CELESTE'S POV
Nabalik ako sa reyalidad nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Ngayon ay napapalibutan na kami ng napakaraming kawal. Nakita kong napatayo na rin ang hari at reyna mula sa kanilang pagkakaupo. Hindi maipinta ang mukha ng mga prinsipe nang makita nila si Tsuyu.
Ano bang connection nila sa isa't isa? Bakit tinawag ni Kaisei na kuya si Tsuyu?"Huwag kayong lalapit o ako mismo ang papaslang sa alay n'yo," pagbabanta ni Tsuyu at sa leeg ko mismo tinutok ang espada niya. Shit, ano na bang nangyayari? I thought he came here to save me? Why all of a sudden he'll be the one who will slay me with his samurai? Napangiwi ako.
"Makinig ka. Oras na bitawan kita, tumakbo ka hangga't kaya mo. Kaliwang pinto, sabay liko sa kanang pasilyo," maotoridad niyang bulong kaya alinlangan akong napatango. Nasasaktan na rin ako sa pagkakahawak niya.
"Ibaba ang lahat ng armas!" Umalingawngaw ang boses ng hari sa buong lugar kaya napalingon rin ako. Ngayon ay naglalakad na siya palapit sa amin kasama ang reyna. Tila kampante pa ito na walang dadanak na dugo. Kasunod nito ang tatlong prinsipe na ngayon ay bitbit na rin ang mga armas nila para sa anumang oras ng pag-atake.
"Tsuyu, ibaba mo ang espada mo," utos ng reyna. Tila walang narinig si Tsuyu.
"Hindi ka rin pala basta ugaling aso, hindi ka na rin marunong rumespeto. Sabagay, kung saan naman talaga niya napulot ang ugaling iyan, ay sa mismong lugar kung saan siya nababagay. Pfft!" Narinig ko ang impit na pagtawa ng lalaking tingin ko ay panganay sa kanila. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Tsuyu dahil sa galit.
"Nisan Jin, tama na," kontra ng isa na may bitbit pang punyal at nilalaro-laro ito sa kamay.
"Itsoru, umalis ka na muna rito. Hindi magandang nakikisawsaw ka sa usapan ng iba," utos ni Kaisei. Napanguso naman ang huli.
"Pero---"
"Kaito!" malakas na sabi ni Kaisei at aligagang lumapit sa kanila ang isang alagad. Pamilyar ang lalaking ito, nakita ko siya noong illegal akong nakapasok rito sa kaharian sakay lamang ng kalesa ni Tsuyu, ilang linggo lamang ang nakararaan.
"Ilayo mo rito si Itsoru."
"Masusunod, Igen," yumuko ito at inalalayan ang batang prinsipe na lumayo sa amin. Nagmamaktol na sumama ito sa alagad.
"Mukhang nalimutan mo ang patakaran na bawal kang pumasok ng kaharian nang walang pahintulot ng hari. Isa na naman itong paglabag," nanggagalaiting sambit ni Kaisei. Napatingin ako kay Tsuyu. Wala pa rin siyang reaksyon. Ano bang binabalak niya?
"Hindi ba paglabag rin sa kautusan ang pagpaslang sa mga inosenteng bata?" nakangising tanong nito pabalik. Bakas ang galit sa boses niya habang tinutukoy sina Yamaro at Yuri.
Natahimik ang lahat. Naging malikot naman ang imahinasyon ko nang maalala ang ginagawa namin noon ni kuya Chester kapag gusto naming umulan. Kinakalog lamang namin ang bagay na iyon and out of nowhere, magdidilim ang langit at mayamaya'y babagsak na ang ulan mula sa langit.
"Kung mamarapatin mo ay hayaan mong pag-usapan ito nang walang dahas," panimula ng hari at tinitigan si Tsuyu. "Ang babaeng tinatangka mong iligtas ay nakatakdang ialay para sa Bathala---"
Bago pa matapos ng hari ang sasabihin niya ay nakisabat na ako.
"Gusto niyo ng ulan hindi ba? Tutulungan ko kayo. Kaya kong paulanin, nang walang dinadamay na buhay ng tao," determinado kong sambit kaya napatingin ang lahat sa akin. Maging si Tsuyu ay napabitaw ang pagkakahawak sa leeg ko.
"Ikaw ba ay..."
"Bigyan n'yo 'ko ng sapat na oras at panahon. Bukas, alas tres ng hapon." Napaubo ako. Gusto kong bawiin ang mga pinagsasabi ko pero wala na itong atrasan. Hindi ko sure kung gagana iyon, pero kung iyon lamang ang tanging paraan para hindi na ito humaba pa, gagawin ko na lang.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ng hari at napapalakpak naman ang reyna. Tingin ko tuloy ay nakuha ko na ang tiwala nila na kaya kong paulanin ang langit bukas. Yare na.
"Kung ganoon, maghanda ka. Dahil kung hindi mangyayari ang bagay na iyon bukas, buhay mo pa rin ang kapalit," banta ng hari dahilan para mapawi ang ngisi ko. Napatingin ako kay Tsuyu, napaiwas siya ng tingin.
Alam kong ginawa na niya ang mailigtas ako. Kung hindi man gumana ang lahat ng plano ko bukas, labas na siya sa magiging kapalaran ko.
"Dalhin ang babae sa kanyang selda ngayon rin!" utos ng hari at otomatiko nilang hinablot ang braso ko. Lilingunin ko pa sana si Tsuyu ngunit nakaladkad na nila ako papalayo.
THIRD PERSON'S POV
"Ang ginawa mong pagsasabotahe sa ritwal ay isang paglabag sa kautusan!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Taiyo at tiningnan ng masama ang pangalawang anak na si Tsuyu. Nakatungo lamang ito at hindi umiimik.
"Ngunit ang pagkitil ng buhay ay labag rin, hindi ba?" sa wakas ay nasambit ni Tsuyu ang kanyang hinaing. Natigil ang hari dahil sa narinig. Tumawa ng mahina si Tsuyu ngunit may pagdaramdam sa boses nito.
"Pinag-utos mong patayin sila, hindi ba? Sila na lang ang tangi kong pamilya. Pero bakit? Bakit kailangang idamay mo pa?!" Nanlilisik na ang mga mata nito habang inaalala ang masaklap na sinapit ng magkapatid na Yamaro at Yuri. Lalapitan sana siya ng kawal upang hindi na magwala pa, ay agad nitong hinugot ang espada upang hindi ito makalapit sa kanya.
"Dahil kailangang mangyari ang nasa kasulatan. Kailangang matupad ang kapalaran, kahit may magbuwis na naman ng buhay," sagot nito.
"Kung ganoon wala na rin akong pakialam kung madagdagan pa ang kasalanan ko sa inyo. Araw-araw kong pinagbabayaran ang lahat ng ginagawa ko, sa parusang ginawad ninyo apat na taon na ang nakararaan." Agad tumalikod si Tsuyu sa ama at namataan ang kanina pa pala nakikinig na si Jin. Nagkatitigan ang magkapatid sa muling pagkakataon. Sumiklab ang lihim na galit ng dalawa sa isa't isa.
Bago tuluyang umalis ng palasyo, ay dumiretso si Tsuyu sa silid kung saan nakakulong ngayon si Celeste. Nagbigay galang pa rin sa kanya ang kawal na nagbabantay rito kahit hindi na siya isa sa mga prinsipe. Tipid siyang napangiti at napayuko rin.
Sisilipin lamang niya ito ngunit wala siyang balak magpakita. Nakita niya itong nakaupo sa sulok habang nakatunganga sa kawalan. Napakislot ito at napatingin sa pwesto kung nasaan siya.
"Tsuyu?" Huli na para magtago. Nakita na siya ng dalaga. Nilingon niya ito na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo."Uuwi na ako ng Kagoshima. Bukas, babalik ako. Ingatan mo ang..." Napalunok si Tsuyu bago dugtungan ang sinasabi. "...sarili mo."
Sa hindi niya malamang dahilan ay nagkaroon siya ng kaunting pag-aalala sa buhay ng dalaga. Hindi rin niya maintindihan ang sarili.
"S-sandali," pigil ni Celeste sa binatang aalis na sana.
"B-balik ka naman hindi ba? Babalikan mo ako?" naiiyak nitong tanong. Tila batang nakahawak sa makakapal na bakal ng rehas.
"Babalik ako," sagot ng binata at tuluyan nang naglakad palayo.
Ang kakaunting pag-asa sa dibdib ni Celeste ay nabuhay kaya napangiti siya ng tipid. Hindi naman pala talaga masamang tao si Tsuyu. Sa katotohanan ay malambot rin ang puso nito.
***
Jin, everyone.
BINABASA MO ANG
HIRAETH | COMPLETED
FantasyCeleste San Pedro, a typical senior-high school student of Hirokoshi High tends to live a normal life in Tokyo City, Japan with her older brother. Her life as a student was quite okay until she started to experience unusual dreams with voices callin...