CELESTE'S POV
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ikinurap-kurap upang sanayin sa kadiliman. Nakaupo lamang ako sa sulok at pinakikiramdaman ang paligid. Napakatahimik ng gabi. Ipinatong ko na lamang sa dalawa kong tuhod ang mga braso at ang ulo ko.Masakit pa rin ang katawan ko. Pero hindi na gaya ng kanina. Nalapatan na rin ng paunang lunas ang mga sugat ko sa tuhod. Tulad ng utos ng hari ay pinaliguan at nilinisan na rin ako. Suot ko ngayon ang isang mahaba at kulay puting damit na may bigkis sa bewang. Inayos rin nila ang magulo kong buhok. May iniwan silang tray ng hapunan sa lapag ko, pero hindi ko iyon ginalaw. Wala akong gana kumain. Sino ba namang gaganahan kumain kung alam mong kinabukasan bibitayin ka na, hindi ba? Noong nasa Pilipinas pa ako, I remember how we used to study Philippine History. How Rizal died, and how GomBurZa sacrificed their lives for the Filipinos. Ganitong-ganito ang senaryo ng mga naiimagine ko bago sila tuluyang patayin.
Eh ako, para kanino ako mamamatay?
Anong kasalanan ko? Kasalanan ba ang mabuhay?
"Now I know, why people are afraid of dying," I uttered and closed my eyes letting a drop of tear fall from my eyes. Napasinghot ako at pinunasan ang mukha gamit ang mahabang manggas ng suot kong damit.
I was damn scared of dying. But I know I have no choice. Kung pumalag ako, mamamatay ako. Kung tatanggapin ko ang kapalaran ko, papatayin rin ako.Death was inevitable. Death sucks. Pero hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot ngayon. Sa kamatayan ba o sa katotohanang, walang makaaalala sa akin kapag namatay na. Wala man lang malulungkot o manghihinayang kapag nawala na ako.
Napayuko ako. Ang lakas ko mag-drama, ginusto ko naman lahat ng nangyari. I offered myself just to save that freaking guy who never cared for me. Pinrotektahan ko ang taong wala namang pakialam kung mawala ako. Sabagay, ito naman talaga ang gusto niya. Ang mawala ako sa kanyang paningin.
Why would I think that he will come right after me tomorrow and save me from my death? I laugh sarcastically.
"Hera, I don't know why you ended up here too. Honestly. I don't know you. But now, I understand what you went through. Masakit bang mamatay?" tanong ko sa sarili nagbabakasakaling lumitaw sa panaginip ko mamaya ang babaeng pinagkakamalan nilang "ako" raw.
Hanggang sa ang pag-iyak ko nang mag-isa ay tuluyan na akong dinalaw ng matinding antok.
THIRD PERSON'S POV
Tahimik na nagsasalo-salo ang pamilya ng hari sa isang mahabang hapag na napupuno ng iba't ibang putahe. Panay ang sulyap ni Kaisei sa kapatid niyang si Jin at sa ama niyang si Taiyo. Waring nag-aabang ito ng sasabihin ng alin man sa miyembro ng kanyang pamilya.
"Sigurado na bang bukas na gagawin ang pag-aalay?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin siya. Nilunok muna ng amang hari ang pagkaing kanyang nginunguya bago tiningnan ang pangatlong anak na si Kaisei.
"Ang Bathala ay hindi pinaghihintay. Hangga't hindi naisasagawa ang ritwal, hindi tayo gagawaran ng ulan," litanya nito at nagpatuloy sa pagkain.
"Bakit? Nanghihinayang ka ba sa buhay ng babae?" may panunuya sa boses ni Jin habang tinutusok-tusok ng chopstick ang pagkain niya. Dahil sa sinabi nito ay napatingin sa kanya si Kaisei. Ang isip-bata namang si Itsoru ay tila walang kaide-ideya sa pinag-uusapan ng mga kapatid kaya panay lamang ang subo nito ng pagkain.
"Wala akong sinasabi," kontra ni Kaisei sa panganay na kapatid. Natawa naman si Jin.
"O naniniwala kang si Hera ang babae na 'yon?" Tuluyan nang naibagsak ni Kaisei ang chopstick na hawak at padabog na tumayo. Nawalan ito ng gana na kumain.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Nasa harap ninyo ang kamahalan! Winawalang-galang ninyo ang pagkain!" galit na sigaw ng inang reyna na si Seina. Naibagsak rin ni Taiyo ang hawak na chopstick. Si Itsoru naman na akmang susubo ay naantala ang ginagawa at napatingin sa kanila.
"Ganyan ba ang pagpapalaki ko sa inyo?" kalmadong tanong ng hari sa magkakapatid. Walang sinuman ang umimik sa tatlo.
Hindi ito pinansin ni Kaisei at dire-diretsong umalis palayo sa hapagkainan.
"Pambihira, ba't di na lang kasi kumain? Hays. Nakakawalang-gana tuloy," nakangusong saad naman ni Itsoru at nilaro-laro na lamang ang kanin at karne.
***
"Alam mo ba ang hitsura ng mundo namin?"
"Anong hitsura?"
"May nagliliparang sasakyan sa kalawakan, mayroon sa tubig tapos sa lupa," nakangiting sabi ng dalaga at saka napatingin kay Kaisei na hindi maiwasang mapangiti habang nakatitig sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito sa kanya at hinaplos-haplos ang pisngi na ngayon ay malaking peklat na. Ibang-iba sa maamong mukha nito noong napadpad sa kanilang mundo.
"Wala naman. Hera..."
"Bakit?" nakangiti nitong tugon sa kanya.
"Kung sakaling mabago namin ang pasya ng hari, gusto kong ilayo ka rito," wika ni Kaisei at hinawakan ang kamay ni Hera.
"H-Hayaan mo na akong makabalik sa Tokyo?" tila may pananabik sa boses ang dalaga.
"Gusto kong lumayo tayo rito at mabuhay nang magkasama. Hera, pakasalan mo ako." Dahil sa sinabi ni Kaisei ay nawala ang ngiti sa labi niya. Napabitaw siya sa pagkahawak-kamay.
"Bakit?" tanong ni Kaisei nang mapaiwas ito ng tingin sa kanya.
"H-hindi. Hindi ko kaya," tanggi ng dalaga.
"Dahil ba kay Tsuyu? Kay Jin? Sino sa kanila? Bakit hindi ako?"
"Hindi dahil sa kanila."
"Kung ganoon anong dahilan?"
"Kaisei, gusto ko nang umuwi sa amin. Pero dito na ata ako aabutin ng kamatayan." Naging malamlam ang tinig ni Hera at napabuntong-hininga. "Nangako si Tsuyu na ibabalik niya ako sa totoo kong mundo. Maghihintay ako," dagdag pa niya. Kusang tumulo ang butil ng luha sa mga mata ng dalaga. Bakas ang pangungulila sa mundong ginagalawan niya noon.
Nasuntok ni Kaisei ang pader na naghahati sa silid kung saan nakakulong ngayon si Celeste. Nagtiim-bagang siya. Paulit-ulit na naman niyang naaalala ang nakaraan. Dapat matagal na niya itong nakalimutan, ngunit bakit pakiramdam niya ay sariwang-sariwa pa rin?
Napasandal na lamang siya at nakuyom ang kamao. Wala siyang pakialam kung nasaktan man siya dulot ng malakas niyang pagsuntok sa konkretong pader. Mas nananaig ang damdamin niya ngayon. Mayamaya ay nakita niyang naglalakad palapit si Jin kaya otomatiko siyang umayos ng tindig at lumihis ng daan.
Hindi naman ito lingid sa panganay na kapatid kaya napailing na lamang ito.
"Pambihira," sambit niya sa sarili at naglakad na rin palayo.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...