CHAPTER 9

403 33 1
                                    

"Nisan, heto na ang lubid at panyo."  Dahan-dahang inilapag ng batang lalaki ang panali at pambusal sa bibig malapit sa kuya niya. Napalunok laway ako habang nakatitig lamang sa kanila. Kanina pa ako nakaupo rito sa sulok habang nilalaro-laro ang mga daliri ko sa sobrang kaba. Ang lalaking tinatawag niyang kuya o 'nisan' sa Japanese ay abala sa paglilinis ng kanyang espada di kalayuan sa kinauupuan ko. Nagpalipat-lipat ang atensyon ko sa espadang pinupunasan niya at ang lubid sa tabi.

Maraming bagay na ang naglalaro sa utak ko. Paano kung igagapos nila ako at gigilitan na parang manok at gawing tinola? O baka lahat ng nagagawi sa bahay nila, pinapatay nila at inaalay sa narinig kong bathala kanina sa may balon? Napapikit na lamang ako.
Hindi magandang manatili ako rito. Kailangan ko nang makauwi. Nasisiguro kong hindi maganda ang gagawin nila sa akin dahil alam nilang hindi ako tagarito sa mundo nila.

"Anong tinitingin-tingin mo?" asik ng lalaki kaya napaiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako ng masama. Pero mayamaya ay napatitig ulit ako sa kanya. Sa hitsura niya ay mukhang hindi naman siya masamang tao. Napakaseryoso niya habang busy pa rin sa paglilinis ng espada. May matangos siyang ilong, mga matang kahit kailan ay hindi mo makikita sa normal na tao. May kakaiba sa awra niya kahit simple lang siyang manamit. His physical looks, he reminds me of the character from that mysterious historical book in the library. Sh*t! Am I really inside that f*cking book?

Napakislot ako nang padabog niyang ibagsak sa planggana ang panlinis, itinutok sa pwesto ko ang espada at tumingin sa akin nang matalim. Halos maiyak ako sa takot. Wala akong ibang matatakbuhan kapag nagkataon. Mamamatay ata akong walang laban rito.

"Sabihin mo sa akin," panimula niya at hindi pa binababa ang talim ng hawak niya. Ilang pulgada na lamang ay masusugatan na niya ang pisngi ko. Napapikit ako.

"A-ano bang dapat kong sabihin? Anong gusto mong malaman?"

"Hindi ka tagarito. Saan ka nagmula? Bakit ka napadpad rito?" mariin niyang tanong at mas diniinan pa ang espada. Ramdam ko na ang lamig ng metal sa balat ko.

"H-hindi ko alam! Basta ang alam ko nasa library lang ako kanina tapos hinigop ako ng libro, oo! Oo! Biglang nagliwanag 'yung libro tapos tapos---"

"Libro?" Naibaba niya ang espada at napanganga nang marinig ang pautal-utal kong paliwanag. Kahit naman siguro malabo ang sinasabi ko ay naiintindihan na niya. Hindi ko talaga ginusto mapunta rito!

"Oo! Biglang nagkaroon ng portal tapos, may pwersa na humigop sa akin papasok. Nakita ko kanina na dumaan ang kalesa mo pababa kaya nakisabay ako. Pero maniwala ka hindi ako masamang tao, kailangan ko lang talaga malaman paano ako makakabalik sa amin, promise!" nauutal ko pang paliwanag at itinaas pa ang kanang kamay sa hangin bilang panunumpa.

Tuluyan niyang ibinaba ang espada at ang magkasalubong niyang kilay ay bumalik na sa dati. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa mga paliwanag ko. Hell, totoo naman kasi lahat ng iyon!

Hingal na hingal akong napahawak sa tuhod dahil sa panghihina. Ayaw na magfunction ng utak ko sa mga nangyayari. Kung panaginip man ito, bakit hindi pa rin ako magising. Pakiusap naman, ayoko nang may mangyari pang kasunod bukod rito!

"Yamaro, magdala ka ng tubig rito," utos niya sa nakababatang kapatid na lalaki at napatingin sa akin.

***

Dire-diretso kong nilagok ang isang pitcher na tubig at ang natira ay ibinuhos ko sa mukha ko. Wala na akong pakialam kung mabasa man ang uniporme ko. Napangiti at napapikit ako na parang ewan dahil sa ginhawang naramdaman dulot ng malamig na tubig.

"Thank you, Lord!" Pagmulat ko ay nakita ko silang tatlong magkapatid na nakatitig sa akin at waring kinikilatis ang hitsura ko. Mula ulo hanggang paa ay sinusuri nila ako. Aware naman akong ang laki ng pagkakaiba ng suot kong uniporme sa damit na suot nila ngayon. Pero bakit kailangang tingnan nila ako ng ganito kalagkit? Bumalik na naman ang kaba ko. Pasado na ba akong maging hapunan? Napangiwi na lamang ako sa mga naiisip kong senaryo.

"Anong pangalan mo?" tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon na kanina lang ay gusto ata akong patayin.

"Celeste. Celeste San Pedro. Mula ako sa Tokyo, Japan at hindi ko alam kung paano ako napadpad rito," pag-amin ko.

"Anong hindi mo alam kung paano? Napadpad ka rito kaya alam mo ang dahilan kung bakit ka narito sa lugar namin," naiinis niyang sambit kaya napakamot ako sa ulo. Ako rin man ay sobrang naguguluhan pero mas nalilito ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanila mula umpisa hanggang sa puntong narito na ako sa harap nila. Would they even believe me if I say, something has brought me here because there are voices calling me Hera?

"H-hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag," napabuntong-hininga na lamang ako. I was so frustrated and tired. Ang gusto ko na lang muna ay magpahinga. Parang hindi ko na kakayanin pa ang mga nararanasan ko ngayon.

"Nisan, may kamukha siya," pansin sa akin ng batang babae na kanina pa pala sa akin nakatitig.

"Oo nga. Pamilyar ang kasuotan mo, binibini. Parang nakita na kita. Anim na taon pa lang ako noon, pero hindi po ako nagkakamali, parang ikaw nga 'yon,"

"Nisan, hindi ba si ate Hera 'yan?"

Naibagsak ko ang pitcher na gawa sa kahoy kaya nagpakawala iyon ng ingay nang tumama sa sahig. Namayani ang katahimikan nang marinig ko ang sinabi nila. Kung ganoon, kilala nila si Hera? Anong kinalaman nila sa nangyari noon? Napadpad ba rito ang babaeng may pangalan na Hera?

"K-kilala n'yo si---"

"Umalis ka na. Hindi ka pwede manatili rito." Pagkasabi niya ay tuluyan na siyang tumayo para lumabas ng kwarto. Naiwan ako kasama ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Nakanganga at hindi alam kung anong gagawin.  Seryoso ba siya? Paaalisin niya ako ng ganoon na lang? Hindi man lang ba niya ako tutulungan?

"Pagpasensyahan mo na ang kuya, hindi lang siguro maganda ang pakiramdam niya ngayon." Naibaling ko ang tingin sa batang lalaki nang magsalita ito. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba ako nalagay sa sitwasyon na ito?

"M-may napadpad na ba rito sa inyo dati pa?" tanong ko sa kanilang dalawa at napaupo upang maging magkapantay kami.

"Oo, at alam mo ba...kamukhang-kamukha mo siya."

"S-sino?"

"Si ate Hera."

Sa isang iglap ay napatigil ako. Napahawak ako sa ulo dahil parang kinakalikot itong ng barena, masakit masyado. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

"Hera."

"Hera."

"Ayos lang po ba kayo?" tanong sa akin ng batang babae. Napalunok ako ng paulit-ulit. Wala na akong maintindihan sa sinasabi nila, bumubuka ang mga bibig nila pero wala na akong nariring bukod sa mga boses na tumatawag sa ulo ko.

"Hera."

"Hera."

Paulit-ulit sila. Nakakarindi. Napapikit ako at tuluyang napahawak na sa ulo ko.

"Ate Hera!"

Tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko at nagdilim na sa akin ang lahat.

***

Tsuyu's portrayer :)

Tsuyu's portrayer :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon