CELESTE'S POV
"Bilisan mo, kailangan nang magatasan ang mga kambing."
"Ang bagal mo kumilos!"
"Kulang pa ang mga dayami na inihain mo sa mga baka."
"P*tngina!" sigaw ko at ibinagsak ang katawan pahiga sa mga patong-patong na dayami dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal at nanghihina akong napangiwi. Dumagdag pa sa isipin ko ang mga bagay na susunod pang pinapagawa ng hinayupak na lalaking iyon.
Mayamaya ay napatigil ako nang may maisip. Paano kung ito na pala ang totoo kong mundo at ang buhay ko sa Tokyo ay isang malaking prank lang? Hays, I can't wait to wake up one day at Tokyo again. I wish someone would slap me in my face and say "girl, these were only pranks!" Pero alam kong imposible iyon ngayon.
"Aish!" Napakamot ako sa magulo kong buhok at tatayo na sana nang bigla namang kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako.
"Walang mag-hahapunan hangga't hindi tapos ang mga gawain," rinig kong sermon ni Tsuyu na nasa tabi ko na pala at nakatitig sa akin. Sa muling pagkakataon ay nabuhay na naman ang pagkainis ko sa kanya at hindi siya pinansin.
Kinapa-kapa ko ang bulsa ng palda ko, nagbabakasakaling may pagkain akong naitabi mula sa aking bagpack bago dumiretso rito sa barn. Napangisi ako nang may mahawakan. Agad ko itong hinugot at ibinalandra sa pagmumukha ng mokong. Halos mapaigtad naman siya sa gulat at napaatras.
"A-ano ang bagay na iyan?"
"Eh?" sambit ko at napataas ang kilay. Hindi rin ba niya alam ang bagay na ito? Iwinagayway ko ito sa mismong harap niya pero sunod lamang ang kanyang tingin. Okay, this is weird!
"Wala bang chocolate rito sa mundo niyo?" tanong ko pa at sumalampak sa mga tuyot na dayami. Grabe, namiss ko mag-sneak out ng sobrang chocolate bar sa grocery store na hindi nalalaman ng cashier at guard. Binuksan ko ang tsokolate na may pananabik at kakagatin na sana. Kaso, napatingin ako kay Tsuyu na nakatitig na, hindi sa akin kundi sa tsokolate na hawak ko.
"Gusto mo?" alok ko.
"Baka lason 'yan. Pinadala ka ba rito para puksain kami, ha?!" Dahil sa sinabi niya ay muntik na akong masamid ng sarili kong laway. Punyemas! Ano bang iniisip niya?
"Kapal ng mukha mo ah. Kung iniisip mong lason ito, edi huwag kang humingi! Ayaw mo noon, kapag kinain ko 'to, ako ang mamamatay sa sarili kong lason."
Nakakainis. Kaya pala hindi man lang niya ako mapagkatiwalaan man lang kahit 1 percent. Dahil inaakala niyang napakasama ko at may balak akong hindi maganda sa kanila. Napairap na lamang ako at kinagat ang tsokolate."Ang sarap!" Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglunok-laway niya. Agad kong iniabot sa kanya ang kalahati at ngumiti.
"See? Hindi ako namatay. Tikman mo, sabihin mo sa akin kung masarap ba," alok ko at alanganin niya itong tinanggap.
"A-anong lasa?" tanong ko habang pinanonood siyang namnamin ang lasa nito. Nakita ko ang inosente niyang mukha na biglang gumaan ang awra sa hindi malamang dahilan. Napatitig siya sa akin habang ako, naghihintay ng sasabihin niya.
"G-gusto ko pa," he said out of the blue that made me grin and have another bar of chocolate out of my pocket.
"Sabi sa'yo eh," sambit ko at ibinigay sa kanya ang buong bar. I watch him enjoy eating the best food that I've brought here all the way from Tokyo. Hindi ko alam na may nakatago pa pala noon sa bag ko.
I automatically smiled for no reason. I guess I am now knowing the reason why I am here and why did I meet them. May mga bagay pa akong dapat matutunan mula sa kanila, at may ilan rin na dapat kong ituro sa kanila.
Sana dumating ang oras na kaya mo na akong pagkatiwalaan, Tsuyu.
THIRD PERSON'S POV
Panay ang hawi ng mga tao nang makita nilang dumaan sa pamilihan ang mga kawal ng hari. Ang iba naman ay nahintakutang nagtago sa pag-aakalang may hindi ito magandang gawin sa kanila."Anong sadya ninyo?" tulad ng nakagawiang asal, ay maangas na nagtanong ang lalaking may metal hook na kamay sa dalawang kawal. Pagkababa pa lamang ng kabayo ay iniabot agad ng una ang isang scroll na naglalaman ng mensahe ng hari para sa kanya. Tinitigan lamang ito ng manghahasa.
"Huwag kang mabahala. May nais lamang iparating sa iyo ang kamahalan," paalala ng pangalawang kawal sa lalaki. Hinablot nito ang scroll at binasa ang nilalaman. Pagkuwa'y sinulyapan ang dalawang bantay.
"Pasensya na. Wala akong maalala. Sa iba na lamang kayo magtanong," tanggi ng lalaki at ibinalik ang scroll sa kawal. Akma na sana siyang tatalikod nang magsalita muli ang ipinadalang bantay.
"Ikaw ay gagawaran ng dalawampung supot ng ginto at pilak bilang pabuya kung matutulungan mo kaming mahanap ang babae," nanghahamon nitong alok at napangisi. Natigil ang lalaking manghahasa at unti-unting napalingon sa dalawa.
"Gawin ninyong limampu at sasabihin ko sa inyo lahat ng nalalaman ko," ani ng lalaki kaya napangisi lalo ang dalawang kawal at nagkatinginan sa isa't isa.
CELESTE'S POV
Humugot muna ako ng lakas at pwersahang itinaas ang palakol upang hatiin sa dalawa ang napakatigas na kahoy bilang panggatong.
"Argh!" sigaw ko dahil hindi man lang ito nahati dahil sa sobrang tigas. Naalala ko tuloy kung gaano kadali ang buhay ko sa Tokyo. Isang pihit mo lang sa stove, makakaluto ka na ng tanghalian mo. Rito, paghihirapan mo pa at buwis buhay.
"Ate, ipahinga mo muna iyan," suhestiyon ni Yamaro at dinaluhan ako upang bigyan ng isang basong tubig. Sa sobrang uhaw ay nilagok ko ito ng dire-diretso. "Huwag mong pwersahin ang katawan mo. Kailangan mo ng sapat na lakas upang makabalik ka sa mundo niyo," aniya pa at nginitian ako.
"Hiyaaa!" Sabay kaming napalingon sa sumisigaw at nakita naming si Tsuyu hindi kalayuan sa amin na nag-eensayo gamit ang espada niya.
"Wala ba siyang alam gawin kundi ang makipaglaban?" nakangiwi kong tanong habang hindi inaalis ang titig kay Tsuyu na seryosong inihahagis sa ere ang samurai. Animo'y nakikipaglaban sa nilalang na hindi nakikita.
"Nagkakamali ka ate Hera." Napalingon ako kay Yamaro dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatitig rin sa kanyang kapatid habang nakangiti na tila proud na proud sa napapanood niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi lang siya magaling sa paghawak ng armas. May taglay rin siyang talino. Isa rin siyang dugong maharlika. At nakikita namin na may mga katangian siyang hindi tinataglay ng normal na mamamayan ng Gokayama. Sa darating na panahon, nakikita kong...pamumunuan niya ang bayang ito, bilang hari ng lahat," nakangiti niyang sambit at napasulyap sa akin. Namilog ang mga mata ko at nanindig ang balahibo sabay tingin kay Tsuyu na abala pa rin sa pagsasanay. Bata pa lamang si Yamaro pero bakit ganito na siya magsalita kapag kuya na niya ang pag-uusapan?
"Ikaw, ang tutulong upang makaapak siya muli sa kaharian. Hindi bilang isang mababang uri ng mamamayan. Kundi isang igen,"
My heart automatically skipped a beat and I don't know why.
"M-majesty," bulong ko at tinitigan si Tsuyu. Ang ibig sabihin ng igen ay "kamahalan". Kung ganoon, tama ba lahat ng sinasabi ni Yamaro sa akin? Ako ba ang magiging dahilan ng lahat? Bakit ako? Bakit hindi si Hera?
Sino ba talaga ako? Anong karakter ko sa kwento ng librong pinasok ko?
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...