Kabanata 38

20 6 0
                                    

Goodbye

No'ng naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin ay nakakuha ako nang pagkakataong makalabas. Tumako ako para hindi na niya ako maautan pa. Siguro'y mag-dismiss na lang ako ng maaga para makapagpahinga.

Pagkarating ko sa bahay ay sumalampak agad ako sa kama at saka ipinikit ang lumuluhang mata.

Ang galing-galing talaga ng mga lalaki sa pangako, pero hindi naman nila kayang tuparin. Ang galing nilang magplano pero walang patutunguhan. Kaya ka nilang paikutin sa mabubulaklak na pangako at salita. Gaano ba katanga ang tao at ilang beses ng niloko, sige pa rim ng sige?

"Putangina..."

Nakita ko sa facebook niya iyong picture ni Athena habang nakahawak ito sa tiyan. Naka-tag ito sa kaniya at nakalagay sa caption na "it's a girl."

Sa tingin ko ay malapit na ang kapanganakan niya dahil malaki na ang tiyan nito. Athena looks pale on the photo. Parang hindi normal ang balat niy dahil sobrang puti nito. Pati ang ngiti ay parang hndi na maayos.

Wala siya sa litrato. Kagabi lang ata nila kinuha ito dahil kaka-post lang kaninang madaling araw. How I wish I could give him a child so that he would stay at me. Hindi niya sana ako pinagpalit.

"Tama ngang makakalimutan mo ako kapag nakahanap ka na ng totoong mamahalin..."

Pinilit ko na lamang matulog kaysa umiyak nang umiyak. Wala namang madudulot ang pag-iyak. Hindi naman nito mapapawi ang milyong-milyon na sakit. Gagawin ka lang haggard nito kinabukasan.

"Lau!" Tawag ko sa kaniya nang mapansin na natutulog siya ngayong lunch break nila.

Napaangat naman agad ang ulo niya at ngumiti nang makita ako.

"Sir, miss mo 'ko, 'no? Agad mo kasi umuwi kahapon! Ayos ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong niya at sinuri pa ang buong katawan ko.

"Siraulo, wala akong galos diyan. Nandito sa loob 'yong sugatan," pagwika ko at saka tinuro pa ang kaliwang dibdib kung nasaan ang puso.

"Hala, patanggal mo na, Sir. Durog na durog na ata 'yan,"

Napangisi na lang ako at binuksan ang binili 'kong porkchop at kanin dito sa canteen. Burger lang ang kinakain niya.

"Diyeta ka? Ba't iyan lang ang kinakain mo?" Tanong ko.

"E, ito lang po kasi nagkasya sa baon ko. Hayaan nyo na, Sir. Nakakabusog naman ito," nakangiting wika niya saka kumagat doon.

"Kapag wala kang baon, lumapit ka lang sa 'kin! Tropa-tropa tayo kapag wala sa classroom."

"Nakakahiya naman, Sir. Mamaya ay maging palamunin n'yo pa ako."

"Ano ka ba, ituturing na kitang anak. At infairyness, numinipis pala 'yang feslak mo. Akala ko forevs nang makapal," tumawa pa ako.

Nabulunan siya kaya uminom siya ng tubig.

"Nag-break nga kayo ng first love mo-"

"Kapal ng mukha mong gaga!"

Tumawa lang siya at inirapan ko lang ito. Natigil ito nang may tumayo sa gilid ng aming lamesa. Hindi ko ito pinansin dahil si Lau naman ang kinausap kaya nagpatuloy lang akong kumain.

Naramdaman ko naman ang pangangalabit nito kaya napa-angat na ang ulo ko. Bago pa ako makapagsalita ay napatingin ako sa gilid at nakatayo roon si Kris.

"Si Sir Heartbreaker, Sir Triv," bulong niya.

Nagkatitigan lang kami at ako na ang umiwas ng tingin.

"Triv, kailangan mo nang paliwanag k-"

"You don't need to explain, Kris. Ayos na iyon. Alagaan mo na lang ang pamilya mo-"

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon