CHAPTER 2

702 53 4
                                    


"Stroll tayo sa mall?" pag-aaya ni Patrice sa akin matapos magdismiss ang klase. Saglit kong isinukbit ang bag ko at ngumiti ng tipid.

"Gomen'nasai," paghingi ko ng paumanhin dahil hindi ako makakasama sa kanya. "Dadaan pa kasi ako sa library ngayon. Baka matagalan ako," dagdag ko pa kaya napapout siya.

"Awww, daijohbudayo, Cel. Siguro sa ibang araw na lang," ngumiti rin siya na ibig sabihin ay ayos lang.

"Si Truce baka gusto sumama. Kaladkarin naman 'yang kaibigan natin eh," pagbibiro ko kaya napasilip siya sa bintana. Maging ako ay napasilip rin. There we saw Truce running as fast as he could. Nakipagsiksikan pa sa iba pang estudyante na papalabas na rin ng school gate.

"Nagmamadali. Baka raw hindi niya maabutan ang episode ng pinapanood niyang anime eh. Hays." Napainat si Patrice at isinukbit na rin ang bag.

"Oh paano Cel, una na ako ah. See you tomorrow!"

"Ingat!" Kumaway na lang ako at dumako na sa direksyon ng silid aklatan.

Sa sobrang lawak nitong Hirokoshi High, halos maligaw ako noong unang araw ng klase. Pero ngayon, medyo ayos na ako at kabisado na ang bawat sulok ng building. Maraming libraries ang school building, pero may pinakapaborito akong puntahan at tambayan.

4rth floor, Library 404. Isang silid-aklatan na pinakaluma ngunit pinakamalawak. Siguro dahil na rin sa kalumaan kaya hindi masyadong napapansin at napupuntahan ng ibang estudyante. Bukod sa walang aircon, maalikabok na rin at madilim. Halatang napapabayaan na at hindi na nalilinisan man lang.

"Kon'nichiwa Madame  Akako," pagbati ko sa isang matandang babae na nasa counter. Nasa mid 80's na siya pero narito pa rin bilang librarian at maintenance ng lugar. Buong buhay ata niya ay dito na siya nagtrabaho. Isa siya sa mga dahilan kung bakit wala masyadong bumibisita rito. Bukod raw kasi sa napaka-eerie ng lugar, creepy rin raw ang mismong librarian. Sa akin naman, wala akong pakialam dahil ayos naman siya. Uhmm, weird nga lang minsan at may pagkamasungit.
Imbes na makatanggap ng respond, hindi niya ako inimikan. Tumitig lamang siya sa akin nang pumasok ako sabay balik ng atensyon sa binabasang libro. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-i-scan sa bawat shelf.

Paminsan-minsan akong bumabahing dahil sa mga lumilipad na alikabok pero ayos lang. I just love the smell of old and antique books. I am so obssessed with them for unknown reason.

Napatigil ako saglit para igala ang paningin ko at mag-isip. I need to borrow at least five books today. Halos lahat kasi ng libro sa bahay, nabasa ko na ng paulit-ulit. Sa sobrang gaganda ng mga title ay nahirapan ako mamili ng hihiramin. Pasado alas sais na ng gabi nang mapasulyap ako sa wristwatch ko. Kahit alanganing oras na ay nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa habang nakasalampak sa gitna ng naglalakihang bookshelves. Alas otso naman kasi nagsasara si Madame, minsan overtime pa.

May kadiliman na rin sa kinaroroonan ko at tanging malamlam na liwanag na lamang mula sa lumang bumbilya ang nagsisilbi kong ilaw sa pagbabasa. Mayamaya ay napatigil ako at nakiramdam. Tila may mga matang nakamasid sa akin kaya napatingin ako sa madilim na parte ng dulong library. Wala akong maaninaw.

"Hera? Hera..."
"Psstt!"

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsilay ng isang munting liwanag mula sa dilim. Mula sa mga nakahanay na libro sa bookshelf. Napakunot ang noo ko. Paanong magkakaroon ng liwanag rito? May naiwan bang flashlight sa sulok si Madame Akako? Tatayo sana ako para puntahan kaso naunahan ako ng takot at pagkaduwag kaya nanatili na lamang akong nakaupo.

"Hera..." Napakamot ako sa tenga nang marinig na naman ang tawag.
"The hell, wala namang Hera rito sa binabasa ko," sambit ko sa sarili at isinawalang-bahala ang naririnig.

"Hera..."
"Pstttt!"

"Anak ng!" Napabalikwas ako at naisarado ang binabasang aklat nang may tumapik sa balikat ko.
"Madame Akako, Diyos ko naman, kayo lang po pala. Hays! Tinakot n'yo po ako ng slight hehehe."  Napahawak ako sa dibdib ko matapos makita ang kulubot niyang pagmumukha na walang makitang reaction. Creepy. Sana aware siya na tinakot niya ako.

"Wala ka bang balak umuwi, hija?"
"U-uuwi na rin po ako," magalang kong sagot saka pinagpagan ang suot kong uniporme na nakapitan na ng makapal na alikabok.

"Saan mo balak umuwi?"

"S-sa bahay po ahehehe," awkward akong napasagot sa medyo obvious niyang tanong. Ang matatanda nga naman, kung hindi ulyanin, hindi ko rin madescribe.

"Akala ko sa Gokayama. Kamukhang-kamukha mo kasi siya," wala sa sariling sambit ng matanda kaya napataas ang kilay ko. Ano raw? Saan naman iyon? At sino ang tinutukoy niya?

"P-po?"

"Sugata o kesu." Hindi ako masyado magaling umunawa ng mga salita ng Japanese pero ang binanggit niya ay mas lalong nakapagpataas ng kilay ko. Sugata o kesu means to disappear. Anong ibig niyang sabihin? Sinong nawala?
My eyebrows furrowed as I look at her.

"A-ano po yon?" muli kong tanong dahil hindi ko siya maintindihan.
"Wala. Umuwi ka na at magsasarado na ito."

"S-sige po. Una na ako---" Bago pa ako makalagpas sa kanya ay nahawakan na niya ng mahigpit ang kanan kong pulso dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Napalingon ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. May kumirot sa bandang pulso ko likha ng matutulis niyang kuko. Kasabay noon ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Huwag kang makikinig sa bulong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng kyuryosidad. Baka matulad ka rin sa kanya." Bumagal ang pagtibok ng dibdib ko at tila nakaramdam ako ng panlalamig. Sa sobrang tensyon, nawakli ko ang kamay niya at mabilis na lumabas ng lumang library. Pagkalabas na pagkalabas ay napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib.

"Kimiwarui," hinihingal kong sambit sa sarili at inilagay sa bag ang mga hiniram kong libro bago tuluyang umalis.

***






HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon