PROLOGUE
"Hera! Hera!"
"Hera gumising ka!"
Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo'y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?
"Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na." Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. "Ako nga pala si Doctora Cordero," dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.
"N-Nasaan ako?" Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng ilang bagay ay ito na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.
"Celeste!" Ngunit bago pa man makasagot ang doktora ay nakarinig na ako ng mga yabag at sigawan na paparating. Pumasok ang isang babae at dalawang lalaki at dinaluhan kami. Tila tuwang-tuwa na makita akong buhay at humihinga pa. Kung hindi pa nabubura sa ala-ala ko ay sina Truce, Patrice at kuya Chester ito.
"Celeste, bruha ka! Nag-alala kaming lahat sa'yo! Huhuhu! Akala namin mawawala ka na ee!" halos maiyak si Patrice nang yakapin ako.
"Oo nga nakakainis ka dude. Ingatan mo naman ang buhay mo. Di ka pa welcome sa langit, uy," pagbibiro pa ni Truce at inayos ang suot niyang eyeglasses.
"Narinig mo ang mga kaibigan mo. Next time, mag-iingat Celeste. Alam kong mahilig ka sa mga libro pero huwag mo naman ilagay ang buhay mo sa alanganin nang dahil sa isang libro lang. Hays, pambihira ka." Lumapit si kuya Chester sa akin at ginulo ang buhok ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pinagsasasabi nila. Ano raw?
"A-ano bang nangyari?" Wala sa huwisyo kong tanong kaya nasapo ni Patrice ang noo niya.
"Hindi mo maalala? Ilang araw kang nawala. Natagpuan kang walang-malay sa loob ng lumang school library. Nagkalat ang mga libro sa tabi mo habang nakabulagta ka. Pinaghihinalaang nabagok ang ulo mo dahil roon," litanya niya sa akin.
"Hindi pa sure, icoconfirm pa kapag lumabas na ang result ng skull X-ray na ginawa sa'yo ni Doctora. Sa ngayon magpahinga ka na muna," dugtong at payo ni Truce.
"Oh, baka naman dahil roon naalog na ang utak mo. Sabihin mo nga sa amin, anong grade level mo na at saang school ka nag-aaral?"
"Grade 12, ABM student sa Hirokoshi High," sagot ko at tinaasan sila ng kilay. Anong akala nila sa akin? Nagka-amnesia agad?
"Anong pangalan mo?" Dahil sa tanong ni kuya ay napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong kumirot ito.
"Ayos ka lang?"
"Hala s'ya. Naalog nga ata."Sa hindi malamang dahilan ay nakarinig ako ng mga hindi pamilyar na boses na tinatawag ako sa isang pangalan.
"Hera, Hera ang iyong pangalan."
'Simula ngayon ay tatawagin ka sa pangalan na Hera."
"Hera, hindi ba't napakagandang ngalan?""Bes, ayos ka lang?" Mas tumindi ang kirot ng ulo ko kaya napatingin ako kina kuya na naghihintay ng sagot ko.
"Anong pangalan mo?"
"H-Hera. Hera ang pangalan ko." Ang singkit na mga mata ni Patrice ay namilog at napatanggal naman ng kanyang eyeglasses si Truce. Napanganga si kuya Chester sa naging sagot ko.
"A-anong sabi mo?"
"H-Hera..." halos pabulong kong ulit."S-saan mo napulot ang pangalan na iyan? Celeste ang pangalan mo! Celeste San Pedro!"
"Cel, ayos ka lang ba?"Nakita ko silang lahat. May pag-aalala sa kanilang mga tingin. Mas sumakit ang ulo ko at pinilit inalala ang lahat.
Libro. Liwanag. Kakaibang paligid. Mga di pamilyar na mukha. May boses na tumatawag sa akin. Sigurado ako na ako mismo ang tinatawag niya. Kusang tumulo ang butil ng luha mula sa mga mata ko.Hera.
Hera.***
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...