Sa ilang minuto pang paglalakbay ay namalayan ko muli na tila malayo na kami sa maingay na paligid. Mas binilisan ng lalaki ang pagpapatakbo sa kabayo na waring may hinahabol. Hanggang sa narinig ko ang pagtunog at pagbukas ng gate na gawa sa bakal.
"Anong sadya, ginoo?" maotoridad na tanong ng boses na aking narinig.
"Ang hari," tugon ng lalaki. Napataas ang kilay ko. Hari? Kahit nanganganib ay sumilip ako at nakita kong nasa tapat na kami ng napakataas na gate. Tama nga ang hinala ko, gawa ito sa bakal na hindi basta-basta masisira.
"Aray putragis!" mahina kong mura nang malakas na nagpreno ang sinasakyan kong kalesa. Nauntog ako sa bakal na malapit lamang sa ulo ko. Narinig ko ang paghalinghing ng kabayo. Naramdaman ko rin ang pagbaba ng nagpapatakbo nito kanina lamang. Bigla akong tinamaan ng kaba. Kung tama ang nasa utak ko na ibababa na niya ang dayami sa lugar na ito, ay malalagot ako. Tila tumigil ang paghinga ko nang maramdaman kong lumapit siya sa bandang likod at ginalaw na ang mga tuyong dayami. Patay na!
"Anong ginagawa ng hampas-lupang iyan sa palasyo?" Bago pa niya tuluyang malaman na nagtatago ako rito ay kapwa kami natigil dahil may nagsalita.
"Nais raw po niyang makausap ang hari---"
"Ang hari ay hindi maaaring makipag-usap sa isang hamak na mamamayan lamang. Maliban na lamang kung siya ay nabibilang sa dugo ng maharlika. Ikaw ba, ay nabibilang sa amin?" Sa tono ng pananalita ng naririnig ko ay, tila nang-iinsulto pa ito. Nakabibinging katahimikan ang namayani nang ilang minuto. Nagpakawala ito ng malutong na halakhak. Totoo atang iniinsulto niya ang may-ari ng kalesang sinasakyan ko ngayon. Parang gusto ko na tuloy lumabas mula rito sa mga dayaming tumatakip sa akin at paulanan ng flying kick ang mukha ng kung sino mang tumatawa.
"Hindi ikaw ang pinunta ko rito kundi ang hari, huwag kang umasta---"
"Bakit hindi ka sumagot sa tanong ko? Ikaw ba ay dugong maharlika? Base sa pananamit mo, isa ka lamang hamak na taga-ani ng palay sa dakong timog," pang-aalaska pa ng huli. Nakarinig naman ako ng sunod-sunod na yabag papalapit at mga tawanan.
"Mayamaya ay tumigil ang mga yabag malapit sa kalesa. Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa nararamdamang tensyon. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang dahilan. Kung ito ba ay dahil sa naiipit ako sa sitwasyon na nagaganap sa bawat isa sa kanila o dahil sa wala akong ibang mapagtataguan oras na alisin niya ang mga tuyot na dayami. Halos mangatal ako sa kabang nararamdaman.
"Igen Itsoru, hindi magandang pinaglalaruan mo ang mga patalim rito sa loob ng palasyo! Alam mo namang isa iyan sa mga ipinagbabawal ng iyong ama!" rinig kong bulyaw ng isang lalaki, na sa tingin ko ay may edad na rin base sa kanyang boses. Hindi ko na mapigilang mapasilip sa siwang na nagmumula sa mga dayami. Nakita ko sa ang mga kawal na nakasuot ng armor at may bitbit na sibat sa kanang kamay. Ang isang lalaki naman na sigurado akong may-ari nitong kalesa, ay nakasuot ng lumang pananamit na may mahahabang manggas habang may sukbit na espada. Samantala, nanlaki ang mata ko nang mapadako ang paningin sa kausap niya, dalawang lalaki na nakasuot ng magarang damit na may mga manggas rin. Mukhang mayayaman at nakakaangat. Kaano-ano ba sila ng hari? Totoo bang may hari? Weh?
"Jin, anong meron?" bungad na tanong noong binata na may nilalarong patalim sa kanang kamay. Napadako ang tingin niya sa lalaking naghahatid ng dayami. Nagtataka itong napanganga na parang walang alam sa nangyayari. Pakshet, ano ba? Awatin mo na ang dalawa bago pa magsagupaan! Gusto kong sumigaw mula sa pinagtataguan ko pero mas pinili kong takpan na lang ang bibig ko.
Napangisi lang ang lalaking tinawag niya sa pangalang Jin. Tingin ko ay mas nakakatanda ito sa kanya. Magkapatid ba sila? Bakit magkamukha?
"Nasaan si Kaisei?" tanong ni Jin sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang tinanong. Sino naman iyong Kaisei?
"Ewan, lumabas raw ng palasyo. Wari ko ay mangangaso na naman 'yon," naiiling na sagot ni Itsoru. "Teka, ano bang nangyayari rito?" naguguluhan niyang tanong pabalik.
Naging matalim ang titig ni Jin sa lalaking nais kumausap sa hari. Hanggang sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay nagsikilos na ang mga kawal at pwersahang dinakip ang lalaking may lumang pananamit.
"Bitawan ninyo ako! Kailangan ko lamang makausap ang hari!" pagwawala nito.
"Ang isang hamak na dorei ay walang karapatang makapasok ng kaharian at kausapin ang hari sa gitna ng kanyang pamamahinga. Hala, palabasin na iyan," utos ni Jin sa mga kawal at tuluyang tinulak-tulak ang kalesa kasama ang lalaki. Ang Itsoru na may hawak na mga punyal ay hindi na kumontra sa ipinag-utos ni Jin. Naramdaman ko na lamang na umaandar na ang sinasakyan ko palabas ng palasyo.
Isang malakas na kalabog ang narinig ko hudyat na nagsara na ang bakal na gate. Napangiwi ako dahil sa sakit ng tenga. Ramdam ko ang biglaang pagsakay ng lalaki sa kabayo at pagpapatakbo nito palayo sa palasyo. Papalayo sa mga taong nanlait sa kanya kanina. Palayo sa kahihiyan na naranasan niya.
HUMALINGHING ang kabayo. Tumigil na ang kalesa sa pagtakbo. Bumaba muli ang lalaki at sa pagkakataong ito ay mas solid na ang nararamdaman kong kaba dahil alam kong wala na akong kawala oras na mabuklat na niya ang mga dayami. Napa-sign of the cross ako bigla. Rinig ko na ang mga yabag niya papalapit sa pinagtataguan ko.
"Nantekotta i," bulong ko at napapikit. Isa, dalawa, tatlo. Sa muli kong pagmulat ay nakasisilaw na liwanag ang tumambad sa akin. Napanganga na lamang ako sa ilang minuto naming pagkakatitigan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hanggang sa kapwa kami nanlaki ang mata at napasigaw. Siya sa gulat, habang ako sa sobrang pagpapanic.
Isinalag ko sa liwanag ang mga braso ko upang huwag masilaw. Masyado nang masakit sa mata.
"S-sandali, huwag kang sumigaw. M-magpapaliwanag ako!"
"AHHHHHHHHH!!!" Parang bakla siyang nagsisigaw at akma pang huhugutin ang sukbit niyang espada kaya wala akong nagawa kundi mapasigaw na lamang ulit. Sh*t! Mamamatay na ata ako nang hindi nakakabalik sa'min!
"Onegaishimasu! Hindi ako masamang tao!" sigaw ko ng paulit-ulit at napapikit na lamang sa pagbabakasakaling hindi ito totoo. Nananaginip lang ako. Pero kahit anong pagpikit ko, pumapasok pa rin sa loob ng mata ko ang liwanag mula sa napakainit na sikat ng araw, nasisilaw ako lalo at napapaso ang balat ko. Enough for me to believe that this shit is really true, and I am in the midst of trouble. Wala akong nagawa kundi mapamulat na lamang at nagsisigaw ulit.
"Sino ka?"
"Nisan!" Hindi na ako nakasagot dahil kapwa kami napalingon nang makarinig kami ng sigaw mula sa dalawang bata. Isang batang lalaki na tingin ko ay nasa gulang na labing isa at isang batang babae na mas nakababata kumpara sa lalaki, parehas silang gusgusin at humahangos na tumakbo palapit sa amin. Muli nilang tinawag ang lalaking nasa harapan ko. Aligaga kong tinanggal ang mga duimikit dayami sa katawan at uniporme ko. Halos masuka ako dahil ang ibang hibla ay napadpad pa sa loob ng bibig ko.
"Nisan! Napakain na po namin ang mga baka at kambing, nagatasan na rin namin sila!" masiglang bati ng batang babae. Ngumiti ito at nakita ko ang kulang-kulang niyang ngipin. Hindi pa rin ako matigil kakaubo at nagpagpag pa dahil nangangati na rin ako.
"Ganoon ba? Mabuti naman, may pasalubong si nisan para sa inyo."
"Yehey!"
"Nisan, sino siya?" Walang emosyon na tinuro ako ng batang lalaki. Nabaling muli ang atensyon nilang tatlo sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Ang lalaking may ari ng kalesa ay tuluyan nang iniharang sa mukha ko ang hawak niyang espada. Kumislap pa ito sa tama ng sikat ng araw. Halos maduling ako nang makita ang dulo nito malapit na sa ilong ko. Napalunok ako ng paulit-ulit.
"M-magpapaliwanag ako!" depensa ko sa sarili ko. Nakita ko ang weird na tingin nilang lahat kaya hindi ko mapigilang manginig sa kaba.
"P-pero bago 'yon, b-baka gusto mo munang ibaba ang espada mo at hayaan akong mabuhay?" Ngumiwi ako at nagkatinginan naman sila.
Bumagal ang tibok ng puso ko at bumalik ito sa normal nang makita kong iniurong niya ang talim ng espada. Napabuga ako ng hangin at napapikit. T*ngina, katapusan ko na ata.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...