Intramuros
Lumipas ang isang linggo at walang inatupad si Kriseo na humarot ng humarot sa akin. Hindi ko alam kung tama pa bang binigyan ko siya ng chance. Chos.
"You have plans for tomorrow?" tanong niya.
"I have an book signing event. Bawal pumunta kapag walang copy."
"Pakyawin ko kaya lahat nang i-rerelease ng pub-house mo? Para solo kita bukas?" Ngisi niya.
"Pipirma lang ako roo'n, seloso."
Iniripan ko siya at inunahan siyang maglakad. Pero naabutan niya pa rin ako sa madaling oras. Kaunti lang naman ang agwat ng height namin pero mukhang mas mahaba ang biyas nito. I wanna know what else is big...
"Seloso. Sus, sa ating dalawa, ikaw ang pinakamaraming selos," reklamo niya.
"Hindi naman tayo, hindi ako nagseselos."
"Hoy, Manliligaw mo ako!" angal niya.
"Not my boyfriend, duh."
Hindi na siya sumagot pa kaya nilingon ko siya. Nakanguso siya habang nasa magkabilang kamay ang bulsa. Napangisi na lang ako sa ina-akto niya.
"Anong ningingiti mo diyan?"
"Immature."
"Sorry na po, Mature."
"Tss."
"Ano bang problema mo at ang sungit mo, huh?" Nakataas ang kilay niya.
Nakatayo lang kami sa harap ng sasakyan niya. I miss Tatay Kiko. Hindi na niya ako nahahatid dahil may asungot na nauunang dumating sa bahay. Alas sais pa lang ay nakaparada na ang Lambo sa labas at nakatayo.
"Wala."
"May sakit ka ba? My kiss can heal you..."
"Mas mabuti pang umuwi kaysa mahigop ako, Sir. Higop ang ginagawa mo, hindi kiss."
"Hoy, ang kapal mo! Kiss lang 'yon."
"Halos mapasok na nga buong labi ko sa bibig mo no'ng nakaraan, kiss lang? Higop 'yon!"
"Oo na!" Pagsuko niya.
Pinagbuksan na ako ng pinto at sumakay na rin siya sa driver seat bago ilagay ang mga gamit namin sa back seat. Hindi ko alam kung ilang sasakyan ba mayro'n siya. Nakakamangha 'tong Lambo niya dahil sa ganda ng loob nito. My dream car, shit.
Nagdrive siya patungong kung saan. Alam kong kakain na naman kami kaya hindi na ako nagtanong. Tataba ako dahil sa lalaking 'to, e. Tuwing out, kakain.
Hindi ko na nga nakakasama mga kaibigan ko dahil sa kaniya. So, I checked our GC if anong balita sa kanila.
laliziell: Walang laga now? Lungkot ditengcor sa condo.
janeee: Daming bisita nila Mommy dito sa house. Ang gugwapo ng mga junakis nila. Siz!
ellaaaa_tlntn: OTW, siz! Baka diyan ko na mahanap romeo ko. Para naman maka-abot pa kami sa trend.
hannalabs: Ew, sabay sa uso ka na naman. Mag-aral na lang kayo!
klengsantos: 'Yung isa, busy magpadilig. Nakalimutan na tayo.
Agad akong napangisi nang magchat si Klea. Tampo na naman 'tong mga 'to. Gastos na naman kapag nagkita kaming anim. Siyempre treat ko kasi ilang araw akong 'di sumasama sa kanila.
"Busy, ah. Nanlalalaki ka na naman," puna ni Kris sa ginagawa ko.
Agad kong natago ang phone ko at nakangising tumingin sa kaniya. Sinusulyapan niya ako habang nagmamaneho siya.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...