THIRD PERSON'S POV
"Magbigay-daan sa paparating na prinsesa!" sigaw ng kawal at hinatak ang malaking gate upang buksan sa pagdaan ng karuwahe lulan ang prinsesa ng Timog, si Takumi.
Dahan-dahang bumaba ang prinsesa bitbit ang abaniko niya at iginala ang paningin sa palasyo. Mahinhin pa rin ang kilos nito tulad ng dati.
"Prinsesa Takumi, hinihintay na po kayo ni Reyna Seina sa kanyang silid," magalang na saad ng kawal at napayuko bilang paggalang.
Ngumiti lamang ito at pinaypay ang abaniko. Pagkuway naglakad na kasunod ang kanyang mga alalay.
CELESTE'S POV
"Hooo! Ang panget naman pala ng role ko rito! Isang dakilang tagapunas ng sahig!" himutok ko sa sulok at marahas na pinahid ang pawis ko gamit ang manggas ng damit.
"Aray!" sambit ko pa nang batuhin ako ng kasamahan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang dami mong sinasabi, tapusin mo na ang paglinis riyan at marami pang aasikasuhin," magkasalubong ang kilay nitong sermon sa akin na animo'y siya ang pinuno namin.
"Oo nga. Huwag kang buhay prinsesa rito. Hindi bagay sa'yo." Hindi na lamang ako umimik pa at pinagpatuloy na lamang ang paglilinis. Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong ilublob sa timba ang pamunas at piniga ito.
Tama nga si Tsuyu. Magiging alipin ako rito, nang habang-buhay.
"Aray. T*ngina!" mura ko nang tumama na sa mismong ulo ko ang matigas na bagay. Agad akong napatayo at sasapakin na sana ang taong nambato sa akin noon nang mapakunot ang noo ko.
"Psst!" May tumatawag sa akin.
"Psst! Rito!" Napalingon ako sa makakapal na haligi sa di kalayuan. May sumisilip sa akin. Napataas ang kilay ko.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Oo, ikaw nga!" Agad akong lumapit at iniwan ang ginagawa ko nang walang nakakapansin. Sa mismong paglapit ko ay hinatak ng kung sino ang pulso ko dahilan para mapatago rin ako sa makakapal na haligi.
"Anong---"
"Shhhh!" Nanlaki ang mata ko nang takpan niya ang bibig ko ng kanyang palad. Sa harap ko ngayon ay ang isa sa mga prinsipe.
"I-Itsoru?"
"Kumusta, Hera?!" ngising-aso na sambit niya kaya napangiwi ako.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ah, eh." Napakamot siya sa ulo na parang hindi alam ang sasabihin. Napakagat-labi ako para pigilan ang sariling matawa. Ang cute niya. Bagay na bagay sa kanya ang bandana na nakatali sa kanyang ulo. Pakiramdam ko tuloy isa na siyang mandirigma.
"Para makita ka?" Para siyang bata na hindi alam ang sasabihin. Napailing-iling ako.
"Pambihira," natatawa kong sambit.
"Tara, sumama ka sa akin."
"Saan naman tayo pupunta?"
"Ipapakita ko lang 'tong bago kong natutunan na estilo gamit ang mga kutsilyo," pagmamayabang niya at agad inilabas sa manggas niya ang dalawang malalapad at matalim na punyal.
Halos mapatalon ako dahil sa gulat.
"Dahan-dahan naman! Baka makasakit ka! Oy!" saway ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Hinataw niya sa ere ang dalawang patalim. Kulang na lang ay ako mismo ang maging target niya.
"Itsoru!" Natigil siya sa ginagawa nang makarinig kami ng sigaw mula sa malayo. Sa dulong pasilyo ay nakita ko ang papalapit na si Kaisei. Nakakunot na ang noo nito. Agad itinago ni Itsoru ang dalang kutsilyo sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...