THIRD PERSON'S POV
Nagmamadaling naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.
"Hindi kita pakakasalan, kung iyan ang iniisip mo," determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.
"Bakit? Si Hera ang gusto mong pakasalan?" sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.
"Hindi kayo pwede. Ako 'to, Tsuyu! Ako 'yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo." Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsuyu.
Iwinakli nito ang kamay ng dalaga na nakahawak pa rin sa pulso niya at agad tumalikod. Halos maiyak si Takumi sa hinanakit at pagkainis.
"Hindi na siya mabubuhay! Umepekto na ang lason sa katawan niya, hindi magiging kayo...Tsuyu," pahabol niya kaya nahinto si Tsuyu sa paglalakad. Umusbong ang galit sa prinsesa na ngayon ay dahilan pala ng pagkalason ni Hera.
"Ano kayang magiging parusa mo kung sakaling malaman ng hari na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga katiwala niya? Hihintayin ko 'yon, Takumi. Sa ngayon, magtago ka na sa saya ng mahal mong Inang Reyna," tiim-bagang na pagbabanta ng prinsipe at tuluyang umalis. Malalaki ang naging hakbang nito palayo sa tulala na si Takumi.
Nanlalaki ang mga matang nakatanaw lang siya kay Tsuyu.
"A-alam na niya," nauutal nitong sambit sa sarili habang naluluha.
"Tingin mo, ayos lang siya?" nag-aalalang tanong ni Itsoru sa mga kapatid habang panay ang silip sa nakapinid na silid ng dalagang si Celeste.
Napakamot naman sa ulo si Kaisei habang pabalik-balik na naglalakad at hindi mapakali. Si Jin naman ay nakamasid lamang habang nakasandal sa konkretong haligi ng palasyo.
"Sino sa tingin mo ang magiging maayos kung nalason ka? Nag-iisip ka ba?" Halos batukan ni Kaisei ang bunsong si Itsoru dahil sa naging tanong nito.
"Kumalma nga kayo. Hindi siya mamamatay," kalmadong sabat ni Jin na ngayon ay naka-crossed arm na at di kakikitaan ng pagkabahala. Sabay napalingon sa kanya ang mga kapatid.
"Mahusay ang manggagamot na nag-aasikaso sa kanya ngayon. At isa pa, matatag na babae si Hera. Hindi niya hahayaang mamatay siya dahil lang sa lason na 'yon. Tss," depensa nito at napaiwas ng tingin.
"Sabagay. Pero tingin n'yo, sino ang may kagagawan noon? Sinong naglagay ng lason sa tsaa?"
"Ewan. Sino ba ang kasama niya bago mangyari 'yon?"
Kapwa naguguluhan ang tatlo sa mga katanungang hindi naman nila masasagot. Mayamaya ay napatingin si Itsoru sa mga kapatid.
"Teka, alam na kaya ito ni Nisan Tsuyu?" tanong niya kaya sabay-sabay silang napatingin sa di kalayuan. Natanaw nila ang mabagal na paglalakad ng kapatid nilang si Tsuyu. Bakas rito ang matinding problema na dinadala. Kung ano iyon ay hindi nila alam.
Hanggang sa napalingon ito sa kanila. Kanya-kanya naman silang iwas ng tingin at napatikhim pa. Napangisi naman si Jin at nailing pa.
"Mukhang wala na naman siyang pakialam kay Hera."
Napaayos sila ng tayo nang bumukas ang silid ng dalaga at lumabas roon ang manggagamot kasama si Mira. Halos hindi magkaugaga ang tatlong prinsipe sa pagtatanong.
"Kumusta siya?"
"Pwede na ba siyang makita?""May malay na siya, hindi ba?"
Yumuko muna ang manggagamot bago sumagot.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...