384 32 0
                                    

"Hera, Hera, gumising ka."

"Nagbalik ka na pala, hindi mo man lamang kami inabisuhan."

May malalalim na boses akong naririnig ngunit hindi ko alam kung kanino o saan ito nanggagaling. Iginalaw ko mga daliri kong tila naparalisa sa sobrang tagal kong nakahiga, hanggang sa unti-unti ko nang naiaangat ito kasabay ng aking braso. Kumurap-kurap ako sa pagbabakasakaling sa pagmulat ko ay kisame na ng library namin ang makikita ko ngunit nanlumo ako nang muli kong makita ang bubong na gawa sa kahoy. Ibig sabihin, hindi pa rin ako nagigising sa bangungot na ito. Nanghihina ako at walang lakas na makatayo. Isa pa, pakiramdam ko sinusunog ang buo kong katawan sa sobrang init. Ano bang nangyayari sa akin?

"Hindi na gaanong malubha ang lagnat niya. Payo ko sa'yo ay painumin mo ng maraming tubig at ipagluto ng mga pagkaing may sustansya tulad ng sabaw o may gulay. Tiyak, gagaling na siya kinabukasan."

"Salamat po." Sa nanlalabo ko pa ring paningin ay nakita ko ang pag-bow niya sa matandang lalaki bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Hinatid lamang niya ito ng tingin at saka napalingon sa akin. Napapikit ako nang maramdamang malapit na siya. Hindi ko man makita ang ginagawa niya ngayon ay alam kong inaasikaso niya ako. Rinig ko ang pagtilamsik ng tubig sa batya at pagdampi ng basang tuwalya sa noo ko. Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga niya kaya napadilat ako ng di oras. Nagulat naman siya at napalayo. Pilit akong bumangon at umupo para hindi ako mahirapan na kausapin siya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya.

"A-ano ang...pangalan mo?" bigla kong sambit kaya napatingin siya.

"Hindi mo na kailangang malaman pa dahil hindi ka naman magtatagal sa lugar na ito. Kapag ayos na ang pakiramdam mo, maaari ka nang umalis," aniya at piniga ang tuwalyang hawak niya.

"Gusto ko pa ring malaman," pamimilit ko kaya natigil siya sa ginagawa.

"Paano kita mapagkakatiwalaan kung hindi ka rin nagsasabi ng totoo?" makahulugan niyang tanong pabalik. Napakunot ang noo ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko kanina bago ako mahimatay?

"Nagsasabi ako ng totoo. Lahat ng mga sinabi ko kanina, walang kasinungalingan roon. My kuya Chester didn't raise me to become a liar," I frowned. Nakita ko ang pagrehistro ng lito sa mukha niya nang magsalita ako sa English. Teka, hindi ba niya naintindihan iyon?

"A-ang sabi ko hindi talaga ako sinungaling!" sabi ko na lamang at tinitigan siya nang mata sa mata. Wala siyang reaksyon. Hindi ko tuloy alam kung naniniwala na siya o hindi pa.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo," pag-uulit ko pa.

"Tsuyu," tipid niyang sagot at saka tumalikod na para umalis. Naningkit ang mata ko at pilit inalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon. And a glimpse of memory from my Japanese class flashed on my mind.

"Did you know class that the name Tsuyu resembles of the plum rain?"

"Plum rain," bulong ko at sa muli kong pagsulyap sa kanya ay tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto. Sunod na pumasok ang batang lalaki na kapatid niya. Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag niya ito sa pangalang Yamaro kanina. Sa pagpasok pa lamang niya ay bungad na sa akin ang kanyang malapad na ngiti na naging dahilan ng pagiging singkit ng kanyang mga mata. May bitbit siyang tray ng pagkain. Bigla tuloy ako nagutom at napahawak sa tiyan kong kumukulo na.

"Kumusta na po ang pakiramdam mo, onesan? Dinalhan kita ng sabaw. Sabi kasi ng manggagamot kay kuya ay ipaghain ka nang masustansya, hehehe," aniya at inilapag sa tabi ko ang mangkok na umuusok pa sa sobrang init. Umupo ako nang maayos at nginitian siya.

"Maraming salamat." Napatungo ako bilang pasasalamat. Napakabait ng batang ito. Mukhang naging maganda ang pagpapalaki ng kuya niya sa kanilang magkapatid.

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon