Baby
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil paulit-ulit sumasagi sa isipin ko ang litrato niyang nakahubad at ang caption nito. Napakataksil mo talaga, puso. Na kahit ilang beses ka nang dinurog, mahal mo pa rin. Na parang siya pa rin ang nagmamay-ari sa 'yo kahit na sinasaktan ka na niya. All he wants to do is fucking revenge on you!
Sa pag-iwan mo sa kaniya, sa pananakit mo sa kaniya, sa panloloko mo sa kaniya. Gusto niya lahat iyon paghigantihan! Sana'y huwag na huwag kang mahuhulog muli sa mga patibong niya. And make yourself strlng enough to fight him dahil ito ang gusto niya. Ang kalabanin ako at talunin.
Bumangon na ako at inayos ang kama. I decided to cut my hair at i-stop ng paggamit mg pills. Maggy-gym na ulit ako para mapalitan itong pambabae kong dibdib na matitigas na panlalaking dibdib. Pagkatapos ay dumiretso akong banyo.
Nang matapos magbihis ay naglagay ako ng konting powder sa mukha saka kinuha ang gamit. Bababa na ako para makapag-almusal. Maagang umalis sina Daddy at Mama kaya ang kapatid ko at ang girlfriend niya ang kasabay ko.
Naabutan ko silang nagsisimula nang kumain. Nagsusumigaw ang porcelain skin ni Merjelyn habang kumakain. Halatang very soft at thin ito.
"Good morning po." Maligayang bati ni Mejelyn habang kumakain na. Nginitian ko lamang siya bilang sagot at umupo na para maķasabay sila.
"Good morning, Kuya. Gusto mo ba ng rice or sandwich na lang rin?" Tanong ng kapatid ko.
"Ok na 'to. May lakad ka ba mamaya?"
"Mayro'n po. "
"Kunin mo iyong bmw sa condo ko para may magamit ka bago pumasok. Gagamitin daw nila Mama iyong pick-up at expedition. Ito ata 'yung gagamitin nila papuntang Davao. 'Yong benz naman ang akin."
"Sige po. Hindi sila gagamit ng chopper para mas mabilis?" Tanong niya. Napasadahan ko ng tingin si Merjelyn at nakikinig lamang siya.
"Siguro ay iyon ang gagamitin nila pero ipapadala pa rin dahil may mga kailangan. Sisimulan na ang renovation ng isang mansion. Iyong kay Tito Cai ata na mansion."
"Okay, sure. Text mo na lang ako kung kailangan mo ang sasakyan mo, Kuya." He said and continue eating.
Nakadalawang tinapay lang ako at kinain na lamang ang natirang bacon at ham sa pinggan. I'm so full, maybe because of my snack kagabi kaya mabusog ako agad ngayon.
"I'm leaving now. Itext mo na lang ako kapag nakapunta ka na sa condo, ok? Ingat kayo." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. I kiss my brother. Nakipagbeso rin ako kay Merjelyn. She's a nice amd good girl. I wonder why Mama didn't like her.
Nakahanda na ang sasakyan sa labas. Inuubos na lamang ni Mang Kiko ang pagkain at kape niya bago kami tumulak. Nagscroll muna ako sa phone. Wala naman bagong news.
"Alis na po tayo?" Tanong ni Mang Kiko nang makapasok sa loob ng sasakyan.
"Opo. Siya nga pala Mang Kiko, bago po sana tayo umuwi ay gusto ko po munang dumaan sa isang salon. Magpapagupit po ako."
"Sige po. Alas singko po ang labas n'yo sa eskwela?"
"Opo. Mang Kiko, nakita n'yo naman po iyong sasakyan na nasa harap natin kahapon doon sa parking lot, hindi po ba?"
"'Yung pulang jeep po na may naghahalikan sa harap no'n?" Banggit niya. Parang may bumaon na punyal sa dibdib ko. Damn, Mang Kiko.
"O-Opo. Huwag n'yo na lang pong i-park ulit sa tapat no'n kapag susunduin n'yo na ako. Kung pwese po ay humanap na lang kayo ng magandang pwesto."
"Sige po, Sir." Sagot niya at pinaandar na ang kotse.
Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe at nakarating agad kami sa parking lot ng school. Hindi ko maiangat ang ulo ko dahil paniguradong nasa paligid lang siya. Inabala ko ang sarili ko sa pagpindot ng kung ano sa cellphone ko. T'saka ko lamang naiangat ang ulo ko nang nakalabas na ako. I hate this freaking parking lot.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...