Kabanata 39

18 4 0
                                    

Last

Mabuti at pinayagan pa akong magtrabaho nila Mama. Nagka-away pa nga kami ni Dads dahil baka raw kung mapaano pa ako. Gumaling pa naman ako noong gabing 'yon. Medyo malubha na nga lang talaga at hindi na kakayanin ng puso ko ang kahit anong matinding emosyon. Bawal na akong kabahan, malungkot at sumaya ng sobra.

Kaya lagi lang akong ngumingisi kapag nakikipagbiruan kay Lau at doon sa lima niya pang kaibigan. Hindi ko nga alam kung paano ako magpapaalam sa kanila sa huling araw na magkakasama-sama kami. Nakakalungkot kasi sila ang una at huli kong mahal.

Kinuwento ko ang mga nangyari kay Lau at sa mga tropa niya. Ilang araw niya akong hindi kinausap no'n at sinusuway niya ako palagi sa klase. Hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.

"Laurenthia, this lesson is for your own good. Hindi ka makakapagtrabaho kung wala ito kaya makinig ka." Saway ko sa kaniya nang makitang natutulog ulit siya.

"I can research for that damn lesson, Sir. Mas uunahin ko ang halth ko bago ang bagau na kaya naman i-search sa google," sagot niya.

Kumirot naman ang puso ko roon at hinayaan ko na lang siya. Hindi ko siya masisisi kung ganito siya mag-react. Aniya'y mahal na raw kasi niya ako kaya nagalit siya. Kaya heto at nagtitiis ako kahit mahirap.

Hinintay kong matapos ang pang-huling subject nila. Nang makita na ako ni Laurenthia ay tinungo na niya ang ulo niya.

Ganito siya palagi kapag nasa labas na ako.

"Lau," tawag ko nang maiwan sila ng mga kaibigan niya.

"Tara sa iba na lang tayo. Hindi naman natin kailangan ng aircon," aniya at nagligpit.

"Laurenthia, sandali lang. I just want to know what's happening. Kumusta ka? Hindi mo ako pinapansin-"

Naputol ang sinasabi ko nang bila niya akong yakapin ng mahigpit. Narinig ko ang mga hikbi niya. Umiiyak siya!

"Lau, don't cry, please."

"No, Sir! Bakit pati ikaw iiwan ko? Alam ko ba ay dapat sasabihin ko sa 'yo no'n na damayan mo ako kasi iniwan ako ng tatay ko no'n. 'Yong tatay ko na bumubuhay at nagpapa-aral sa akin. Wala ako sa katinuan non, Sir. Naghahanap ako ng sandalan at ikaw ang nakita ko. Pero dinagdagan mo lang ang sakit! Nakakagalit at nakakalungkot, Sir..." hagulgol niya.

Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Napamahal na rin ako sa kaniya kaya ang hirap,.

"Sir, alam mo naman na napamahal ka na sa akin. Ikaw na ang tinuturing kong nanay. Sir, ang saklap lang ng buhay ko kasi iniwan na ako ng totoong nanay ko, iniwan na rin ako ng tatay ko, pati ikaw iiwan ko... Sir, bakit kasi hindi mo sinabing may sakit ka? Sir, pano na ako? Paano na, Sir? Ayokong maging selfish pero ikaw na lang po kasi ang kinakapitn ko. Ikaw na lang pinagkukunan ko ng inspirasyon. Gusto kong makapagtapos dahil sa iyo. Pero iiwan mo rin pala ako!"

Boses niya lang ang nangingibabaw sa loob ng silid. Ang mga kaibigan niya ay umiiyak na rin. Feeling ko pati sila ay galit sa akin dahil sa sinabi ko noon kasama sila.

"I'm sorry, Lau. I'm s-sorry..."

"Masama ba akong tao kaya ako pinaparusahan nang ganito? Vakit kaya kong magpasaya ng ibang tao, pero hindi ko mapasaya ang sarili ko! Kaya kong patatagin ang loob ng isang tao kahit hinang-hina na ako..."

"You can make it, Lau. You can make it until the end all by yourself. You have your friends, at palagi kitang babantayan kalag dumating na ang araw na 'yon..."

"Kung kaya ko lang pigilan ang pag-alis n'yo ni Itay, ginawa ko na. Ang hirap tanggapin. Mahal na mahal kita, Inay."

Bumuhos na ang luha ko dahil sa huling sinabi niya. 'Inay'... ang sarap pa lang tawagin ka ng estudyante mo nito.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon