CHAPTER 31

213 17 0
                                    

"Hera..."

"Hera?"

"Hera Ether Yakagami!"

Pupungas-pungas na naiangat niya ang ulo matapos ang ilang minuto ng pagtulog sa gitna ng klase. Nabalik siya sa reyalidad nang makita sa kanyang harapan ang professor niya sa History. Magkasalubong na ang kilay nito habang masama ang titig sa kanya.

"Hindi ka na naman nakikinig. Ang lakas pa ng loob mo na matulog sa gitna ng diskusyon ko," ani ng matandang guro na may pagkadismaya sa boses. Nakarinig siya ng hagikhikan mula sa mga kaklaseng halos lahat ay nakatingin na sa kanya.

"Answer my question, if you really are into my class," masungit nitong wika.

"Nababaliw na ba ang matandang 'to? Paano ko naman sasagutin ang tanong gayong hindi nga ako nakinig at natulog lang? Ni hindi ko nga alam ang topic na dini-discuss niya!" Naiinis niyang sambit sa sarili at napakamot sa ulo.

"Alam mo, Hera, hindi ka naman ganyan dati. Nakakapag-focus ka pa nga sa pag-aaral noon. What happened? May nangyayari ba sa'yo these past few days?" tanong pa ng professor. Lahat naman ng kanyang kaklase ay nakikinig habang ini-interrogate siya. Nakita niya si Erika na nakatingin rin sa kanya na tila nag-aalala. Alam nito ang mga pinagdaraanan niya ngayon.

May nangyayari nga ba sa kanya nitong mga nakaraang araw? Parang wala naman. Maliban sa mga boses na gumagambala sa kanya gabi-gabi. Tinatawag siya nito sa pangalan niya.

"Hera Ether Yakagami!" Naipitik na ng guro ang daliri sa tulalang dalaga. "I'm asking you! Are you okay? You're always physically present but mentally absent!" Galit na ito. Napayuko na lamang siya.

"Gomen'nasai," hingi na lamang niya ng paumanhin. Narinig niya itong bumuntong-hininga.

"I need to talk to your parents tomorrow. Bring them with you. Your behavior affects your grade, Hera. Graduating ka pa naman." Mas napayuko ang dalaga at naglakad na palayo ang guro upang ituloy ang naudlot na lesson dahil sa kanya.


***

"Hera! Sabay na us umuwi! Day-off ko ngayon sa coffee shop kaya masasabayan na kita," masayang sambit ni Erika habang inaayos ang strap ng bag.

"Pasensya na. Pwede bang mauna ka na muna? Daraan muna akong library," tanggi ni Hera at nagpeace-sign sa kaibigan.

"Eh? Sayang naman! Pero sige, sa ibang araw na lang. Ingat ka mamaya, ah?" paalam na lamang ni Erika habang si Hera naman ay tinungo ang direksyon ng pinakalumang library sa 4rth floor.

Bukod sa mahilig sa libro, may isang bagay ang naging dahilan kung bakit lagi siyang dumidiretso ng silid-aklatan na iyon. Iyon ay ang mga boses na naririnig niya mula pa noon, maging ang hindi pamilyar na liwanag sa pinakadulong shelf. Balak niya itong alamin.

Hindi siya naniniwala sa mahika. Pero binabagabag siya ng kyuryosidad na alamin kung totoo ba ito.

Ngunit sadyang may hadlang talaga sa nais niyang gawin.

Bubuklatin pa lang sana niya ang log book upang mag-sign in nang padabog na iniharang ni Madame Akako ang kulubot niyang palad sa log book. Halos mapasigaw si Hera sa sobrang gulat. Nasa harapan na niya ang matandang librarian at masama ang titig nito.

"Nakalimutan mo na atang ban ka sa silid-aklatan na ito. Doon ka sa third floor magbasa," masungit nitong utos at pinakita ang pangalan niyang may highlight na kulay pula. Ibig sabihin ay hindi siya pwedeng pumasok rito.

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon