CELESTE'S POV
Bakit ako umiiyak? Bakit may luha?
Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.
"Mira---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa'y narinig ko ang pag-iyak niya.
"Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!" aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti.
The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It's none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.
"Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?" sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.
"May lason ang tsaa na ipinainom sa'yo. Ang mga walang hiyang iyon, gusto ka talaga mamatay!"
Dahil sa sinabi niya ay napaiwas ako ng tingin. Ang reyna at si Takumi, sigurado akong plano nila iyon.
Pero bakit? Gusto na ba talaga nila akong tuluyang mawala?
"Mira, si Tsuyu nga pala?" Kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na hindi ko naman dapat ungkatin pa. Pero bakit gustong-gusto kong lagi siyang kinukumusta?
Saglit siyang napatigil at tinitigan akong mabuti na wari ay may dapat akong aminin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hera, tapatin mo nga ako," panimula niya at umayos ng upo malapit sa pwesto ng kama ko.
"Gusto mo ba ang pangalawang prinsipe?" tanong niya na nagpakaba ng sobra sa puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin.
Hindi ko alam. Ayokong sumagot.
Sa tuwing kasama ko siya, masaya ako. Kahit napaka-antipatiko niya.
"Hera." Hinawakan ni Mira ang kaliwa kong kamay at pinisil iyon. "Ayoko lang masaktan ka. Pero kailangan mo siguro malaman ang totoo," dagdag pa nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Malapit nang ikasal ang prinsipe sa prinsesa ng Timog. Tatlong linggo mula ngayon, sa paglubog ng araw."
"Malapit nang ikasal ang prinsipe sa prinsesa ng Timog. Tatlong linggo mula ngayon, sa paglubog ng araw."
Napahawak ako sa dibdib ko. Sumasakit ito. Pilitin ko mang alisin sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Mira ay hindi ko magawa. Parang sirang plaka, nag-eecho ito sa pandinig ko.
Napatitig na lamang ako sa bracelet na hanggang ngayon ay suot ko pa rin.
Ikakasal na pala siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin? Baka nga.
"Bobo mo, Celeste. Bakit ka iiyak? Wala namang kayo, bakit ka masasaktan? Tanga mo, girl. Baka! Baka!" paulit-ulit kong sambit dahil sa inis at pinagsisipa ang mga maliliit na bato rito sa tabi ng lawa. Sumalampak ako at pinagbubunot naman ang kung anong makita kong uri ng damo.
"Baka!"
"Huwag mong idamay ang inosenteng halaman dahil lang sa pinagdaraanan mo."
Agad akong napatayo dahil narinig ko ang biglaang pagsalita ng kung sino sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Jin na nakatitig na pala sa papalubog na araw. Napayuko ako.
"Masaya akong makita kang malakas na ulit, Hera," nakangiti nitong sambit kaya napangiti na lamang ako ng tipid.
"S-salamat," naiilang kong sagot.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...