THIRD PERSON'S POV
Pabagsak na napaluhod si Hera sa harap ng mga kawal na bumubugbog sa kanya. Maraming pasa sa mukha at katawan na halos hindi na makilala. Naghahalo na ang namumuong pawis at dugo sa kanyang katawan. Ngunit wala atang may balak na kaawaan at tulungan siya. Sa halip, isang malulutong na palo pa ang lumapat sa likod niya at iba't ibang parte pa ng katawan. Napaubo siya, dugo ang lumalabas rito.Gumapang siya at napatingin sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon. Imbes na magalit ay napaiyak na lamang siya sa sobrang awa sa sarili.
Nakita niya si Jin na walang emosyong nakatingin sa kanya. Mayamaya ay agad itong napaatras at tumakbo palayo na tila ayaw makita ang kalagayan niya. Si Kaisei na walang magawa kundi ang magpumiglas na lamang sa di kalayuan ay napahagulgol nang makita ang kalunos-lunos niyang hitsura.
"Hera!" sigaw ni Itsoru na awang-awa rin sa dalaga.
Ngunit hindi ang mga ito ang nais niyang makita. May gusto siyang mahagilap ng paningin. Iginala muli niya ang nanlalabo niyang paningin. Habol ang hininga niyang nakita ang binatang iniibig niya sa loob ng pamamalagi niya sa kaharian. Ang binatang nangako sa kanya na hindi siya hahayaang masaktan. Na ililigtas siya nito at tutulungang makabalik sa totoo niyang mundo. Napaiyak siya sa sakit nang maramdaman na naman ang latigo sa likuran niya.
Mahapdi ito. Tila nanunuot sa kalamnan niya.
"T-tsu..." hindi na siya makapagsalita. Nakita niya itong lumuluha. Nagtagpo ang mga titig nila. Mga titig na simula't sapul ay may pagkakaintindihan na. At tulad ng dati, nagpakawala ang dalaga ng isang natural na ngiti sa binata. Gusto niyang iparating na magiging ayos lang ang lahat, na ayos lang siya. Pinatatawad na niya ito sa mga pangakong hindi niya natupad.
Hinding-hindi niya hahayaang siya muli ang maging dahilan ng paghihirap ng prinsipe. Mas mabuting siya na lamang ang magdusa.
Napakagat-labi si Tsuyo nang marinig ang iyak ng dalaga. Nasasaktan siya sa nakikita. Pero mas nasasaktan siya sa katotohanang wala man lamang siyang magawa kundi ang panoorin ang paghihirap nito. Napatungo siya at hinayaang tumulo ang luha. Napahigpit ang kamay niya sa hawak na espada.
Naiangat niya ang tingin nang maramdaman ang isa pang palad na humawak sa kamay niyang nanginginig. Nakita niya sa tabi si Takumi. Ang babaeng lihim na may pagtingin sa kanya noong una pa lang.
"Hindi mo dapat kaawaan ang babaeng iyan. Ang mga mortal na taga-ibang mundo ay dapat lamang mama---"
"Wala kang alam," nakangiting sambit ni Tsuyu at agad iwinakli ang kamay nito.
Magsasalita pa sana si Takumi nang itinaas ni Tsuyu ang espada at sumigaw. Nagulantang ang lahat."T-Tsu...yu..." Sa nandidilim na paningin ni Hera ay nakita niya ang pakikipaglaban ng binata sa mga kawal na lumalatigo sa kanya.
"Hera! Hera!" Nabitawan agad ni Tsuyu ang samurai at agad dinaluhan ang walang-malay nang dalaga.
"Hera! Gumising ka!"
Nagising si Celeste sa malakas na tapik sa kanyang balikat. Otomatikong napalikwas siya at nagpalinga-linga. Nasapo niya ang noo. Panaginip lang pala.
Sana panaginip na rin lang itong tadhana niya mamaya.
"Ipinag-utos ng hari na bihisan ka ulit. Heto at kumain ka muna. Kung ako sa'yo, ubusin ko na ang pagkaing iyan. Wala nang pagkain sa langit, eh," sarkastikong sambit ng mga alalay at nagsipagtawanan habang inihahanda ang susuotin niya mamaya para sa pag-aalay. Napadako ang tingin niya sa mangkok ng kanin, sabaw at mainit na tsaa. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...