"So, what the hell are you talking about?" Mas tumaas ang kilay ni Patrice habang inaantay ako magkwento. Si Truce rin na kanina lang ay kinakalikot ang phone niya, napatigil at nakikinig na rin sa amin.
Humigop muna ako sa frappe ko bago sila tingnan isa-isa."Iyon nga 'yon. Iyon lang ang nangyari," tipid kong sagot matapos kong ikwento sa kanila ang pagcutting classes ko para lamang pumunta ng library. After kasi ng nangyari ay tinawagan ko sila at pinapunta rito sa malapit na coffee shop. Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari kay Madame Akako excluded the weird light I have seen between the pages of a book. Hindi pa ako sure kung totoo nga ba 'yon o guni-guni lamang.
'For pete's sake! You cut your class just for a book? Oh my God naman Celeste," namomroblemang sambit ni Patrice.
"No offense Cel, pero pansin namin nitong mga nakaraang araw, medyo weird ka na," pag-amin ni Truce atsaka inayos ang suot niyang eyeglasses.
"W-what do you mean weird?" I asked him.
"You're always asking us if we even heard voices calling you. As simple as that." Simple pero malaman ang naging sagot niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Tell us, Celeste."
"What?" I raised my eyebrow and look at Patrice. Naniningkit ang mga mata niya na tila may pagdududa.
"Are you in weeds?" Halos masamid ako sa sinabi niya.
"Hell no!"
"Then what? Anong klaseng acting 'yon? 'Yung boses na naririnig mo baka kakabasa mo lang 'yan ng books. May nabasa akong ganyan eh, yung sobrang---"
"Thanks for your infos and concern, Truce but I am fcking okay, okay? Siguro kulang lang sa tulog." Napahikab ako at nag-inat inat na. Napatingin ako sa labas ng coffee shop at nagsisimula nang lumiwanag ang mga streetlights. Gumagabi na.
"Oh ano, tara na uuwi?" aya ni Truce sa amin. Maging si Patrice ay tumayo na rin.
"Mauna na kayo. May aantayin pa ako," tanggi ko sa kanila.
"Ikaw ha, sino naman 'yan? Baka naman iyan ang dahilan kung bakit nagcutting ka kanina? May boyfriend ka na ba Cel?" taas-baba ang kilay ni Truce habang nakatingin sa akin.
"Ayieee gwapo ba?" tila kinikilig na tanong ni Patrice.
"Naku po, yare ka sa kuya mo," pananakot ng siraulong si Truce kaya napa-face palm na lamang ako.
"Mga baliw, babae 'to. Girlfriend!"
"Girl? Tomboy ka ba?" Agad nakatanggap ng batok si Truce mula kay Pat. Napangiwi ito sa sakit kaya halos matawa ako."Gago, ginawa mo pang lesby kaibigan natin."
"Kung ganoon sino nga?"
"Konbanwa!" Bago pa ako
makapagsalita ay lumitaw sa harapan namin ang waitress na kanina ko pa hinihintay. Ito rin iyong waitress na nakaencounter ko kaninang umaga. Kapwa napatingin sina Patrice at Truce sa akin."Oh, paano Cel, una na kami. Ingat na lang sa pag-uwi mamaya. Bye!" paalam nila at lumabas na ng café. Kumaway na lamang ako sa kanila.
"Pasensya na. Kanina ka pa ba? Ngayon lang kasi natapos ang shift ko," may pagsisisi sa boses na hinging paumanhin ng babae matapos kami na lamang ang maiwan.
"Ayy ayos lang po. Sorry na rin sa abala."
"So, saan tayo? Huwag tayo dito mag-usap." Inilibot niya ang paningin sa buong shop na parang sinisiguradong walang makakarinig sa amin. Weird.
"Kumain ka na ba?" Kasabay noon ang paglitaw ng matamis niyang ngiti. Napailing ako dahil hindi pa ako kumakain ng dinner. Balak ko sana sa bahay na kasabay ni kuya.
"Tara, kain tayo sa labas." Hindi na ako nakasagot pa nang hatakin niya ako palabas ng Onibus Café.
***
"Erika nga pala." She extended her hand for a handshake so I did it too. Ngumiti ako ng tipid dahil kanina ko pa nabasa ang pangalan niya sa nameplate na nakakabit pa rin sa uniporme niya. Mukhang nakalimutan niyang magpalit sa sobrang pagmamadali dahil iyon pa rin ang kanyang suot. Kanina lang kasi ay nagrequest akong gusto ko siya makausap pagkatapos ng workshift niya at pumayag naman agad siya. My fault.
"Celeste," pagpapakilala ko. Naantala ng konti ang diskusyon namin ng ilapag na sa table ang mga pagkain.
"You really look like her. Are you a reincarnation or what?" Hindi ko mapigilang matawa dahil sa pinagsasasabi niya."Who?"
"Hera Ether Yakagami," sumubo muna siya ng pagkain bago nagsalita.
"Sino s'ya?""A high school bestfriend. She disappeared four years ago. We didn't know where and why." Naging malamlam ang tinig niya sa pagsasalita and I can sense she's still can't get over of Hera. Sabagay, bestfriend mo ba naman ang mawala. Mas masakit pa 'yon sa break-up.
"S-sure ka? I look like her?"
"Your features. You really remind me of her. A bibliophile and a coffee lover who always sits alone to be with her books," paniniyak niya kaya nasamid ako. Tulad rin siya ni Madame Akako.
"And she's beautiful just like you." Ngumiti siya at tiningnan ako sa mga mata. Napaiwas ako ng tingin at hindi makapagsalita."I know it's weird but can I ask you something?" Hindi siya nagsalita pero tumango siya.
"A-anong nangyari kay Hera? I mean c-can you tell me more?"
"Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi na siya bumalik after niya magpaalam na pupunta lang siyang library. That was the last day na nakita namin s'ya. Ang sabi ng iba, baka raw naglayas. Our classmates said baka naman raw nakipagtanan na sa boyfriend. We interrogate her boyfriend, hindi rin niya alam kung saan nagpunta ang bestfriend ko."
"Pero naniniwala akong may dahilan. Hindi ganoon basta-basta na lang mawawala si Hera. Wala naman siyang alam puntahan rito sa Tokyo kundi library, school at bahay lang. May mali talaga. So we contacted police, investigators, detectives. They never found any traces kung nasaan siya," litanya ni Erika atsaka napatingin sa bintanang salamin.
"That was four years ago. Kahit papaano, medyo nakakausad makalimot. Sumuko na rin kami sa paghahanap. Years taught us to move on and forget that she abandoned us. Sayang nga eh, hindi ko siya nakasama mag-martsa paakyat ng stage noong graduation. Well, I just missed her. Sorry, ang drama." Nakita ko ang pasimple niyang pagpahid ng luha. Hindi na ako nagsalita pa bilang respeto. Sapat na ang nalaman ko tungkol kay Hera.
"Pero alam mo 'yung hindi ko makalimutan? May mga sinasabi siya dati sa akin na ayaw kong paniwalaan bago siya mawala. At hanggang ngayon ayaw ko pa rin maniwala," sambit ulit niya kaya mas nacurious ako.
"T-tulad ng?"
"She's hearing voices calling her by name. A week after she completely disappeared."
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...