CHAPTER 15

274 21 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng bagay na iyan," utos ni Kaisei sa manghuhula at inilapag sa pabilog na mesa ang hairpin at isang supot na ginto. Napatingala naman ang matandang babae sa binatang kararating lamang sa kanyang tahanan. Dahan-dahan niyang ibinaba sa mesa ang hawak na mga baraha at agad hinawakan ang hairpin.

"Malakas ang pwersang dumadaloy. Saan mo natagpuan ang bagay na ito?" tanong ng matanda ngunit hindi sumagot si Kaisei. Bagkus, naupo siya kaharap ng manghuhula at desididong malaman ang nababasa nito.

"Ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Pagmamay-ari ng isang dalagang...malayo ang pinanggalingan," wika ng matanda habang nakapikit at hinihimas ang hairpin. Tila kusang nanginig ang mga kamay nito at napamulat habang nanlalaki ang mata.

"May nagbabalik!" bulalas niya dahilan para matigilan ang nakikinig na si Kaisei.

"A-ano? Sinong nagbabalik?" Kahit alam niyang isa lamang ang tinutukoy ng matanda ay mas pinili niyang itanong pa ito upang makasiguro na tama nga ang hinala niya.

"Ang babaeng isinugo ay nagbabalik, ngunit nasa ibang katauhan." Matamang tinitigan ng manghuhula ang hairpin at napatitig kay Kaisei. "Hindi mo siya mapipigilan. Mauulit ang lahat ng nakaraan. Hijo, dumating na siya. Bumalik na ang dalagang hinirang upang ialay muli ang kanyang buhay para sa Gokayama," napangisi ang matanda. Ang kaninang kalmado na si Kaisei ay nanindig ang balahibo at bumilis ang tibok ng puso.

Kung ganoon ay totoo nga. Nagbalik na si Hera.


CELESTE'S POV

Pilit kong hinipan at pinaypayan ang mga panggatong habang inaantay kumulo ang tubig sa palayok. Panay rin ang pahid ng pawis ko sa noo dahil naiinitan na rin ako. Nakakaiyak! Mas mahirap pa pala ito kaysa sa inaakala ko. Buong buhay ko, nasanay ko na bubuksan ko lang ang heater upang magpainit ng tubig tapos wala pang ilang minuto, kukulo na agad. Ngayon, heto ako at naghihirap magpaapoy pa lamang.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap maging isang dayo! Naiiyak akong napasalampak sa tabi ng umuusok na palayok.

"Walang mangyayari sa ginagawa mo kung panay lang ang paypay mo," naiiritang puna ni Tsuyu na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko habang nakahalukipkip. Sinamaan ko siya ng tingin at umismid. Akala mo kung sinong magpayo. Eh siya naman ang dahilan kung bakit naghihirap ako ngayon magluto.


"Bibigyan kita ng pamimilian, babae. Aalis ka na rito at hahanapin ang daan pauwi sa inyo nang mag-isa o mananatili ka rito hangga't wala kang nahahanap na tulong?" nanghahamon niyang tanong sa akin noong gabing naabutan niya akong nakatunganga. Seryoso ba siya? Sabagay, lagi naman siyang seryoso sa lahat ng sinasabi niya. Kulang na nga lang eh, gawin niyang totoo ang pagpatay sa akin.

Naging malikot ang mata ko at naghahanap ng sagot. How can I choose between the two? Wala akong alam. Napakahirap ng ganito. Napakagat labi ako.

"Isa," pagbilang niya.

"Sandali lang naman," reklamo ko at napanguso.

"Dalawa," aniya kaya nagpanic ako. Kung pipiliin kong umalis mag-isa, saan naman ako pupulutin? Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung saan at paano ko mahahanap ang Hera na 'yun. Kaya wala akong ibang choice kundi ang manatili muna rito kahit ilang araw.

"Pwede bang dito na muna ako?" sagot ko at napatingin sa kanya. Napatahimik naman siya at tinitigan ako na waring may binabalak siyang masama. Pagkuwa'y napangisi.

"Kung iyan ang desisyon mo, dapat mo nang panindigan. Mula ngayon, at sa mga susunod pang araw na mananatili ka sa pamamahay ko ay dapat mo lamang pagbayaran." Dahil sa sinabi niya ay napanganga ako. Anong ibig niyang sabihin? May kapalit? T*ngina.

"Pagsisilbihan mo kami. Ikaw ang magluluto, magpapatuka ng manok, maggagatas ng kambing at baka, maglilinis at maglalaba. Sapagkat nasa bahay kita, ikaw..." unti-unti niyang inilapit ang mukha niya ilang inches ang agwat sa mukha ko. Napalunok ako. Lagi na lang niya itong ginagawa. Gusto niya ba akong atakehin sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito?

"Ako ay?" nanginginig ang labing tanong ko.

"Ikaw ay pag-aari ko at pagsisilbihan mo ako," nakangisi niyang sambit at inilayo na muli ang mukha. Putragis! Anong tingin niya sa akin? Isang bagay na pwedeng angkinin?

"Mula bukas, ako ang kamahalan mo at ikaw naman ang alipin ko. Matulog ka na, maaga pa bukas ang responsibilidad mo," aniya at agad akong nilagpasan na hindi man lang tinanong kung ayos ba sa akin ang mga sinabi niya.




At hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako tuwing naaalala iyon. Tulad nitong palayok na may kumukulong tubig. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya. I'm almost at my boiling point!

Natatawa siyang umupo at inagaw sa akin ang pamaypay na hawa ko. Siya mismo ang nagpaypay nito. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga.

"Ang pamaypay at ang ibinibigay nitong hangin ang siyang pumapatay sa apoy. Bakit ka magtatiyagang gamitin ang abanikong ito?" Hindi ako sumagot at hinayaan ko na lamang siyang magsalita. Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa mukha ko at pinagmasdan siyang mabuti habang pinapaypayan ang gatong hanggang sa umapoy ito muli.
Napakunot ang noo. Why did he say that the fan kills a fire in an instant wherein fact, it was the one who fuels it to make a fire? Bakit parang in contrast? Hindi ko siya mabasa, ang hirap talaga niyang maintindihan.

"Ngunit minsan, kung alin pa ang nagpapalakas sa'yo, ay siya ring papatay sa'yo sa huli." Mas nilakasan niya ang pagpaypay hanggang sa mamatay ang apoy na kanina ay malakas na. Binitawan niya ang abaniko at muling sumulyap sa akin. Napanganga na lamang ako sa sobrang talinhaga niya magsalita.

"Palpak ka sa gawaing bahay. Ano bang buhay ang mayroon ka sa mundong pinanggalingan mo? Tss!" naiinis niyang tanong at tumayo na. Napaubo naman ako sa usok na nalanghap ko. Kumukulo na ang tubig.

Dali-dali ko itong inahon mula sa kalan at tinitigan siya ng masama. Sorry, ha? Hindi kasi ganito ang buhay ko sa Tokyo. Doon, gigising na lang ako na nakahain na sa akin ang lahat.

"Magmadali ka riyan. Hindi pa nagagatasan ang mga kambing," maotoridad niyang utos habang naglalakad palayo. Napairap na lamang ako sa hangin.

"Opo, kamahalan. Yes, Master! Masusunod po!" sarkastiko kong sigaw nang makaalis na siya. "Aray! Tngina!" mura ko nang mapaso ako ng hawak ko pa palang palayok. Nailapag ko nang dahan-dahan ang palayok at napatalon-talon dahil sa sakit na naramdaman. Gusto ko nang maiyak, literal!

Focc! Hindi ito ang buhay na pinangarap ko! Sobrang layo ng buhay na ito kumpara sa buhay ko sa Tokyo. I really don't deserve this! I really don't!

***

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon