Photo
Pagkatapos ng klase ay iniligpit ko na ang gamit ko. It's five pm, so nakauwi na ang mga pokpokera kong friends. Hinagilap ko ang phone ko para itext si Mang Kiko na magpapasundo ako gamit ang kung anong sasakyan mayroon ang bahay. Nang pindutin ko ang phone ko ay deadbatt ito. Shit, what a day!
Taranta kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room. The school grounds was still crowded because of the night shift classes. Naisip ko kung nakauwi na ba siya o may klase pa. Why I am thinking of him?
Nabigla ako sa paghila ng aking braso kung sino at inihagis ako sa pader. Now I can see anger in his face, nag-aalab ang mga tingin niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at ibinalik muli sa mga mata ko. His eyes were full of anger and pain. Hindi ko siya masisisi kung hindi mawawala agad ang galit niya sa akin.
"You should stay away from Andrew." Malamig na banggit niya na ramdam mo ang diin sa bawat salita.
"Hindi ako ang-"
"If you're trying to make him fall for you, stop it. Huwag mong bitayin ang pinsan ko! Sapat nang ako ang niloko mo!" Pagalit na sabi niya.
Natawa ko sa mga sinabi niya kaya napayuko na lamang ako. I should stop smiling, he'll be more angry!
"Ganiyan pala ang tingin mo na sa akin ngayon? Na I would date even fuck other boys just to forget you? Hindi ko pinapahulog ang pinsan mo dahil ko siya gusto. Siya ang tumulong sa akin. Siguro ganoon ang gwain mo, fucking girls to forget me, huh?" Parang nadurog ang puso ko roon.
"I don't fuck or date other girls just to forget you. Hindi ka naman mahirap bitawan at kalimutan." Aniya
Isang punyal ang tumusok sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa dalawang mata. I want to get out of this. Kaunting salita na lang niya ay tutulo na ito.
"Sabagay dahil hindi mo naman ako mina-"
"I won't beg years ago if I don't love you. You're just too selfish! Masyado kang makasarili kaya ka iniiwan! Sinarili mo lahat noon kaya hindi kita natulungan. Alam ko namang my trust issues ka, pero sana hindi ganoon!"
Tinignan ko siyang hindi inaalis ang titig sa akin. All I can see now in his eyes were pain. Sakit at lungkot na ako ang magdulot!
"Hindi mo pa nga ako napapatawad..."
"Napatawad na kita bago ko pa marinig sa mga labi mo. Hindi mo lang talaga inisip kung gaano kita kamahal kaya mo ako nagawang iwan noon." Sabi niya at ramdam ang panghihina sa boses. Parang nadudurog ang puso ko kapag ganito siya! Oh god!
Bumaba ang mata niy ulit sa aking mga labi. Tinitigan niya ito ng ilang segundo at ibinalik sa aking mga mata.
"Lalayuan ko na ang pinsan-"
"No. He would get hurt dahil nawalan na naman siya ng mga kaibigan. He would think again if he deserving to have a friends. Ako na lang ang iiwas sa inyo. Hindi na dapat muli tayong magkita."
Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Iniwas niya ang kaniya tingin. He'shappy now 'cause I'm crying.
"Ayaw ko nang makita ka." Aniya sa malamig na tinig. Unti unti niyang inilapit ang mukha sa akin. My heart starts beating fast. Taksil talaga itong puso ko. Bakit kahit ilang beses na siyang sinaktan nito tumitibok pa rin siya para dito?
"Triv, uwian na." Gising sa akin ng kung sino. It was a dream?
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o magagalit dahil ginising ako. Mahahalikan ko sana siya kung nagpatuloy iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil panaginip lamang iyon.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...