Issue
"Siya 'to 'di ba?"
"Siya 'yung sikat na author alam ko!"
"Oo! Nakapagpublished na siya ng mga libro sa New York. Best-selling author raw."
"God nakakahiya. Ang landi, walang class akala ko pa naman mapera."
"Walang pupunta sa Shangri La, baka nakakapokpok doon?" Tumawa silang tatlo.
Ito ang mga naririnig ko habang naglalakad ako papuntang tambayan namin. Parang sunod sunod na pana ang tumatama sa aking dibdib. What's the news again and they're throwing words like they are not seeing me.
Yumuko na lang ako kahit na dapat ay hindi. Hindi ko alam kung anong mayro'n. Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nila.
"Triv!" Sigaw ni Klea.
Agad nila akong pinalibutan at binigyan g maiinit na yakap. Wala akong nagawa kundi humagulgol na lang sa gitna nila. Hindi ko kaya ang mga naririnig ko. They're talking about me, and throwing hurtful words kahit na nasa harap lang nila ako. Ganiyan ba kawalang delikadesa ang tao ngayon? Pati sariling pagkatao ay ipapahiya.
"Alam mo na o nakita mo na?" Tanong ni Ella habang hinahagod ang likod ko.
Umiling ako habang patuloy sa pag-iyak. They gave me Jane's phone and now I know what they're talking about. Napaiyak na lang ako. Iyong sumasayaw ako habang kasama ang foreigner na gwapo na nakahawak sa hip ko. Damn, kahit hindi alam ang buong pangyayari ay ang lalakas manghusga.
"Iyan lang ang bidyo. Halatang cut dahil hindi pinaabot doon sa sinuntok ni Kris ang lalaking iyon." Sabi ni Hanna
"Hayaan n'yo na sila. Sabihin nila kung anong gusto nilang sabihin..." Hikbi ko.
"Kaya mo bang pumasok? Baka mas lalo kang mag-breakdown. Mamaya pa ang klaseng magkasama kayo ni Jane." Nag-aalalang si Klea.
"No, I'm ok. I can face them. Ako ang gumawa noon, kaya kakayanin ko." Sabi ko
"Magbabayad ang nagpakalat ng video na 'to. She bitch!" Gigil na Liz ang nasa harap ko ngayon.
"Thank you 'cause all of you are here for me. Thank you..."
"Parang mamamaalam ka na naman. Walang lilipad pa-Canada sinasabi ko sa 'yo, Jairus!" Si Ella.
Kahit papaano ay nabawasan ang sakit dahil sa kanila. Now the only persons I can give my trust are them. Maybe Andrew too. Ngayon ay kailangan ko nang pumunta ng classroom dahil mag-alas otso na. Pero hindi lang pala ako ang pupunta dahil hinatid nila ako.
"Kung sino man ang magpapaiyak dito kay Triv, alam n'yo na mangyayari sa inyo. Hindi lang kami ang makaktapat n'yo, pati ang boyfriend niya." Sigaw ni Liz nang nasa pinto kami at nakatingin lahat mg kaklase ko sa amin. I saw Andrew's just laughing while looking at Liz.
"Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Sigaw na tanong niya.
Nagsitanguan ang mga kaklase ko ay nagyukuan saka ako pumasok ng room. Kumaway sila ng parang baliw bago umalis.
"How are you? I saw the video, bakit hindi mo sinabi na nababastos ka na pala noong gabing 'yon? Sana ay nabugbog ko." Confident na sabi niya.
"Mahina ka nga, mabubugbog mo pa iyon? Umasa ka na lang, Andrew Louis."
"Hindi mo ata kilala ito?" He said while flexing his muscles.
"Ano 'yan?" Hinampas ko anh braso niya at nagulat ako sa tigas nito.
"See?"
Nagsimula na ang klase namin. Mabuti at nakapag-focus ako sa mga tinuturo ng bawat prof na pumapasok. Dumating ang lunch time at saktong kumalam rin ang sikmura ko. Nagutom ako kakaisip kung ano.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
Ficción General|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...