CELESTE'S POV
"Nahihibang na ba siya? Paano niya mapapaulan sa pamamagitan lang niyan?""Wala atang utak ang nilalang na iyan. Tingnan mo naman ang gagawin niya!"
"Ang kailangan namin ay birhen na iaalay sa Bathala! Hindi ganitong paraan!"
"Shut up!" sigaw ko at sinamaan sila ng tingin.
"Ano raw? Ano raw sinabi niya?" nagbulungan pa nga ang mga damuhong. Mainit na nga ang panahon, nakakainit pa sila ng ulo. Ang daming sinasabi, wala naman silang naitutulong. Mga chismosa pa! Kainis!
Agad kong kinalog ang rainmaker na dala ko habang nakatingala sa napakainit na kalangitan. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng salakot. Hindi masyadong natatamaan ang mukha ko ng sinag nito. Mas malakas pa ang ginawa kong pagkalog. Napasulyap ako sa hari at reyna na naghihintay ng resulta ng katangahang ginagawa ko. Pati ang mga prinsipe ay pinanonood rin ako.
"Please, let there be rain," usal ko at napapikit. Hindi ko alam kung gumagana ba ang rainmaker sa pagpapaulan. But I used to believe that farmers use this instrument to ask for rain and water their crops. Ewan, nagbabakasakali lang ako.
Paano kung hindi nga gumana? Paano na ako? I started to hear rants and cusses from the people. My ears vibrated.
"Mahal na hari, patigilin n'yo na ang babaeng iyan sa ginagawa niya! Walang ulan na darating kung walang pag-aalay! Hindi iyan ang solusyon!"
"Oo nga!"
Mayamaya ay tumigil ako sa pagkalog ng rainmaker at sinimulang sunugin ang mga bungkos ng dayami na nasa harapan ko. Lumikha iyon ng maitim na usok. Sinundan ko ang direksyon kung saan patungo ang maitim na usok nito. Pataas sa langit.
Mayamaya ay napansin kong nagdidilim na ang kalangitan. Lumawak ang ngiti ko. Mas kinalog ko ang rainmaker kasabay ng pagtaas ng mga maiitim na usok na nagmumula sa mga nasusunog nang dayami.
As the old saying goes, where there's smoke, there's a fire. But when conditions are just right, where there is fire, there will also be clouds.
"A grass fire sends a plume of smoke into the air, above which a thick clouds that get a large and heavy enough will eventually drop their moisture in the form of rain."
I automatically smiled and watch the black smoke rise up in the atmosphere. My professor in Science really did a great part on this. Thanks to his endless theory, I ended up believing in him now. Buti na lamang at na-catch up ko pa.
Nakarinig ako ng isa pang pagkalog. Nakita ko si Tsuyu na papalapit sa akin. May bitbit rin itong rainmaker. Tumabi siya sa akin at kinalog ito.
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa maitim nang langit.
"Sinasamahan ka sa katangahan mo," natatawa niyang sagot kaya napatingin ako sa kanya. Imbes na magalit ay natawa rin ako at napailing.
Ilang minuto pa ang ginawa naming pagkalog hanggang sa makaramdam ako ng mga tubig na pumapatak na sa mukha ko. Napatigil ako habang nanlalaki ang mga mata.
"I-is this really a...rain?" I ask myself in amusement.
"Umuulan na!"
"Narinig ng Bathala ang panalangin! May ulan na!"
Nakarinig ako ng sigawan sa paligid. Nag-umpisang pumatak ang mga butil ng ulan, hanggang sa tuluyan nang bumuhos ito. Nakita ko ang biglaang pagtayo ng hari at reyna sa kanilang upuan dahil sa pagkamangha. Napangiti naman ako at sinalo ang mga butil ng ulan. Inalis ko na rin ang salakot ko.
Ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig. Naipikit ko sandali ang mga mata ko.
"Umuulan!"
"Masaya ako para sa'yo," rinig ko sambit ni Tsuyu kaya naimulat ko ang mata ko at napatingin sa kanya.
"B-bakit?"
"Nakuha mo na ang tiwala nila," kalmado nitong sagot habang nakatingin sa pwesto ng hari at reyna. Iginala ko ang paningin ko. They are all dancing under the rain. They're celebrating, including the three princes.
Sa nakikita ko ay hindi ko rin mapigilang mapangiti. I successfully made the rain pour in an instant. I did it. I saved myself.
In chapter 4, the girl from the other world made an alternative way to let there be rain. I am now curious, what the next chapter would be?
THIRD PERSON'S POV
"Siya nga si...Hera," bulong ni Kaisei at napahigpit ang hawak sa hairpin na hindi pa rin niya ibinabalik sa dalaga.
"Hindi porket nagawa niyang makausap ang Bathala ay siya na ang hinirang." Narinig niya ang pagsalita ng kapatid na si Jin. Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay pinanood niya ang dalaga na maglaro sa ilalim ng ulan na tila batang tuwang-tuwa.
"Ang astig niya! Gusto ko na siya!" nanabik na bulalas ni Itsoru at nagtatalon rin sa sobrang saya. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawang kapatid.
"Ibig kong sabihin, gusto ko siyang mas makilala," bawi ni Itsoru at napalawak ang ngiti habang nakatitig rin sa dalagang si Celeste. Napaubo naman si Kaisei.
"Pinaalalahanan tayo ng hari na huwag nang mapalapit sa taga-ibang mundo," paalala ni Jin at napaiwas ng tingin.
"Ngunit kung si Celeste lang naman, magagawan natin ng paraan iyan," tila wala sa sariling sambit ni Kaisei at nakangiti na parang timang."Mukhang magkakasundo kami," nakangising sambit pa ni Itsoru sa sarili habang hinihimas-himas ang panga. "Ibang klase siya."
***
Nagulat si Celeste sa biglaang pagbukas ng pintuan ng silid kung saan siya nakakulong. Iniluwal nito ang tatlong alalay. Napatayo siya sa sobrang gulat.
"Maligo ka at magbihis. Nais kang makausap ng hari." Agad kong nasalo ang malinis na damit na ibinigay sa akin. Napakagat-labi ako.
Ano kayang dahilan at gusto niya akong makita?
Hindi tulad ng dati na marahas nila akong kinakaladkad sa tuwing dadalhin kung saan, ngayon ay hinayaan nila akong maglakad ngunit napaliligiran nila. Lumiko kami sa isang pasilyo papasok sa napakalawak na dome.
Nagbigay-galang ako sa hari at napayuko. Nakita ko ang tatlong prinsipe na nakatingin rin sa akin katabi nila si Tsuyu. Napako ang tingin ko sa apat. Sa kanila, si Tsuyu lamang ang naiiba. Hindi magara ang suot nito. Hindi gaya ng tatlo. Pero bakit pakiramdam ko, may koneksyon silang apat?
"Are they siblings?" bulong ko sa sarili at pinasadahan ng tingin ang mga prinsipe. Natutop ko ang bibig ko sa sobrang gulat. Tama ba ako? Hindi niya totoong mga kapatid sina Yamaro at Yuri. Kung ganoon, posible kayang...
"Ikaw, ang tutulong upang makaapak siya muli sa kaharian. Hindi bilang isang mababang uri ng mamamayan. Kundi isang igen,"
Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita ang hari.
"Maligayang pagbabalik...Hera." Dahil sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...