Manhid
"Fuck you, Kris Holand! Fuck you from your head down to your toes! Fuck the whole you. Damn-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng isandal niya ako sa pader at magkalapit ang aming mukha. Agad na tumambol ng napakalakas at napakabilis ang dibdib ko. How can my heart manage to be like this while he's doing his damn things!
"Your mouth was too dirty. Isa pang may marinig ako diyan ay hindi na ako magdadalawang isip na tapalan 'yan ng labi ko. Siguro na-miss ng labi mo ang malalambot na labi ko." Panunuya niya
Tinulak ko siya pero hindi sapat ang lakas ko para malabanan ang lakas niya. Damn, ang dami nang nakakakita sa amin! Wala man lang lumalabas na kung anong salita mula sa aking bibig.
"I can kiss you here now, Triv. If you want t-"
"Fuck-"
"I said no cursing! Isang mura, isang halik. Maraming mura, alam na ang parusa." Kumindat siya bago niya ako hilain palakad ulit sa hallway.
Tumigil siya nang marating namin ang classroom. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit nakatitig na sa amin ang pinsan niya. Alam na niya kaya?
"Sabihin mo sa akin kung sino ang magtatakpngkang guluhin pa ang buhay mo, Jai. Hindi ako magdadalawang isip na bugbuggin ito."
"At sa tingin mo naman ay sasabihin ko pa sa iyo ngayong ganiyan ang gagawin mo? Hindi nakakakilig, Holand. Luma na 'yang 'da moves mo!" Inirapan ko siya at kinuha ang bag ko.
Nagiging hobby ko na ata ang pag-irap sa mga linggong ito?
Nakita kong sumisenyas si Andrew nang kung ano kaya nilingon ko agad kung ano. Biglang tumayo ng tuwid si Kriseo nang makitang nilingon ko siya. Ano kayang trip ng magpinsang ito? Panigurado'y alam na ni Andrew ang tungkol sa amin kaya nagagawa na niyang pagbantayin ito.
"Mukha kayong mga timang..." pagka-upo ko sa tabi niya.
"Wala, e. Mahal na mahal ka ata," sabi niya habang nakangisi
"Sa dami nang babae no'n, wala siyang maloloko, Trines! Nasa dugo n'yp na atang mangolekta ng babae?" Pagbibiro ko.
"Oy, hindi 'no! Iisa lang kami kung magmahal. Kaso iyong akin hindi pwedeng maipaglaban..."
Nginisian ko na lang siya at kumuha na lang ako ng ballpen at notebook. Namalayan ko na lang nagsusulat ako nang isang kwento. Maikling kwento na hindi ko alam kung saan ko napulot.
Napansin ko ang pagtitig ni Andrew sa akin at agad siyang umiwas at tumingin kung saan. Kunwari pa ang isang 'to. Alam ko namang sinenyas sa kaniya nang magaling niyang pinsan na bantayan ako. Ano ako, baby para bantayan?
"Ang bilis mong magsulat! Nakatapos ka agad ng isang maikling kwento sa loob ng sampung minuto?" Manghang balig niya sa notebook ko.
"Ano ka ba, sanay na kasi ako." Paliwanag ko
"Pabasa ako! Gusto kong mabasa dahil title pa lang ay mukhang maganda na." Aniya at kinuha ang aking notebook.
Hinayaan ko na lamang siya at pinagmagmasdan habang nagbabasa. Nakuha niya siguro ang itsura, mata, kilay, pilik-mata, ilong at mga labi sa Holand. Parehong-pareho kasi sila ni Kriseo noong nasa ganiyang taon rin ang lalaking iyon.
Mas matanda siya sa amin ng dalawang taon. Tapos amg pinili niya pang kurso ay doktor. Kaya posibleng may anak na itong pinsan niya ay nag-aaral pa rin siya. Sa pamilya siguro nila bawal ang pangit, 'no?
Maganda si Tita Constancia o Cons at makinis! Dito nakuha ni Kriseo ang balat niya. Si Thomasitio o Thoms na ubod ng g'wapo kahit matanda na. Hindi mo mahahalatang may tatlong anak na ito dahil sa kagwapuhan! Nakuha ni Kriseo ang itsura o kagwapuhan niya kay Tito Thoms. Sabi nga ni Momsh, kung ayaw ng anak at bawal na ang tatay, hanapin ang kuya!
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...