CHAPTER 33

194 18 0
                                    

CELESTE'S POV



Humugot muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.

"Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?" sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya't maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!

"Fudge!" Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko si ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.

"Napakalampa talaga," naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.

"S-salamat," naiilang akong sagot habang hawak pa rin ang laylayan ng damit ko.

"Sa susunod mag-ingat ka na," tipid niyang wika. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Mauna na ako." Yumuko ulit ako dahil naalala kong naghihintay nga pala sa akin ang reyna. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at mabilis nang naglakad palayo.

Ni hindi ko na siya nilingon.
Pagkarating sa nakapinid na pinto ay doon na nagsimulang kumabog ang puso ko. Lalo na nang unti-unti ko itong buksan at tumambad sa akin ang magkaharap na sina Takumi at Reyna Seina. Kapwa sila umiinom ng tsaa. Sabay pa silang napatingin sa akin nang pumasok na ako.

"Mabuti naman at narito ka na. Kanina ka pa namin hinihintay." Nagpakawala ng isang ngiti si Takumi. Hindi ko gusto ang ngiting iyon. Mapagkunwari.

Akala ko ba'y kami lang ng reyna ang mag-uusap? Bakit kasama ang isang 'to?

Alinlangan akong napayuko bilang pagbati at dinaluhan sila sa mesa. Isang ngiti ang ginawad ko sa kanilang dalawa. Kakaiba ang awra ng reyna ngayon. Hindi gaya noong gabing nasampal niya ako. Galit pa kaya siya sa akin?

"Gusto ko lang humingi ng paumanhin noong gabing hindi ako nakapagtimpi. Nadala lang ako ng galit, Hera." Hindi tulad noon, mahinahon na ulit ang boses niya kaya nahihiya akong napatungo.

I don't know but I doubt. Alam kong hindi ito ang rason sa pagpapatawag niya sa akin rito. Alam kong may bukod pang dahilan. Ano kaya iyon?

"S'ya nga pala, pinatawag kita dahil gusto kitang makausap at mas makilala pa lalo. Gusto kong...kalimutan mo na ang nangyari noong gabing iyon," dagdag pa nito at napatango ako.

Namayani ang katahimikan. Wala kasi akong ibang masabi. At isa pa, prinsesa at reyna ang kaharap ko ngayon. Alangan namang dumaldal ako rito na parang ewan? Aish!

"Balita ko, isa ka na sa mga mahuhusay nang magtimpla ng tsaa. Ang bilis mo naman matuto," namamanghang sambit naman ni Takumi na lumagok sa tasa. Napangiti na lamang ako.

"H-hindi naman. Madali lang po kasi ang procedures," depensa ko. Sila naman ay napakunot ang noo.

"A-ano?" tanong ng reyna na tila di na-gets ang sinabi ko.

Ay, oo nga pala. Procedures.

"Ibig ko pong sabihin, madali lang po ang mga hakbang sa pagtitimpla." Napatango naman si Takumi at binalingan ng tingin ang reyna.

"Inang Reyna, tingin ko sa araw na ito ay dapat matikman ni Hera ang isa sa pinagmamalaki na tsaa ng Gokamaya maliban sa tsaa na alam nilang timplahin. Hindi po ba?" suhestiyon ni Takumi at nagngitian sila pareho.

"Tama ka diyan, Takumi."

Ang weird nila. Bakit ang bait nila pareho sa akin ngayon?

Ikinumpas ni Takumi ang kanang kamay at agad pumasok ang alalay na bitbit ang tray ng tsaa.

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon