Iminulat ko ang mga mata ko.
Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.
I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here in Mount Hida, nearby a well.
Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.
"Fudge, I thought this will heal," bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain.
Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.
Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I'd hurt myself for the first time.
Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblings as well as Mira.
Paika-ika man ay naglakad ako palapit sa dalawang kawal na nagbabantay sa labas ng palasyo. Napadali ang pagbaba ko ng bundok dahil na rin sa mabuting Samaritan na nagpasakay sa akin sa kanyang kabayo.
Ilang metro akong napatigil mula sa gate. Napansin nilang nakatayo lamang ako at hindi gumagalaw.
Mayamaya ay bumukas ang malaking gate at niluwa nito ang isang kawal na pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong bantay na laging nakasunod sa akin noong pinadala si Tsuyu sa giyera.
Para akong batang sinilip-silip siya habang masayang nakikipagkwentuhan sa dalawang kawal hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin. Tinuro niya ako at hindi makapaniwalang sumigaw. Tila gulat pa itong makita ako.
"Si Hera! Hera!"
Dahan-dahan kong inilapag ang tasa ng tsaa sa mesa at ngumiti sa dalawang prinsipe na kaharap ko ngayon. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.
"K-kumusta?" tanong ko kaya sa hindi malamang dahilan ay umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang malakas na iyak ni Itsoru sabay yakap sa akin nang sobrang higpit.
"Hera, buti nagbalik ka! Akala ko hindi na kita makikita ulit! Sayang at hindi mo nakita kung gaano ako kagaling makipaglaban!" aniya sa pagitan ng hikbi.
Napangiti ako at tinapik-tapik ang likuran niya. Ang batang prinsipe na ito talaga."Nakakahanga ka. Pinagtanggol mo ang kaharian," sagot ko at kumawala sa pagkakayakap.
"Hindi ka na ulit aalis hindi ba?" paniniyak pa ni Itsoru kaya napaiwas ako ng tingin sabay harap kay Jin na hindi nagpapakita ngayon ng kahit anong emosyon. Maging siya ay nagulat rin nang makita akong nakabalik.
"Itsoru, hindi siya mananatili rito ng matagal. Narito lang siya upang personal na makapagpaalam sa atin." Dahil sa sinabi ni Jin ay napatungo ako.
"T-totoo ba, Hera?" Pumiyok ang boses ni Itsoru. Napatango ako.
"M-may gusto ka bang sabihin sa akin kahit sa huling pagkakataon?" nakangiti kong tanong kaya mas napahikbi siya. May mas iyakin pa pala kaysa sa akin.
"Hera, hindi kita makakalimutan. Sa ilang buwan mong pananatili rito sa palasyo, naging tunay at tapat kang kaibigan sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan mo pang bumalik sa totoo mong mundo kung pwede ka namang manatili rito? Hera, kami ang pamilya mo. Pakiusap, huwag mo sana kaming kakalimutan. Umaasang babalik ka, Itsoru."
Halos mabasa ng luha ko ang papel na naglalaman ng sulat ni Itsoru sa akin. Napasalampak ako sa bato at nasapo ang mukha ko. Nasasaktan ako sa mga nababasa ko.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...