CHAPTER 26

220 18 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Abala sa pagbabasa ng aklat ang panganay na si Jin habang si Kaisei naman ay hinihimas-himas ang kanyang espada. Tila wala namang pakialam si Itsoru sa mga kapatid at panay ang laro sa hawak niyang kutsilyo.

"Itsoru, sinasabi ko sa'yo! Kapag nakasakit ka, ako mismo ang hahataw sa'yo ng hawak kong 'to!" pagbabanta ni Kaisei sa nakababatang kapatid. Napanguso naman ang binatang si Itsoru at agad itinago ang armas sa mismong likuran niya.

"Alam n'yo, dapat andito rin si Nisan Tsuyu. Nasaan ba ang isang 'yon?" tanong nito sa mga kapatid pero walang sumagot. Pansin kasi nitong hindi pa ito nakikisalamuha sa kanila mula ng araw na dineklarang isa na muli siyang prinsipe.

"Alam mo rin ba Itsoru, na hindi dapat hinahanap ang nawawala?" kalmadong saad ni Jin at saglit na napasulyap sa kapatid bago binalik ang tingin sa binabasang libro.

"Balita ko, narito si Takumi para bumisita sa Inang reyna," pagbabalita ni Kaisei. Napangisi naman si Jin.

"Tingin ko bumisita lang iyon para makita muli si Tsuyu," naiiling nitong komento kaya nagkatitigan silang lahat at napangiwi.

"Malay mo naman Nisan Jin, si Kaisei na ang napupusuan niya di'ba?" walang kagatol-gatol na sambit ni Itsoru kaya agad siyang nabatukan ng pangatlong kapatid.

"Baka naman sa'yo may gusto!" ganti ni Kaisei at binatukan muli ang bunso sa ikalawang pagkakataon.

"Hindi na kami magugulat na baka isang araw, ikaw ang ikasal sa prinsesa!"

"Nasisiraan ka na ng tuktok!" Nasa gitna sila ng asaran nang sabay-sabay silang mapalingon sa bagong dating.

Sina Prinsesa Takumi at Reyna Seina, na ipinapasyal pala ang dalaga sa bawat sulok ng palasyo. Agad napatayo ang tatlo at napayuko upang batiin ang dalawa. Napatango naman ang Reyna  sabay sulyap kay Takumi na ngiti lang ang iginanti sa tatlo.

"Hindi ba't kay gigiting na mga prinsipe?" malawak ang ngiting pagmamayabang ng reyna. Nagpakawala ng pilit na ngiti ang prinsesa. Magigiting nga ang tatlo. Ngunit wala sa kanyang harapan ang hinahanap niya ngayon. May iba siyang hinahanap. Iginala niya ang paningin sa bawat sulok ng kwarto. Wala ni anino ni Tsuyu ang kanyang nakita.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo, paumanhin sa aming panghihimasok," magalang na sambit ng prinsesa at napatungo.

"Ayos lang. Nagkakatuwaan lang naman kami." Si Kaisei ang sumagot at napasulyap sa Inang Reyna.

"N-nasaan ang pangalawa?" Sa wakas ay naitanong ni Takumi ang bagay na nais niyang malaman. Gusto niyang malaman kung nasaan si Tsuyu. Gusto niyang makita ito bago siya makalabas muli ng palasyo.

Nagkatitigan ang tatlong prinsipe. Napaubo si Jin.

"Hindi namin alam. Baka namamasyal lang sa labas," sagot nito. Sa isang iglap ay namayani ang katahimikan sa kanilang lahat.

"Mauna na kami ni Takumi. Marami pa akong bagay na ipapakita sa kanila," saad ng reyna pagkatapos ay hinatak na ang prinsesa palabas ng silid kung saan naroon sina Jin, Kaisei at Itsoru. Nagkatitigan naman ang tatlong prinsipe matapos makaalis ang dalawa.

"Tingin mo, isa sa atin ang mapapangasawa ng prinsesa?" inosenteng tanong ng prinsipeng si Itsoru kaya napangiwi naman si Kaisei at nasamid si Jin.

"Ang bata mo pa pero iyan na ang iniisip mo? Pambihira!" Naiinis na sinamaan ng tingin ni Jin ang bunso kaya napakamot ito sa ulo. Mayamaya ay nagtawanan na lamang silang tatlo.

CELESTE'S POV

"T-Tsuyu?" bati ko sa kanya. Ibinaba ko muna ang bitbit kong timba ng tubig at saka tumabi malapit sa kanya. Hindi ko inaasahan na rito ko siya mismo maaabutan habang umiigib ng tubig malapit sa lawa. Kahit magara na ang suot na nababagay sa kanya bilang prinsipe ay kilalang-kilala ko pa rin siya sa sukbit pa lamang niyang espada.

"Kumusta ka na? Pinahihirapan ka ba nila?" Dahil sa naging tanong niya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Hindi ko kinakaya, naninikip ang dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"A-ano---"

"Kumakain ka ba sa tamang oras? Pinagpapahinga ka ba nila? Maayos ba ang trato nila sa'yo?" Sa pagkakataong ito ay humarap siya at tinitigan na niya ako sa mata. Parang may kumakarera sa puso ko dahil sa inaasal niya ngayon. Gusto kong maiyak.

My lips parted but I couldn't say anything. Napangiti lamang ako at napatango.

"Salamat sa pag-aalala, mahal na prinsipe. Nasa maayos naman ako," tipid kong sagot at napaiwas ng tingin. Hindi ko na kinakaya ang mga titig niya. Parang matutunaw ako sa kinatatayuan ko.

Sobrang sama na nito.

"Ayoko nang tinatawag mo 'kong prinsipe," sambit niya at napabuntong-hininga at binalik ang tingin sa malayo.

"Ano pala?"

"Dapat, kamahalan," nakangisi niyang tugon kaya napangiwi ako.

"Wow!" I exclaimed in amusement.

"Dahil kahit alipin ka na ng hari, alalahanin mong akin ka pa rin at ako ang kamahalan mo." Inilapit niya ang mukha niya sa akin na halos ikaduling ko. Napakatangos ng ilong niya, ang singkit ng mga mata. Napakagat-labi ako at napangiwi.

Pakshet! Mali 'to! Agad ko siyang tinulak palayo at ngumiti na parang baliw.

"Kamahalan, ehem! Ang utos ng hari, huwag mapalapit sa tulad naming nakakababang uri," paalala ko sa kanya at kinuha na ulit ang timba ng tubig. Babalik na sana ako sa pag-iigib nang bigla siyang magsalita.

"Paano kung napalapit na?"

"Ano?" My eyebrows furrowed but he just smiled.

"Mawawala ako ng ilang buwan. Inatasan ako ng hari na pangunahan ang digmaan sa Kanluran at Timog. Ipagpatuloy mo lang ang buhay mo rito. Huwag kang gagawa ng ikakagalit ng nakatataas. Maaasahan ko ba 'yon?" Pakiramdam ko gusto kong maiyak dahil sa pinagsasasabi niya ngayon.

"O-oo naman."

"Mabuti. Matigas pa naman ang ulo mo," aniya at humalakhak. Ibang-iba siya ngayon sa Tsuyu na nakilala ko. Nagagawa na niyang ngumiti ngayon at makipagbiruan. Napangiti na lamang ako.

"Paano, mukhang ito na muna ang huli nating pagkikita." Ginulo niya ang buhok ko.

"Mag-iingat ka," paalala ko sa kanya at hindi mapigilang titigan siya mata sa mata. Hell, bakit ba pinagpala sa kagwapuhan ang isang 'to?

"Sana ikaw rin. Huwag kang gumawa ng...ikakapag-alala ko."

Putangina. Bakit ako kinikilig?

"Mauna na ako."

"T-Tsuyu!" Hindi pa siya nakakalayo nang tinawag ko siya pabalik. Lumingon naman siya.

"B-babalik  ka di'ba?" Dahil sa naging tanong ko ay napailing-iling siyang napangiti.

"Kailan ba kita hindi binalikan?" His voice was full of concern and loyalty. I should kill myself for feeling like this.

For the last time, we both smiled at each other and waved our goodbye. I'm wishing for his triumph in battles.

And I will do my best to survive here too, inside the palace. I won't do anything that would make him feel so worry. I won't be a burden to him anymore.
I smiled as he turned his back away from me.

"Keep safe, Tsuyu..."

***

HIRAETH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon