Kabanata 21

45 4 0
                                        

R18. Read at your own risk.

I love you

"Alam mo kumain lang ikaw. Ang successful ng event kaya treat ko 'yan. Huwag ka nang mahiya," sabi ko sa kaharap kong winner of the day.

Nasa tabi ko si Kris na seryosong kumakain. Ito namang si ate ghorl ay halos maduling na kakasulyap kay Holand. Aba, dukutin ko mata nito.

Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko sa kabilang table kung kumusta sila. Nagsitanguan lang ang mga gaga at nagtawanan. Nasa table nila si Andrew na nakikitawa rin naman sa kanila. Tinuon ko na ulit ang pansin ko dito sa reader ko. I need to be formal.

"May event pa po ba kayo this year? Para po maka-ipon ulit ako!" she giggled.

"Mayro'n. Wala pang date at hindi rin alam kung aabot this year. Pero titignan ng manager ko. Kumusta studies mo?"

She's a highschool student who knows how to save money for her wants and also her needs. I told her na dapat ay unahin niya na muna ang kailangan niya bago ang gusto. Mas importante iyon.

"With honor po ako kaya proud naman po sa akin ang mommy at daddy ko. Kaya po pinapayagan nila ako sa mga ganitong event."

"That's good!" bati ko saka nginitian siya.

Napatingin naman sa akin si Kris kaya napalingon rin ako sa kaniya.

"Are you ok?" I asked.

"Hindi mo pa tapos ang pagkain mo." He declared while drinking the softdrinks in his glass.

"I'm sorry..."

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Ilang sandali pa ay may tumawag sa reader ko at kinailangan na niyang magpaalam. Wala akong nagawa kundi tumango na lang.

"She's sweet," I said while watching her leaving.

"I don't like her." Matigas na sabi niya

"Why?!" Gulat na tanong ko.

He was serious earlier while eating his food and now... he's weird. Damn.

"I know how you killed her when she's confused on to whom will look..."

"Uhuh? Hindi ko siya pinapatay! Napakajudger nito," I exlaimed

"Magnonomi kayo?" He asked while looking at my friends.

"We don't have plans. Maybe? Ask them."

"Sa condo tayo," He said while staring at me.

Napansin kong napatingin siya sa labi ko at napakagat ng pang-ibabang labi niya.

"Perv."

"I'm not!" He nearly shouted

"Ba't ka guilty, Sir?"

"I'm clear, Ma'am."

"Okay..."

Hinatak niya agad ako patayo nang tawagin na kami nila Liziell. They are too excited when Kris said what he want to do this night.

"Sana all sa Lambo," Irap ni Hanna tsaka sumakay sa dalang SUV ni Andrew.

Mabuti na lang at may taga-hatid kami kung sakaling mapasobra. Hindi ko nga alam kung may bakak 'tong lasingin ako o ewan.

He focused on driving while I'm busy looking for songs. He gave me his phone at iyon ang sinaksak ko. Nagalit siya kanina no'ng nagpatugtog ako ng Someone's Someone mg MonstaX.

[Now playing: Far Away by Nickelback]

Naririnig kong sumasabay siya sa kanta at nagheheadbang pa ng mahina. I stared at him na parang natutuwa na makita siyang kumakanta. His voice is very husky!

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon