"KUYA I'm home!" malakas kong tawag kay kuya Chester hindi pa man ako nakakapasok ng sala. Ipinarada ko muna ang bike ko atsaka tinanggal ang sapatos bago pumanhik ng bahay. Wala akong nareceive na pagbati mula kay kuya kaya napadiretso ako sa kwarto niya. Bukas ang pinto, bukas rin ang TV pero mahimbing ang tulog niya.
Napatingin ako sa wall clock. It's already 8:30 pm. Kung tutuusin ay masyado pa itong maaga para sa tulad kong laging gising sa gabi. But for kuya Chester, alam kong pagod na pagod at puyat siya dahil sa trabaho. I took a deep sigh and pause for a moment to look at his situation. Then I pull over his blanket and turn off the TV. I slammed his door shut and proceed to our mini dining room.
Kukuha na sana ako ng malamig na inumin nang mabasa ko ang sticky note na nakadikit sa ref.
PINAGLUTO KITA NG DINNER. INITIN MO NA LANG.
-kuyaNapangiti ako at agad binuksan ang refrigerator.
***
NAKAKASILAW na liwanag ang tumunghay sa akin matapos kong buksan ang pinto. May naglahad ng kanyang palad at pilit niya akong tinatawag sa pangalang hindi pamilyar sa akin.
"Hera, Hera halika na. Sumama ka na sa akin. Kailangan ka namin..."
"Hera, heto na ang tahanan mo. Heto ang pamilya mo..."
"S-sino kayo?" naguguluhan kong tanong. Sa kabila ng nakasisilaw na liwanag, pinilit kong aninawin ang paligid.
"Celeste! Celeste!"
"Kuya?!" Napalingon ako at nakita si kuya Chester na pilit ring inaabot ang kamay ko.
"Celeste kami ang totoo mong pamilya! Sa akin ka sumama! Celeste!"
"Kuya!"
"Hera!"
"Celeste huwag kang makinig sa bulong!"
"Kuya!"
"Celeste! Hoy gumising ka!"
"Kuya?!" Nagising ako sa malakas na yugyog ni kuya sa akin. Tagaktak ang pawis ko at humihingal. Liwanag ng flashlight na hawak niya ang naging dahilan para masilaw ako. The f*ck? Panaginip lang pala, akala ko totoo na.
"Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" takang tanong ko sa kanya agad niya ulit itinutok sa mukha ko ang flashlight. Fudge, ang sakit sa mata.
"Ako dapat ang magtanong sa'yo. Bakit ka sumisigaw at tinatawag ako?""Oh shit, panaginip nga," mahinang sambit ko.
"Ano bang masamang panaginip 'yan ha? Heto ang tubig uminom ka muna," tanong niya at binigyan ako ng isang baso ng malamig na tubig.
"Kinukuha na raw ako ng liwanag. Tapos dumating ka at tinatawag ako pabalik," litanya ko dahilan para matawa siya. Napakunot ang noo ko.
"Kuya ang ingay mo. Magigising ang mga kapitbahay oh, anong oras pa lang!" suway ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat kakatawa.
"Sorry na, HAHAHAH. Alam mo na Celeste ha, kaya magpakabait ka na. Sign na 'yan na kailangan mo nang ayusin ang buhay mo," payo niya sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"Mabait at maayos naman ako ah," depensa ko sa sinabi niya.
"Kaya nga. Ang ibig kong sabihin, enjoy your youth, huwag lang puro libro. Make the most of your life here in Tokyo. Kasi 'yon ang gusto ni kuya para sa'yo. Gets?" Dahil sinabi niya ay napangiti ako sabay tango.
"O s'ya. Tulog na ulit. Goodnight. Pray bago matulog." Inayos niya ang kumot ko at ini-on na ulit ang lampshade.
"Hera..." I whispered when a familiar name accidentally crossed my mind. I've been dreaming voices calling this name countless times.
"Saan mo balak umuwi?"
"Akala ko sa Gokayama. Kamukhang-kamukha mo kasi siya."
"Sugata o kesu."
"Huwag kang makikinig sa bulong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng kyuryosidad. Baka matulad ka rin sa kanya."
Hindi ko rin mapigilang maalala ang mga sinabi ni Madame Akako. What if she has something to do with these weird voices and callings? She's warning me. I can sense it. But why? These questions will be answered if I only talk to her tomorrow. These should be answered. Cause I am already f*cked-up!
***
SAKAY ng bisikleta ko ay hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kabuuan ng Tokyo habang padausdos na binabaybay ang pathway papasok ng Hirokoshi High. Mas maaga akong umalis ng bahay kumpara sa usual kong oras ng pagpasok kahit mamayang hapon pa talaga ang class schedule ko. Iyon ay upang tumambay sa coffee shop na malapit lang sa school. Maaga rin namang umalis si kuya for his morning shift sa station kaya wala rin akong makakasama sa bahay. I should better off to find convenient place where I can read books.
Luckily, sa halos isang taon ko nang pamamalagi rito sa Tokyo, nakahanap ako ng matatambayan bukod sa school library. And this is when Onibus Café came in.
Dali-dali kong ipinarada ang bike atsaka pumasok sa coffee shop. Onibus Café is a lovely coffee shop a short kilometer walk from our school. Patok na patok talaga 'tong tambayan ng mga estudyante at mga coffee lovers. Dahil bukod sa masarap ang pour over coffee nila, ang creamy rin ng lattes.
Tumunog ang chain pagpasok ko. Pumwesto ako malapit sa bintana so I can still watch passers-by at medyo may pagkasenti ang datingan.
Mayamaya ay lumapit ang isang waitress na may bitbit na notepad. Mukhang bagong hire pa lang siya dahil sa nameplate niya. Kabisado ko na kasi ang mga pangalan ng nagtatrabaho rito."Ohayogozaimasu! Gocyuumon yoroshii desyouka?" She greeted me as she takes my order.
"One espresso and one slice of chocolate cake," sambit ko na lamang at binuklat na ang binabasa kong libro. I turn it on page 24 since I just started reading it last night. Nang mapansin kong hindi gumagalaw ang waitress ay napatingin muli ako sa kanya.
"M-Miss? May problema ba?" Imbes na sagutin ako, nakatitig lang siya sa akin na parang kinikilatis ang pagmumukha ko.
"Excuse me?" I snapped my finger infront of her.
"Ayy, Gomen'nasai!" She bowed and say sorry. Napanganga na lamang ako dahil sa weird na inasal niya nang makita ako.
"O-okay lang ahahaha," awkward kong sagot at napaiwas ng tingin habang siya ay mas tumitig pa rin sa akin. Titig na animo'y kilalang-kilala ako. Titig na tila nagbibigay babala.
"You look like her...kaano-ano mo s'ya?"
Dahil sa naging tanong niya ay tuluyan nang nalaglag ang panga ko.
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...