Romblon
"I missed you,"bulong niya sa akin.
December 21 na ngayon, galing kaming UST paskuhan. Inaya kami ni Maica, iyong miyembro ng UST SDT. Halos tatlong linggo kaming hindi nagkita dahil sa sobang busy namin sa finals. Kawawa dahil may isang taon pa siya habang ako isang sem na lang at magtuturo na.
"Same," matipid na sagot ko.
Sinimangutan tuloy ako ng mokong. Wala na nga akong boses kakasigaw sa mga banda roon kanina, pipilitin niya pa ako kagsalita.
"Hindi mo na ba ako mahal? Bakit ang tipid!"
"Wala na akong boses!" sigaw ko na halos naging pabulong na lang.
Ang kupal ay humagalpak sa tawa dahil sa nangyaring pagpiyok ko. 'Yan, happy pill hiya 'yang piyok. Sarap hambalusin ng manibela.
Bukas na ang flight namin papuntang Romblon kasama ang pamilya naming pareho. Laking gulat namin no'ng biglang nag-cancel ang pamilya ni Georgia. Pero ang pamilya naman nina Josepina ang isasama pati ang nanay at tatay ni Andrew at bunsong kapatid na lalaki na si Anreis.
Kinuha ko ang selepono ko para magtipa ng mensahe dahil hindi ko nga kayang magsalita.
To: Mahal kong Kriseo
Sa condo mo ba tayo matutulog ngayon? Bili muna tayo gamot para rito sa lalamunan ko. Huwag mong subukang tawanan ako dahil mabubugbog kita.
Pagka-send ko ay tumunog rin ang phone niya. Kunot-noo niya itong binuksan at ngumiti nang mabasa sigurong ako iyon.
"Ang saya pala kapag may kasamang pipi. Sana maubos load mo diyan," aniya at pinaandar ang sasakyan dahil green light na.
Mabuti ay sinunod niya ang mga sinabi ko. Dinaan niya rin ang sasakyan sa Jollibee para raw may kainin kami pagkarating sa condo.
"Take a shower after you eat and sleep. Maaga tayo bukas para 'di tayo maiwan,' aniya habang nagsasalin ng gatas para sa akin.
Nag-thumbs up lang ako saka tinuloy ang pagkain. Inabot niya sa akin ang gatas at hinalikan ako sa noo bago pumasok ng CR. Uminom na ako no'ng gamot na binili namin kanina. Damn, dapat pala ay hindi ako nagsisisigaw kanina.
"Babe, paabot naman 'yung towel! Nakalimutan ko, e. Thanks!" Sigaw niya mula sa loob.
Kumatok ako ng malakas para iabot na sa kaniya. Kingina, nagjajakol ba 'to kaya ang tagal buksan? Kinatok ko lang nang kinatok dahil ayaw buksan. Tumatawa-tawa pa 'to habang inaabot.
I raised my middle finger and mouth 'pakyu with love' dagil wala na talaga akong boses.
"Gusto mong sumabay?" he asked then ipen the door widely.
Iniwas ko ang tingin ko nang makita ang hubad niyang katawan. Nanggigigil na talaga ako!
"Ilang beses mo na 'tong nakita, ah. Nakakailang pa rin ba?"
Hayop. Hinayaan ko na lang siya magdaldal tungkol sa mga kababuyan. Pagkatapos kong maglinis ng condo niya ay ag-abang matapos siya. Kinalikot ko pa nga 'yong phone, wala naman akong nakita bukod sa mga videos na ewan ko.
Naalala ko 'yung text ni Luther sa kaniya so, I opened his messages. Iyon lang ang text at wala nang iba pa. Anong positibo kaya ang ibig sabihin nito?
"I'm done!" Sigaw niya pakalabas at ibinuka ang kamay na parang bata.
Monggoloid.
Hinatak ko mula sa kaniya ang towel at halos walang pakialam na nakikita ang ipinagmamalaki niya. He's proud, huh. Putulin ko 'yan kapag nambabae ka.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...