Kabanata 13

37 8 0
                                    

I Promise

I stopped my phone from ringing nang hindi pa rin sumasagot si Mama. Nakakaraming tawag na ako, ilang ring lang noon ay sasagot na siya. Pero ngayon ay nakasampung tawag na ako at puro busy. Damn, kinakabahan ako lalo kung anong nangyayari na sa Nanau at Tatay ko.

"Tay Kiks, ano po pa lang balita tungkol sa ipinasuyo ko po sa inyo?" tanong ko nang nagpark na siya.

"Ayos na ang lahat, Nak. Sabi no'ng manager ay uumpisahan na raw nilang magprint ng bago mong ilalabas na libro." Sagot niya.

"Thank you po, Tay." Nginitian ko siya.

"Ah, Nak. Nakakahiya man pero gusto ka raw makita ng anak kong dalaga. Magdidisi sais anyos na siya sa susunod na linggo. Ang gusto niya raw regalo ay pirma mo o hindi kaya ma-meet ka. Sabi ko masyado kang busy kaya itatanong ko n lang. Pero kung marami kang-"

"Hindi po, Tay. Ok lang po. Sabay na lang tayong pumunta sa inyo sa sunod na linggo para masorpresa ko siya. Dadalhan ko rin siya noong bagong librong ilalabas ko."

"Naku, sobra na 'yan, anak. Okay lang naman kahit pumunta ka na lang... may kaunting handaan rin kaya ayos na..."

"No, ayos lang ho iyon. Ako na pong bahala."

"Maraming salamat, Nak! Sobrang busilak talaga ng puso mo."

Nginitian ko na lamang siya at bumaba na ng sasakyan. Hinintay kong umalis ang benz at saka ako naglakad. Pero napahinto ako ng may nakaharang sa aking harap.

Ano na namang problema nito? Matapos niyang magnakaw ng halik ay ang kapal ng mukhang magpakita pa rito? Lumakad ako palapit sa kaniya. Hindi siya natitinig at nanatiling nakatayo.

Lalampasan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang braso ko. Napabalik ako sa sobrang higpit at bigla. Damn, ano na namang gusto nito?

"Ano na naman, Holand?" mataray na tanong ko.

Tinitigan niya lang ako at inilagay ang kaliwang kamay sa bulsa.

"Ang tagal mo..." mahinahon ang tinig niya.

"Hindi mo naman kasi trabaho ang hintayin ako. I can handle myself. I can go my class all by myself."

Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:45 A.M. na. Hindi ko na makikichismisan ang mga kaibigan ko dahil sa traffic.

"Ihahatid na kita." Aniya.

Kinuha niya agad ang bag ko at hinatak na ako palabas. Gusto kong pumiglas ay manlaban ngunit nakakapagtaka. Bakit ganito ang inaasal nitong isang 'to ngayon? Ano naman ang binabalak niya?

Siguro siya iyong naglalabas ng video, issues at kung ano pang ikakasira ko!

"Bago magdismiss ang last subject professor mo ay dapat maayos na ang gamit mo. Didiretso ka nang labas ng walang kinakausap na kahit na sino." Madiin na wika niya.

"Ano bang-"

"Sundin mo na lang. Marami kang dapat matuklasan, pero masyado pang maaga."

Tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Marami akong kailangan malaman? Ano ang mga iyon at bakit hindi pa pwede ngayon? 'Tsaka, ang weird niya ngayon. Hindi ko alam kung anong mayro'n.

Pagkapasok ko ay wala pang prof na pumapasok. Inilabas ko ang notebook at nagsimulang magdisenyo ng gown. Ganito ang ginagawa ko kapag maraming bumabagabag sa akin. Bakit kasi ganoon ang inaasal niya? Parte ba 'to ng plano o wala talaga siyang plano at totoong ginagawa niya lang ang mga ito? Ang gulo!

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Josepina, iyong kino-close ako!

Tahimik siya ngayon at parang wala sa sarili. Gusto ko siyang kausapin dahil mukhang malalim ang problema niya ngayon. Ngunit ayokong mapagkamalang chismosa gayong gusto ko lang naman tumulong.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon