CELESTE'S POV
Ilang araw na ang lumipas at narito pa rin ako. Naghahanap ng paraan para makabalik. Siguradong nag-aalala na ang kuya Chester ko sa akin. It's almost one week and I never texted him kung ano na bang lagay ko. Kung buhay pa ba ako? Hindi ko alam kung paano ako napadpad rito. Mahirap paniwalaan na dahil sa isang aklat, napunta ako sa lugar na hindi ko akalaing nag-eexist pala.
Mabuti na lamang at napakabait ng mga taong nakilala ko. Hindi nila ako hinayaang makaalis agad dahil alam nilang wala akong ibang mapupuntahan. Kahit sila man ay nagtataka kung saan at paano ako nagawi rito. Well, maliban sa lalaking si Tsuyu na ang laki ata ng galit sa tulad ko at hindi ako pinapansin.
Napabuntong-hininga ako at pumikit upang damhin ang sariwang hangin. Minsan lang ako magkaroon ng peace of mind na hindi ko mahanap sa syudad ng Tokyo. At hindi ko akalaing dito ko pa matatagpuan. Mariin akong pumikit, pinakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa balat ko, pati na rin ang paghampas nito sa maalon-alon kong buhok.
"Sinong may sabi sa iyo na maaari kang pumunta rito?" Napadilat ako at halos matumba sa kinatatayuan kong bato dahil sa sobrang gulat. Nakatutok na naman sa akin ang isang napakahabang espada. Sa isang iglap ay nawalan ako ng balanse. Sisigaw na sana ako nang maramdaman kong hindi naman ako nasaktan. Ni hindi nga nailapat ang katawan ko sa lupa. Naramdaman ko na lamang ang braso ni Tsuyu sa bewang ko at ang sobrang lapit niyang pagmumukha. Halos mag-init ang mukha ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. May hitsura rin naman pala ang isang ito.
"Aray!" reklamo ko nang tuluyan akong bumagsak sa lupa. Kingina! Napakasama talaga ng ugali ng isang ito.
"Lampa, tumayo ka na riyan," aniya matapos akong bitawan at tinabi ang espada niya. Napabusangot ako dahil sa sobrang inis. Hindi ko siya kilala at wala talaga akong alam sa lalaking ito. Pero sigurado ako na sa pasamaan ng ugali, panalo ang mokong na 'to. Napakasama talaga!
"Hoy!" tawag ko sa kanya nang tumalikod siya at aalis na ata. Tumayo ako at pinagpagan ang uniporme na hanggang ngayon ay suot ko pa rin.
"Kung ayaw mo ako makita rito, maaari bang tulungan mo na lang akong makaalis o mahanap ang portal pabalik?"naiinis kong tanong. I don't usually believe in magic or curses. But what I am experiencing right now is enough for me to believe that those shit were so true. Napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon.
"Nakapunta ka rito nang mag-isa, tama? Hanapin mo rin ang daan pabalik," maotoridad niyang sagot. Magsasalita na sana ako nang may dinagdag pa siyang paalala dahilan para mapatigil ako sa mismong pwesto ko.
"Hindi pangkaraniwang bayan ang Gokayama. Kung iniisip mong madali ang makapasok sa bayang ito, nagkakamali ka. Mahirap makapasok rito, mahirap rin makaalis. Kung madali kang napadpad rito, siguradong ikaw ang napili tulad niya. Kaya ngayon pa lang, humanap ka na ng paraan para makaalis. Hindi kita matutulungan riyan," wika niya at tuluyan nang umalis. Naiwan akong nakapatda at hindi alam ang gagawin.
"Hindi pangkaraniwang bayan ang Gokayama. Kung iniisip mong madali ang makapasok sa bayang ito, nagkakamali ka. Mahirap makapasok rito, mahirap rin makaalis. Kung madali kang napadpad rito, siguradong ikaw ang napili tulad niya. Kaya ngayon pa lang, humanap ka na ng paraan para makaalis. Hindi kita matutulungan riyan,"
Napatagilid ako ng pagkakahiga sa papag at pilit pumikit upang dalawin ng antok. Ngunit kahit anong gawin kong pagpikit ay naririnig ko pa rin sa utak ko ang mga katagang binanggit sa akin ni Tsuyu kanina. Naiisip ko pa lamang na hindi na ako makakabalik sa totoong mundo ko, ay sumasakit na ang damdamin ko.
"Kung madali kang napadpad rito, siguradong ikaw ang napili tulad niya," mahina kong sambit at napakunot ang noo. May tinutukoy siyang tao sa binanggit niya. Kung ganoon, sino? At bakit parang hindi na bago sa kanila ang makatanggap ng bisita mula sa kabilang mundo? Tulad ko.
"Hera..." bulong ko at iminulat ang mga mata sa dilim ng gabi. Tanging gasera lamang ang nagsisilbing liwanag rito sa di kalakihang kubo kung saan ako pansamantalang tumuloy. Napakatahimik ng gabi at kusang gumagana ang utak ko upang mag-isip ng napakalalim.
"Kung sino ka man, alam kong malaki ang parte mo sa nakaraan nila at ng buong bayan ng Gokayama. Ano ba ang...kaugnayan mo rito? Ano ang koneksyon mo sa akin?" sambit ko sa sarili at napatingin sa nakapinid na binta.
Hindi ako pwedeng tumigil lang rito at maghintay ng panahon para makaalis. Tama si Tsuyu. Hindi niya ako matutulungan. Kailangan ko nang kumilos at gumawa ng paraan.
Tilaok ng manok ang gumising sa akin kinabukasan. Kahit humihikab pa ay pupungas-pungas akong bumangon at nakita ko sa lapag ang isang mangkok ng kanin at sabaw. Napangiti ako. Alam kong si Yamaro na naman ang nagdala nito para sa akin.
Imbes na kumain ay agad akong lumabas upang tingnan ang paligid. Naglakad-lakad muna ako. Mga huni ng ibon ang naririnig ko. Kung magigising lamang muli ako na nasa Tokyo na, alam kong mga busina na ng sasakyan ang maririnig ko.
Napatigil ako sa paglalakad dahil nakarinig ako ng isang tunog. Tila may tumutugtog ng flute. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa puno ng narra. Naroon ang isang nakatalikod na lalaki, nakatanaw sa malayo habang hinihipan ang instrument upang lumikha ng tunog.
Napakalinaw ng mensahe ng musika. Tila inaantig nito ang puso ng sinumang makakarinig, kasama na ako roon. Napakagat labi ako. Bakit parang nasasaktan ako? Bakit nagiging konektado na ang lahat ng nangyayari sa paligid ko? Bakit parang mas lumalambot ang puso ko?
Natapos ang awitin. Hindi agad ako nakakibo habang nakatalikod pa rin siya sa akin. Napaatras ako at akmang aalis na nang mapansin kong hinugot na naman niya ang espada. Bakit lagi na lamang niyang hinuhugot ang espadang iyon tuwing nasa malapit ako? Balak ata niya akong patayin.
"Kanina ka pa?" walang lingon-lingon niyang tanong sa akin. Bumuka ang labi ko ngunit walang salita ang lumabas. Gusto kong sabihing kanina lamang at napanood ko pa nga kung gaano siya kagaling tumugtog ngunit hindi. Naparalisa na naman ako.
Lumingon siya sa akin pero wala na naming emosyon ang mga mata niya.
"Maghanda ka, sasama ka sa akin sa kabayanan." Pagkatapos niyang magsalita ay nilagpasan na ulit niya ako tulad ng kanyang ginagawa. Napataas ang kilay ko at naituro ang sarili.
Ako? Isasama niya? Igagala ba niya ang isang tulad ko sa kabayanan ng Gokayama? Sa di malamang dahilan ay lumapad ang ngiti ko at napasunod sa kanya.
Why do I have this feeling of excitement?
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...