Kabanata 25

32 6 0
                                    

Crush

"Ang bagong reyna. Ipinapasa ko na sa 'yo ang korona, kamahalan."

Nagsiyukuan pa sila para kunaari ay nagbibigay pugay. Pinaghahampas ko naman sila kaya tawa lang kami ng tawa rito.

"Kumusta ang iyong hardin, Kamahalan? Dilig na dilig, seswang!" Pagsigaw ni Jane. Agad ko siyang hinampas kaya napatawa lang siya.

"Gaga ka, ever! Nag-Siargao lang naman kami, ligo. Kayo, 'musta landi este undas break?"

"Sino kayang na-block diyan?" Malakas na halakhak ni Ella.

Lahat kami ay napalingon sa nakatutulalang si Klea.

"Why?" tanong ko.

"Manahimik kayo diyan! Putangina no'ng lalaking 'yon. Akala mo kung sinong gwapo para sabihing hindi ako ang type niya. Gusto ko lang naman makipag-friends tapos ayon, kumerengkeng." Pagkuwento niya.

"Hopia, sis!"

"Ayan napapala ng 'ball is life'."

Kinantyawan lang siya at nagtawanan habang pinupunasan niya ang mga luha. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maaawa sa kaniya. Sabi niya kasi noon na hindi siya magkakagusto. Ano at nag-break lang sa stress ay lumantod si gaga.

"Excuse po, may nagpapabigay po. Kay Klea raw," singit ng lalaki at inilapag ang envelope sa lamesa.

Bago pa makapagtanong si Klea ay nakaalis na iyong lalaki. No choice kun'di buksan at basahin para malaman kung sino. Hindi kami tinawag na dakilang chismosa para sa wala kaya nagsiksikan kami.

Klea, I want to say my apology to what happened last week. If you have free time, let's eat. My treat. Huwag ka nang tumanggi, please. ;) -Justin.

Ito iyong nakalagay sa sulat. Ang gaga ay halos maglumpasay sa kilig at niyakap ang sulat. Inayos niya ang gamit niya at muntik pang magkanda hulog ito kamamadali niya.

"See you later, bitches! I'm getting married!" sigaw niya at nagtatatalong umalis.

Napasinghap na lang kaming lahat at walang nagawa kun'di magwatak-watak na rin nang sumapit ang alas otso.

Pagkarating ko sa room ay binati lahat ako ng mga kaklase ko dahil sa matagumpay na book signing event. Ang iba ay inilabas ang biniling kopya ng libro at nagpapirma.

Naabutan ko naman si Josepina sa tabi ng upuan ko habang kumakaway na nakangiti. Nginitian ko lang siya at umupo ng nakatikom lang ang bibig. Medyo weird pa kung kakausapin ko siya dahil medyo na-hurt pa rin ako sa sinabi niya.

Napatawad ko na siya, pero hindi ako gano'n kababaw para tumanggap ulit ng bulok na pagkain kung sakit lang ang aking aabutin.

"Hi! Congrats sa successful event mo, halos sold-out," bulong niya.

If you feel awkward being plastic to me, stop right now, bitch. Marunong akong mangalbo nang hindi gumagamit ng razor or scissors.

"Thanks," matipid na sagot ko.

Nakita kong naglabas siya ng phone at may kinausap. Hindi ko na lang siya pinansin kasi wala naman talaga akong pake sa kaniya. I hate how she act nothing happened, huh.

Ang dami niyang pinagsaaabi sa kausap niya na halatang ako ang pinariringgan niya. Narinig ko iyong pangalan ng kausap niya. Georgia, at lilipat raw ito rito sa Hawl Univ.

Naging busy lang ako sa pagtype ng report sa laptop. Ako na ang nag-proof read gayong hindi naman ako minsan nakaka-attend kapag may meeting kami nila Andrew dahil sobrang busy. Akala ko ay natapos ko na noong bago kami mag-Siargao ni Kris, pero marami pa rin pala.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon