Maingay na paligid, masiglang musika mula sa mga musikerong nagbibigay-buhay sa kalye, mga boses ng tindera, mga kalesang nagdaraanan sa konkretong kalsada ang sumalubong sa amin pagkarating pa lamang ng bayan. Hindi magkamayaw ang mga tao. Habang papasok kami ng pamilihang bayan ay palakas ng palakas ang mga tunog. Napahawak ako sa tenga ko upang takpan. Nakakarindi. Kumbaga sa Tokyo, ingay ng tren, busina ng mga sasakyan at sigawan rin ng mga tao ang masisilayan mo. Nagkataon lamang na may pagkaluma ang panahong ito kung nasaan ako ngayon.
"Huwag mong ipakita ang mukha mo. Mahahalata ka ng ilan," sermon ni Tsuyu sa akin kaya mas ibinaba ko ang salakot na suot upang matakpan ang aking pagmumukha. Mas nakipagsiksikan kami sa mga taong nasa paligid namin. Mukha tuloy ako ritong kriminal na may ginawang kasalanan at pilit itinatago ang mukha upang walang makakita.
Sabagay, ang isang tulad kong normal na tao ay hindi maaaring malaman na nakikisalamuha sa tulad nila. Kapag nagkataon, hindi ko alam ang mangyayari. Hindi ko kasi nabasa man lang ang ilang detalye na nasa loob ng libro bago pa ako mahigop nito papasok. Napakamot na lamang ako sa kilay habang nakasunod sa kanya. Kung saan kami pupunta ay hindi ko alam. Basta ako, nakasunod lang.
"Akin na ang kamay mo," narinig kong nagsalita ulit siya at tumigil pa kaya nabunggo ako sa matigas niyang likod. Ang sakit, ha.
"A-ano?" pag-uulit ko dahil hindi ko naintindihan.
"Ang kamay mo, sabi ko." Bago pa ako makasagot ay hinawakan na niya ng mahigpit ang aking kamay at ngayon ay sabay na kaming naglalakad nang mabilis. Napatingin ako sa kamay namin na ngayon ay magkadaop na. Napaiwas ako ng tingin. Hindi naman siguro kami maju-judge na magkasintahan rito, 'noh? Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang warehouse.
Rinig ko ang nakakarinding pagkiskisan ng bakal at metal. At ang matindi pa ay ang usok na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napaubo ako ng ilang beses. Mukhang rito pa ako magkaka-asthma, ah. Ano ba kasing ginagawa naming rito?
Binitawan ni Tsuyu ang kamay ko at kinuha ang espada niya.
"Anong kailangan, bata?" maangas na tanong sa kanya ng isang matipunong lalaki na ang kaliwang kamay ay gawa na sa metal hook. Napangiwi ako nang sumagi sa aking isip si Captain Hook ng Peter Pan.
"Baka maaaring remedyuhan," hinugot ni Tsuyu ang espada. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako sa kanya. Sh*t, may trauma na ata ako sa samurai. The man who looks like Captain Hook carefully examine his sword and nodded.
"Konting hasa lamang ang kailangan niyan," wika nito at agad tumalikod bitbit ang espada. Nakahinga ako ng maluwag at bagsak-balikat na napatingin kay Tsuyu na naglilibot-libot na ngayon sa iba pang tindahan. Tila inosente itong tumitingin ng mga paninda habang nakalagay pa sa likod ang dalawang kamay. Hinabol ko siya at agad nagsalita.
"Bakit mo pa ba ako sinama rito?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin. Mas gusto ata niyang napapahamak ako. "Tapatin mo nga ako. May balak ka bang iwan ako rito pagkatapos?" dagdag ko pa. I know this strategy. I already experience getting lost in the market full of crowds. At isa pa, napapanood ko na ito noon pa sa mga drama at telenovela. Iyong tipong isasama ka niya sa lugar kung saan hindi ka pamilyar pagkatapos, iiwan ka na lang basta. Kaya hindi niya ako maloloko.
Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa akin. Tulad ng nakagawian, parang badtrip na badtrip siya at galit sa mundo.
"Isinama kita para maalala mo kung saan ka ba dumaan o kung may naaalala ka bago ka makarating rito. Ngunit pwede rin naman ang naiisip mo. Maaaring iwanan na lang kita at pabayaan. Magiging pulubi ka, walang matitirahan, walang makakain hanggang sa mamatay at---"hindi ko na siya pinatapos at hinampas na siya ng dala kong bayong. Napangiwi siya sa sakit. Nagtiim-bagang ako at hinampas ulit siya. Sinalag na niya ang bawat hampas ko gamit ang dalawa niyang braso.
"Anong---"
"Peste! Hahayaan mo na lang akong mamatay! Wala ka talagang puso! Tao ka pa ba? Ha?!" bulyaw ko at hinampas pa rin siya. Natigil lamang ako ng mahawakan na niya ang dalawa kong braso at tinitigan ng masama. Halos maduling ako sa pagtitig sa mga mata niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa, nakakailang.
"Bata, bagong hasa na ulit ang armas mo." Agad ko siyang tinulak palayo at tumikhim nang marinig kong magsalita si Captain Hook, este ang may-ari nitong warehouse.
"Salamat," wika ni Tsuyu at agad kinuha ang bagong hasa niyang samurai kapalit ng isang supot na pilak. Napataas pa ang kilay ko sa pagtataka kung bakit pilak ang ibinabayad niya. Ngunit natigil rin ang pag-iisip ko nang maalalang, nasa ibang panahon nga pala ako.
"Tayo na," aya nito at agad akong nilagpasan. Napasunod na lamang ako.
THIRD PERSON'S POV
"Anong ibig mong sabihin na may nagbabalik?"
Matapos humigop ng tsaa ay hinarap ni Jin ang pangalawang kapatid na si Kaisei. Inilapag naman nito ang hairpin na ilang araw na rin niyang itinatago sapagkat hindi pa malaman kung sino ang nagma-may-ari."Apat na taon na ang nakararaan mula nang may mapadpad na isang dilag rito sa atin galing sa kabilang mundo. Hindi mo na ba naaalala ang nakasaad sa propesiya? Ang naunang pinili na makaapak sa mundong ito ay mawawala ngunit paulit-ulit na magbabalik. Jin, tingin mo hindi kaya---"
"Ang babaeng nagmamay-ari ng bagay na iyan ay hindi si Hera," diretsahang tugon ni Jin at naibagsak ng malakas ang tasa ng tsaa. Nagulat naman si Kaisei sa inasal ng kapatid.
"Sinuman, ang mangmang na nakapasok muli sa mundong ito ay hindi siya mismo," dagdag pa niya at muling lumagok ng tsaa.
"Paano kung totoo? Paano kung nagbalik nga siya?" pagpupumilit ni Kaisei sa nakatatandang kapatid na paniwalaan ang sinasabi niya. Tumayo mula sa pagkakaupo si Jin at hinarap ang kapatid na si Kaisei na ngayon ay hawak pa rin ng mahigpit ang hairpin.
"Hindi ako gaya mo, na naniniwala sa pagbabalik. Patay na ang tinutukoy mo. At ang may-ari ng bagay na hawak mo ay ibang tao. Magkaiba, ngunit pareho ng kapalaran at kahahantungan. Parehong...kamatayan---"
Hindi na napigilan ni Kaisei ang bugso ng damdamin at nasuntok na ang kapatid. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa naririnig. Napahawak naman si Jin sa namumulang panga at agad sinalubong ang masamang titig ng kapatid.
"Naging mabuting kaibigan siya sa'yo noon. Bakit kung magsalita ka ngayon, parang wala kang utang na loob?" nagtiim-bagang ang binatang si Kaisei at dinuro-duro si Jin. Napangisi naman ang huli nang maalala ang babaeng kahit paano ay naging bahagi rin ng nakaraan niya, nila.
"Malaki ang pagkakautang ko sa kanya, ngunit pinagbayaran ko na rin iyon sa loob ng apat na taon," sagot ni Jin at napangiti ng mapakla. Dahil rito ay napatigil si Kaisei at tila humupa ang galit sa kapatid.
"Huwag mong sabihin na hanggang ngayon rin---"
"Nalalapit na ang ritwal para sa nararanasan nating tagtuyot. Ang mahalaga ngayon ay makahanap ng isang birhen na iaalay sa Bathala. Mabuting tulungan mo rin lamang si ama. Kaysa pagtuunan ng pansin ang mga bagay na dapat ay ibinabaon na sa limot," diretsahang sabi ni Jin at matalim na tumitig sa pangalawang kapatid na ngayon ay nakatulala na.
"Mauna na ako," tinapik siya nito sa balikat at agad umalis. Si Kaisei naman ay mas lalong napahigpit ang hawak sa hairpin at napatungo. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ano nga ba ang dapat niyang gawin at paniwalaan?
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...