Kabanata 34

26 5 0
                                    

Hindi tayo pwede.

Ilang linggo na ang lumipas at pinipilit kong ayusin ang sarili ko. Pinipilit kong isipin na jandiyan lang siya at akin pa siya. Pero hindi ko maiwasang isipin na pagbalik niya ay hindi na ako. Hindi ko kaya.

"Are you done?" tanong ni Andrew mula sa aking likuran.

I'm checking the research. Tinitignan ko na lang ang grammatical errors at typos. Mabuti na lang siguro 'yung tambakan kami ng gagawim para hindi ko maisip ang kung ano-anong bagay.

"Saan tayo?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Kakain po, miss. Kanina ka pa tutok sa laptop mo at walang planong pakainin ang sarili."

"Tinapos ko lang talaga 'yon, kakain ako!" paliwanag ko.

Tumawa na lamang siya at umiling saka sinabayan ako sa paglakad. Inakbayan niya rin ako na parang magtropa lang kami. Hindi naman ako nailang dahil close naman kami.

"Ano na palang balita kay Kris? Nasaan na daw siya?" tanong ko nang matahimik kami.

Naramdman kong walang lakas niyang ibinababa ang brasong nakapatomg sa akin kanina. Napabaling ako sa kaniya at hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.

"Wala pa rin. Okay lang naman siguro siya roon kaya huwag ka nang mag-alala."

"Hindi ako pwedeng 'di mag-alala!" I chuckled and shook my head.

"Masyado mo talaga siyang mahal, 'no?" tanong niya.

Diretso lang ang tingin niya kaya nagtaka ako kung anong itsura niya. Pareho talaga silang gwapo. Siguro ay may something na sa kanila ni Liz and I'm happy for them!

"Sobra," matipid kong sagot.

"Sana all! Sana ako rin..." wika niya.

"Bakit ikaw din? May something na nga ata kayo ni Liz!" asar ko sa kaniya.

He just shook his head and put his hands inside the pockets. He's wearing a ripped jeans at polo shirt nila na Engineering.

"May gagawin ka sa biyernes? Inom tayo, sagot ko," aya niya.

"Uy, sure 'yan! Kaso tignan ko muna kung free!" maligayang sagot ko.

He chuckled and buy our foods. Nandito kami nakapuwesto sa inuupuan namin dati kasama ang mga kaibigan ko. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung may mensahe na.

jaivian_writes: hey, I miss you. are you doing good?

Unseen pa rin ito kahit iyong message ko sa twitter account niya. Sa text ay wala rin at hindi na ako umasa dahil hindi naman niya magagamit ang sim card doon.

Nasaan ka na ba? I miss you so much...

"Tulala ka na naman!" batok sa akin ni Jane.

"Nag-lunch ka na?" tanong ko sa kaniya nang ma-upo siya.

"A-Ah, oo! H-Hoy, ang bagelya ko!" sigaw niya.

Iniwas ko agad nang tangka niyang agawin. Hinanap ko 'yong wallet niya para tignan kung may malaman. Kapag wala ay hindi siya kumain dahil hindi na naman siya nabaunan.

"Sabi ko naman na lumapit ka, gagang 'to!"

"Nahihiya kasi ako..."

"Sampung taon na tayo magkakasama, nahihiya ka pa," iritang saad ko habang inilalagay sa kaniya iyong pagkain

Mabuti at naabot ko pa kay Andrew at naisabay niya. Ito naman kasing gagang 'to, 'di lumalapit.

"Thank you..." bulong niya sa akin at yumakap.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon