Kabanata 12

41 8 1
                                    

Kutob

Iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin kanina. Bakit niya ako hinalikan at ano ang mga pinagsasabi niya? Leche! Ang dami na niyang nahahalik sa akin. Isa pa at ingungudngod ko ang mukha niya sa pader at iyon ang ipahahalik ko sa kaniya.

Ang manhid ko raw ba naman? E, sa wala naman kasing bago sa paligid ko! Wala naman akong nakakasalamuhang iba at wala ring narramdamang kakaiba. Paano ako naging manhid kung gano'n?

Manhid ako kasi hindi ko maramdaman na paghihigantihan niya ako? Hindi! Ramdam na ramdam at alam na alam kong maghihiganti siya! Hindi ako manhid sa inaakala niya! Sa una palang ay naisip ko na na darating ang mga oras na ito na paghihigantihan niya ako sa mga ginawa ko noon sa kaniya. Masyado ko siyang nasaktan kaya mahirap iyong ipagsawalang bahala na lang! Alam ko, alam kong lahat ng nangyari noon ay ako ang may kasalanan. Kaya walang pwedeng samain kundi ako lang!

Nahiga ako sa kama pagtapos kong magpalit ng damit. Kinuha ko ang phone ko at nakipag-usap sa mga kaibigan ko.

Only Klea respond to my text.

Kleng Impaktita: Anong chika mo, Dai? Tapos ko naman na ang ginagawa ko.

Trivy Panget: Alam mo, dai. Namumuro na 'yang Holand na 'yan sa akin. Kanina ba naman ay hinalikan ako! Sa parking lot pa jusko ginoo!

Kleng Impaktita: Hala shit! He kissed you?

Trivy Panget: Hindi masaya ang halik na 'yon dahil alam kong simula na nang paghihiganti niya!

Kleng Impaktita: Bakit ano ba kasing mangyari bago iyon?

Trivy Panget: Hindi ko alam. Para siyang batang nag-tantrums na lang bigla. Sinabihan pa ako ng manhid! Manhid raw ako, ses!

Kleng Impaktita: Totoo naman!

Trivy Panget: Che! Kakain na nga lang ako mabuti pa!

Kleng Impaktita: Eatwell, beks! Kahit manhid ka'y mahal na mahal pa rin kita. Bye!

Nagbukas ako ng social media accounts ko at saka bumaba para kumuha ng makakain. Naisip kong i-post iyong short story na ginawa ko kanina habang nasa klase. Sabi rin ni Andrew na i-post ko raw dahil maganda ang pagakakasulat. So, why not?

Nadatnan ko si Ate Elsie sa kusina habang naghihiwa ng prutas. Sakto at bigla akong nag-crave!

"Ate Els, ano pong gagawin n'yo riyan?" tanong ko at tumabi ako sa kaniya at pinanood siyang maghiwa ng mansanas at avocado.

"Itong avocado ay lalagyan ko ng gatas pagkatapos. Kumakain ka ba noon? Iyon kasi ang ipinahanda ng kapatid mo sa akin."

Parang naghugis puso ang mga mata ko sa sinabi niya. Ito 'yung madalas naming kinakaing magkapatid noon. Si Mama ang gumagawa nito tuwing bakasyon namin at lalantakan namin kahit nasa ref pa lang. Salitan pa kami sa pagtakas ng tikim. Ako ang unang titikim at siya ang nagbabantay sa pinto.

"Heto po, tikman n'yo." Aniya at nilahad sa akin ang isang bowl ng avocado with fresh milk.

Nakakatakam! Agad kong nilantakan ito pagkabigay niya. Ang sarap! Nakaka-miss iyong gawa ni Mama noon. Matagal na noong huling nakakain ako nito. Inakyat ko ang kapatid ko para patikimin.

"Rayv!" Excited kong sigaw at binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"Bakit, Kuya?" Pagtanggal niya sa headphones na nakasukbit sa ulo niya.

"Look, ate els made this one! It taste damn delicious!"

Kinuha niya ang kutsara sa akin at kumuha noong avocado at sumubo. Ilang segundo ay nilalasahan niya ito. Napangiti siya ng malunok na niya ito.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon