I took a deliberate sip of my hot coffee and close my book. Nawalan bigla ako ng ganang magbasa dahil sa nangyari. Iginala ko ang paningin sa loob ng shop. Wala na roon ang waitress na nag-assist ng order ko. Palagay ko ay break-time na niya.Pasasakitin na naman niya ang ulo ko sa pag-iisip. Sinong kamukha ko? Sinabi rin iyon sa akin ni Madame Akako. Posible kayang iisang tao lang ang tinutukoy nila? Agad kong inubos ang natitirang laman ng tasa ko atsaka dali-daling lumabas ng café.
"Arigatogozaimashita," narinig ko pa ang waiter na nasa tabi ng pintuan na nag-eentertain ng costumer pero hindi ko na siya pinansin at dire-diretsong sumakay sa bike ko.
I badly need to talk to the librarian. Now.
"Hey, Celeste! Doko ni imasu ka?" Matinis na boses ni Patrice ang bumungad sa akin matapos kong sagutin ang tawag niya.
"U-Uhmm...I can't attend classes today. May aasikasuhin lang ako," sagot ko na lamang habang naglalakad papunta sa direksyon ng library.
"Wait, hindi ka papasok? Eh asan ka nga?"
"Yeah, uhm sige na, mamaya na lang ulit okay? Bye!" Bago pa siya magsalita ay ini-end ko na ang tawag nang makita ang sign sa isa pinto.
Libaray 404.
As usual, nakita ko si Madame Akako sa counter na nagpupunas ng mga maalikabok na libro. Nakuha ko ang atensyon niya nang pumasok ako.
Nagbow ako bilang paggalang. Dahil marami pa siyang ginagawa ay hindi ako makakuha ng tiyempo para kausapin siya kaya naglakad-lakad muna ako sa pagitan ng nagtataasang bookshelves. I can't stop myself from formulating questions inside my head so that I will be able to get the exact answers from her. I should know the answers.
"First, who is Hera?" sambit ko sa sarili ko habang mabagal na naglalakad ng mabagal. I slide my fingers unto the books na nadaraanan ko kahit may bahid ito ng alikabok at sapot ng gagamba.
"Hera..." Napatigil ako sa paglalakad. Nanlalaki ang mga matang napadako ang tingin ko sa dulong parte ng silid-aklatan. Sumisilay mula roon ang isang liwanag. Mula sa hanay ng mga luma at antigong libro. Imbes na pangunahan ng takot ay mas nanaig ang pagtataka ko. I automatically walk a step closer to see that I am not hallucinating.
"What the heck? I-is this magic?" I whispered in amusement while looking to the only book with rays of light coming from the pages. Halos mapamura ako. Nanginginig kong iniangat ang kaliwa kong kamay at inabot ang libro.
As I tremble to hold it, I heard again unfamiliar voices. They're calling me.
"Hera..."
"Sawaranaide!" Bago ko pa tuluyang makuha ang libro ay marahas na winaksi ni Madame Akako ang kamay ko. Gulat akong napatingin sa kanya nang malaglag ang aklat. Wala na ang liwanag rito. Hindi kaya nagha-hallucinate lang talaga ako?
Kapwa kami napaubo dahil nagkalat ang alikabok. Aabutin ko na sana ang aklat upang ibalik sa pinanggalingan nang mabilis itong kunin ng matanda at sinamaan ako ng tingin.
"You ditch your class just to go here. Go back to your classroom now!" Nanlilisik ang mga mata niya kaya tinamaan ako ng kaba. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito katindi ang galit, at sa akin pa.
"Gomen'nasai," pauli-ulit kong sambit at napatungo.
"Umalis ka na," maotoridad niyang utos, ibinalik ang aklat at saka naglakad palayo.
"Sino po si Hera?" Dahil sa naging tanong ko ay napatigil siya sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang hininga habang hindi lumilingon sa akin.
"I said go back to your class!" asik pa niya pero hindi ako nagpatinag.
"May mga boses akong naririnig. Napapanaginipan ko rin sila. Tinatawag nila ako sa pangalang Hera." Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya nagpatuloy ako.
"Ang sabi mo kamukha ko s'ya. Sino ba s'ya? Bakit hindi ako dapat makinig sa bulong?" Sunod-sunod kong tanong. Unti-unting napalingon sa akin si Madame Akako habang nanlalaki ang mga mata.
"Anata ga shindeshimau! Anata ga shindeshimau!" Paulit-ulit niyang sigaw at agad akong sinugod. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalakas ang pananakal niya kaya napigilan ko.
"Anata ga shi---" kinakapos siya ng paghinga kaya agad akong nagpanic lalo na nang mapaluhod siya at napahawak sa dibdib. Sht, heart attack!
"Madame!"
Agad akong nagtatakbo palabas upang makahingi ng tulong.***
"Nurse, kumusta na po s'ya?" Isang nurse na nasa mid 20's ang lumabas mula sa clinic.
"Ayos na naman siya with stable condition. Nagkaroon lang siya ng palpitation at sumabay pa ito sa asthma attack niya."
"C-Can I see her?" alanganin kong tanong sa kanya. Napangiti ako nang tumango siya at naglakad na palayo. Nagbow na lamang ako bilang pasasalamat. Pagkaalis niya ay napabuntong-hininga ako. Buti na lang naagapan. Kung hindi, mukhang ako pa ang magiging dahilan ng pagkamatay ng librarian namin.
Sh*t, baka hindi ako patahimikin ng kaluluwa niya 'pag nagkataon. Napakamot na lamang ako sa ulo. Kasalanan ko rin naman, ang kulit ko kasi. Dahan-dahan akong pumasok sa loob and saw her lying on the bed. Napatingin siya nang pumasok ako. kahit nahihiya ay nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Sana ayos lang po kayo. Pasensya na po sa nangyari kanina," hingi kong paumahin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"That book has a curse." Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"A-ano po?"
"Kaya ipangako mo sa akin, hija..." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinagsalikop ito habang nakatitig siya sa aking mga mata. "Pakiusap, huwag ka nang babalik roon. Huwag kang makinig sa bulong. Kung hindi, matutulad ka sa kanya." Babala niya dahilan para manindig na naman ang balahibo ko.
"M-Madame hindi ko po maintindihan. Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Mahabang kwento, masalimuot." Binitawan niya ang mga kamay ko at napatitig sa puting kisame."Sino po ba si Hera?"
"Isang dalagang nag-aaral rito, apat na taon na ang nakararaan, nang bigla siyang nawala at hindi na nahanap pa." Kasabay noon ang matalim niyang pagtitig sa akin.
"Kamukha mo siya."
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...