Drunk
"Good morning, sir." Nakangiting sambit ni Kuya Elias. Siya ang magdadrive ngayon?
"Good morning din. Nasaan po si Mang Kiko?"
"Hinatid lang po ang Tita Kristine n'yo dahil dinalaw po niya kayo kaninang umaga." Sagot niya.
Tita Mats visited us? Sayang at hindi kami nagpang-abot! Pagkababa ko raw ay siyang pag-alis nila.
"Kuya El, si Mang Kiko po ba ang susundo sa akin mamaya?" Tanong ko habang bumabyahe kami papuntang school.
"Siguro po. Ang alam ko ay ihahatid niya lang naman ang Tita mo pauwi ng bahay o sa opisina niya. May ipapasabi po ba kayo?"
"Ah wala po, salamat po."
Siguro ay kay Mang Kiko ko na lang sasabihin na dadaan muna kami sa salon para magpagupit na talaga. Biyernes na ngayon kaya paniguradong wala masiyadong gagawin. Unless, mag-aya ang mga bruhang mag-mall.
"Walang pasok bukas! Gimik tayo later, ano?" Tanong ni Jane sa amin.
"Pwede! Ang tagal na rin noong nag-bar tayo. First year pa iyon no'ng..." Sumulyap sa akin si Klea.
I know what is it. Iyong first time namin mag-bar kasama si Kris, Tyson, Ellie, Julio at David. Doon nangyari ang unang halik ko mula sa kaniya.
"Ano game tayo mamaya?" Tanong ulit ni Jane. Halos lahat sila ay pumayag na. Well, ayokong masabihan ng kj at magtampo itomg mga ito kaya pumayag na rin ako.
"O, 'yung mga bawal sumobra diyan, alam na. Wine at whiskey lang para mild." Ani Hanna. Alam kong ako iyong pinaparinggan niya.
"Walang mag-uuwi kapag nalasing ng sobra. Wala ng jo... WA!" Sabay-sabay nilang dinugtungan ng pasigaw ang sinabi ni Liz
"Magkaklase kaming tatlo ni Liz at Ella bago mag-lunch." Ani Klea habang tinitignan ang schedule niya.
"Kami rin ni Jane. Si Hanna as usual, ang ating chemist. Masiyado kasing brainy! Mabuti at hindi ka nababaliw sa formulas?" Biro ko sa kaniya
"Sakto lang. Nahahawa na ako sa pagiging baliw n'yo, hindi sa course na kinuha ko." Aniya.
"Alam na kung sino ang itetext kapag may gustong lasunin." Tawa ni Liz.
"Pabango ang gagawin ko, aber. Kaya medyo natutuwa ako. Mahirap kapag gamot." Paliwanag niya.
Nadugtungan pa ang kwentuhan namin. Mas humaba noong mag-open si Liz ng kinaiinisan niyang girl. Ayun at kinainisan na rim naming lahat dahil sa chika niya. You know, one for all, all for one!
Naghiwalay lang kami nang marinig naming ang pagtunog ng bell na hudyat ay magsisimula na ang klase.
Nagulat ako dahil nasa tabing upuan ko si Andrew. Magkaklase kami ngayon? Tinignan ko ang schedule ko at baka namali ako ng pasok. Tama naman. Literature class.
"Triv!" Tawag niya sa pangalan ko nang mapansin niya akong nasa pinto. Ngumit ako sa kaniya at umupo doon sa pwesto ko.
"Magkaklase tayo? Akala ko ay magiging doctor ka rin kaya inakala kong namali ata ako nang room."
"Nope. Alam ko namang nasa dugo na namin ang doctor at nurse pero ako lang ata ang lumihis. Civil Engineering ang kinuha ko. Natuwa nga ako dahil nakita kong magkaklase tayo. Para hindi nakakayamot dahil wala akong makausap." Aniya.
"Oh I see." Sabi ko at inilabas na ang mga posibleng kailanganin sa klase.
Naeengganyo akong makinig dahil major in english ang kinuha ko. Mas gamay ko ang ingles pero mas bihasa ako sa Filipino. Kaya mas pinili ko na lang ang English para mas ma-challenge ako.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
Ficción General|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...