CHAPTER 24

228 19 0
                                    

CELESTE'S POV

"Hera, Hera ang iyong pangalan."

"Simula ngayon ay tatawagin ka sa pangalan na Hera."

"Hera, hindi ba't napakagandang ngalan?" wika ng reyna at humalakhak na tila nasisiyahan. Napangiti naman ang hari.

Napatda ako sa kinatatayuan ko. Pamilyar ang mga sinasabi nila. Saan ko nga ba lahat 'yon narinig?

"Celeste ang pangalan ko," tanggi ko pa pero hindi nila ako pinakinggan.

"Dahil sa nagawa mong matawag ang Bathala ay napagpasyahan kong bigyan ka ng isang kahilingan. Isang pagkakataon lamang pwede mong gamitin upang makahiling ng kahit anong bagay na gustuhin mo," sambit ng hari kaya napakagat-labi ako.

I want to go home. I want to return in Tokyo and never go back here again. Napayuko ako at napatitig na lamang sa konkretong sahig. Nahihirapan ako.

"Muntik ko nang makalimutan na maaari kang humiling ng kahit ano. Maliban sa kagustuhang makabalik sa totoo mong mundo." Dahil sa sinabi niya ay nakanganga akong napatitig sa hari.

"Ang pagkabilanggo ng habangbuhay sa mundong ito ay bilang kaparusahan sa pagpasok mo sa Gokayama ng walang pahintulot ko," maotoridad niyang banggit kaya halos manghina ang mga tuhod ko. Gusto kong umiyak, naninikip ang dibdib ko.

Does it mean that I will never have a chance to see kuya Chester again? F*ck, I wanna cry!

"Wala kang ibang magagawa kundi pag-aralan ang pamumuhay rito sa loob ng kaharian bilang isang isa sa mga alipin ko. Wala kang ibang matatakbuhan, hindi ka makakapagtago. Hindi ka makakatakas." Naluluha akong napatitig kay Tsuyu na ngayon ay awang-awa nang nakatitig sa akin.

Napaiwas ako ng tingin upang hindi niya makitang lumuluha na ako sa sobrang disappointment. Nakuyom ko ang kamao ko at paulit-ulit huminga ng malalim.

"Ngayon, ano ang iyong kahilingan Hera?"

Pwede bang huwag na lang humiling? Ano pa bang hihilingin ko? Pinagkait na naman nila ang gusto ko. Ang gusto ko lang naman ay makauwi na sa Tokyo o kaya ay ituro nila sa akin ang daan pauwi. Pero wala naman iyon sa choices. Now, tell me what am I going to wish?

"Alalahanin mong isang beses ka lang maaari humiling," paalala ng reyna. Mas gumulo ang utak ko. At the moment my sight landed to Tsuyu, I imagined Yamaro talking to me again that day before he died.

"Hindi lang siya magaling sa paghawak ng armas. May taglay rin siyang talino. Isa rin siyang dugong maharlika. At nakikita namin na may mga katangian siyang hindi tinataglay ng normal na mamamayan ng Gokayama. Sa darating na panahon, nakikita kong...pamumunuan niya ang bayang ito, bilang hari ng lahat."

"Ikaw, ang tutulong upang makaapak siya muli sa kaharian. Hindi bilang isang mababang uri ng mamamayan. Kundi isang igen,"

"Kaya ate Hera, ipangako mo sa akin. Na kahit gaano ka pa ipagtabuyan ni kuya Tsuyu, huwag kang aalis. Huwag ka munang aalis. Kailangan ka pa niya sa mga oras na 'to."

Halos malimutan ko na. Na humingi siya ng pabor na huwag ko munang iwan ang kuya niya. Ito na ba ang sign na kailangan ko munang manatili sa tabi ni Tsuyu ngayon? Sa paanong paraan niya ako magiging kailangan? If it's true that I will never have a chance to return again to my real home, I still have to live my life as it is, here in Gokayama.

And for now, I want to fulfill what Yamaro wanted for his brother.

I smiled as our eyes met and take a deep breath.

"Kung ganoon ang kahilingan ko ay..." napakagat-labi ako habang nakatitig sa hari na naghihintay ng sasabihin ko.

"Mahal na hari, pahintulutan mo si Tsuyu na manirahan at manatili rito sa kaharian." Pikit-mata akong napaluhod at halos hagkan na ang sahig.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming lahat. Hindi ko pa rin inaangat ang mukha ko. Hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil gusto ko munang marinig ang desisyon ng hari sa hiniling ko.

Narinig ko ang paghalakhak niya na tila wala nang bukas. Naninikip ang dibdib ko at pinagpapawisan na rin. Paano kung hindi siya pumayag?

"Napakatalino mo rin, tulad niya," natatawang sambit ng hari na alam kong ang tinutukoy ay si Hera. Hindi ako sumagot.

"Kung iyan ang iyong kagustuhan. Mula ngayon, ay pinapayagan ko nang manirahan rito sa palasyo si Tsuyu. Muling ibabalik sa kanya ang responsibilidad na paghawak ng hukbong sandatahan sa bandang kanluran ng Gokayama. Igagawad muli sa kanya ang titulo ng isang ganap na prinsipe. Lahat ng iyon ay dahil sa'yo, Hera."

Sa sinabi niya ay nanlalaki ang matang naiangat ko ang tingin ko sa hari at sa reyna na nasa harap ko ngayon maging sa apat na binatang nasa kanang direksyon ko.

Nakita ko si Tsuyu. Nakatungo siya. Bumuka ang bibig ko para magsalita ngunit walang boses na lumabas.

Ngayon, nagiging malinaw na ang lahat sa akin. Isa siya sa mga dugong maharlika. Isa siya sa mga anak ng hari. Isa siya sa apat na prinsipeng magmamana ng trono.

"T-Tsuyu..."




"Tsuyu! Tsuyu sandali!" sigaw ko habang habol siya palabas ng templo kung saan nalalagi ang hari at reyna. Mabilis ang hakbang niya na waring ayaw magpaabot. Hirap pa naman akong maglakad dahil sa damit na suot ko. Hindi ako sanay sa mahabang manggas at lagpas tuhod na ito. Kainis! Gusto ko lang naman siya makausap. Hindi man lang siya nagkwento na isa pala siyang prinsipe. God! All this time I'm living with a real prince!

"Aray ko po!" Napahawak ako sa noo nang mabangga ako sa likod niya. Tumigil siya nang biglaan at nilingon ako.

"Bakit mo hiniling ang bagay na iyon?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa naging tanong niya.

"Dahil wala naman akong ibang mahihiling kung hindi na ako makakabalik sa amin, hindi ba?" Nakangiti kong sagot pero nagulat ako nang panlisikan niya ako ng mata at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat.

"Bakit hindi mo na lang hiniling na magkaroon ka ng maayos na buhay habang narito ka sa palasyo? Nag-iisip ka ba?! Sa tingin mo porket nabigyan mo sila ng ulan, ituturing ka na nilang biyaya? Nagkakamali ka! Pahihirapan ka pa rin nila! Gagawin ka nilang alipin!"

"Kasi hindi ako makasarili!" sigaw ko pabalik dahilan para matigilan siya. Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak na.

"Sina Yamaro, naging mabuti sila sa akin. Nangako akong kahit anong mangyari, sa tabi mo lang ako. Tsuyu kung hindi mo ako maiintindihan, huwag mo na lang akong husgahan," sambit ko at pinunasan ang luhang tuloy lamang sa pagtulo.

"Desisyon ko 'to. Kaya ako mismo ang bahala sa sarili ko," dagdag ko pa at ngumiti. Nabitawan niya ang balikat ko.

"Maligayang pagbabalik sa tirahan mo, mahal na prinsipe. Maraming salamat sa pagligtas ng buhay ko. Hangad ko na laging nasa maayos kang kalagayan." Iniyuko ko ang ulo ko bilang paggalang, umatras ng ilang hakbang at agad siyang tinalikuran.

This is the only thing I can do for now. I hope he understands. If I'll stay here inside the palace, he should be here too. Gokayama people needs him in the near future. Palace needs a prince like him.

***

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon