Walang humpay ang pagsigaw ko nang bumulusok ang katawan ko sa isang napakahabang tunnel. Nauubusan na ako ng hininga hanggang sa tila kidlat na lumitaw ang liwanag at iniluwa ang nanlalambot ko nang katawan.
Hindi ako makagalaw. Tila kinuryente ang mga kalamnan at buto ko sa hindi malamang dahilan."Ugh," I cough multiple times catching my breath and calm myself. Napakurap-kurap ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Nakasisilaw na liwanag na naman ang sumalubong sa akin kaya napatakip ako sa mukha gamit ang palad.
Kahit masasakit pa ang kasu-kasuan ay pinilit kong bumangon habang nanginginig pa ang dalawang tuhod. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lamang ako.
"N-Nasaan ako?" Isang malawak na batuhan ang tumambad sa akin. Mabato at maalikabok kaya hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalalang baka tumama kung saan ang ulo ko. Sht, ano bang nangyari?
"T*ngina nasaan ako?" mura ko at paika-ikang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Tuyot na tuyot na ang paligid. Halos malanta na ang mga halaman at punong-kahoy.
Nasapo ko na lamang ang noo ko nang maalala muli na nasa silid-aklatan lang ako kanina. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Ang tanging natatandaan ko lamang ay kusang nagliwanag ang libro at hinigop ako.
Inayos ko ang bagpack ko na hanggang ngayon ay dala ko pa rin. Itinago ko rin ang gusot nang polaroid at isinilid ito sa bulsa ng skirt ko. I need to find my way home. Hindi ako pwedeng manatili rito. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at nakahinga ng maluwag nang mahawakan ang cellphone ko. Sana hindi pa lowbat."Pakshet! Walang signal! Argh!" Napapadyak ako sa inis. "Tngina paano na 'to?" Naiiyak kong sambit sa sarili habang iginagala ang paningin. Saan ako pupunta? Saan ako dadaan? Alangan namang hintayin ko rito ang liwanag na 'yon at antayin kong kusa akong higupin ulit pabalik? Fudge.
"Maybe there's another way. Someone might be here so I could get help. C'mon Celeste. Don't panic, okay? It's okay...okay..." I slap my face trying to be calm. I have to get through this ! I need to get out of this place as soon as possible.
Naglakad-lakad pa ako hoping na makahanap ako ng tulong. Hanggang sa naramdaman ko ang pagkatuyot ng aking lalamunan dahil sa uhaw.
"Taragis, ang init!" reklamo ko at mabilis na naglakad pa upang makahanap ng masisilungan. Mayamaya pa ay natanaw ko ang isang maliit na balon. Nangislap ang mga mata kong halos matuyot na sa init, napalunok-laway ako.
"Mygad, ngayon lang ulit ako makakainom ng tubig sa balon. Teka, malinis ba 'to? Ba't parang ang luma na nito?" Napangiwi ako nang makita ang medyo nilulumot nang paligid ngunit pagsilip ko sa loob ay nakita ko ang kristal na tubig ngunit kakaunti na rin. Halata talaga ang tagtuyot sa lupaing ito. Muli akong napalunok. Siguro naman walang lason 'to eh noh. Gamit ang tabo na gawa sa kahoy ay nagawa kong sumalok at nilagok agad.
"So refreshing!" pikit-mata kong komento tsaka sumalok pa para ibuhos sana sa napapaso ko nang katawan nang magawi ang tingin ko sa ibaba ng aking kinaroroonan. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha at nabitawan ang hawak na tabo.
"A-Anong lugar ba 'to?" nauutal kong tanong sa sarili. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko ang kapatagan kung saan napupunan ng isang sibilisasyon. Maraming bahay na gawa sa bato at kahoy ang natatanaw ko, tila mga langgam naman ang mga tao sa sobrang dami. Rinig ko rin mula rito ang ingay ng karwahe, musika, mga nagkuwkwentuhan at nagsisigawan.
Nanlaki ang mata ko nang may marealize. Hindi kaya napunta ako sa ibang panahon? Kung ganoon anong era 'to? Napatakip na lamang ako sa bibig at inalala ang hitsura ng sibilisasyon na nakita kong naka-drawing sa libro na kanina ay hawak ko lamang sa library.
Ganitong-ganito.
Tama! Nasa library lang ako kanina at..."Nagkakamatay na ang mga pananim, natutuyot na rin ang mga halaman. Napepeste na rin ang mga hayop. Lumalaganap na talaga ang tagtuyot." Otomatiko akong napatago sa likod ng malalaking bato nang makarinig ako ng boses papalapit sa balon. Sinilip ko ang mga ito. Dalawang lalaki ang iigib ng tubig. Kakaiba ang pananamit nila kumpara sa suot ko. Parang...makaluma.
"Iyan nga ang hinaing ng taong-bayan sa emperor. Bali-balita ay gagawin na ang ritwal sa makalawa, magbabakasakaling bubuhos na ang ulan."
"Sana nga, kung hindi, lahat tayo apektado ng El Nino na ito."
"Eh wala pa kasi ang binibining ihahandog natin kay Bathala," ani ng isa. Napakunot ang noo ko sa pinagkukwentuhan nila. Naagaw naman ang atensyon ko ng mga ingay at yabag ng kabayo. Nakita kong pababa sa kapatagan ang isang karitela na puro dayami ang sakay. Pinatatakbo ito ng lalaking hindi ko ang pagmumukha dahil natatakpan ng salakot. Inayos ko ang bagpack ko saka tuluyang humabol upang makasama. Mabuti na lamang at hindi ako napansin ng dalawang lalaki na nag-iigib ng tubig sa balon.
"Ouch!" mahina kong bulong dahil sa lubak-lubak na daan na binabagtas ng kabayo pababa. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko upang hindi makagawa ng ingay. Bakit nga ba ako sumama rito? Nasapo ko ang noo ko sa sobrang depresyon.
Paano kung malaman nilang hindi pala ako tagarito? Baka mapahamak ang buhay ko.
"Ang bobo mo talaga Celeste," nakangiwi kong sambit sa sarili. Makalipas ang ilang minuto ng paglalakbay pababa, naramdaman kong medyo gumaan ang paggalaw ng karitelang sinasakyan ko. Napasilip ako at hinawi ang mga dayami na natatakip sa akin.
"What the heck? Is this for real?" Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang isang maingay na sibilisasyon. Tama nga ang nakikita ko kanina mula sa taas, napakaraming tao na naglalakaran, mga nag-aawitan, nagsasayawan, hindi magkamayaw ang iba sa pamimili. Kakaiba ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Tila napadpad ako sa isang hindi pangkaraniwan ngunit historical na lugar?
Sa sobrang excitement na nararamdaman ay inilabas ko ang cellphone ko at agad kumuha ng mga litrato habang nakatago pa rin sa napakaraming dayami.
Kahit hindi ko alam kung nasaan ako ay hindi ko mapigilang hindi mamangha dahil sa naiisip. Posible kayang napadpad ako sa mundong ito dahil sa liwanag na nakita ko sa libro?
Kung ganoon, nasa loob ako ng libro?!
***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
ФэнтезиCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...