Problem
Warning: words used.
"Gagawan ko ng paraan para hindi siya makasama o mahiwalay sa kanila! Kakausapin ko si Mom," saad niya habang nakaakbay saakin.
Papunta kami sa parking lot ng mall para kunin doon ang Lambo niya. Pinag-uusapan namin 'yung tungkol doon sa Christmas break namin. He wants to talk to his mom at pakiusapan na i-reschedule ang date at ibalita sa pamilya ni Georgia na hindi matutuloy.
"That would be rude, darling. They will think na may galit kayo sa pamilya nila kapag nakitang nag-post si Tita Cons."
"Then let's set a solo vaccey instead? Mas masaya 'yon kapag tayong dal-"
"Kung kailan wala atayong gagastusin, doon ka lilihis. Turn-off na! Gusto ko pa naman sa asawa iyong marunong mag-budget."
"Okay, fine. Iniisip ko lang naman kasi 'yang kaluluwa mo. Baka maging crime scene ang Romblon kapag hindi ka nakapagpigil," asar niya.
"At ikaw ang mapapatay ko!"
"Aba lintek ka! Iisa muna ulit ako bago mamamaalam." Ngumisi pa ng malaki ang mokong at pinatunog ang alarm ng sasakyan.
"Ang baboy ng bunganga mo! Dapat bote ng holy water nilalaklak mo!" Sigaw ko sa kaniya nang makapasok sa loob.
Pinaandar niya ang Lambo pauwi ng mansion. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako uuwi ng bahay namin, ah! Madalas kasi sa kanila ako natutulog dahil sa report namin ni Andrew. Minsan naman sa condo niya.
"Bye, drive home safely!"
"See you on Friday dahil busy lagi buong week! I love you."
Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay pumasok na ako.
"Diyos ko, anong gagawin mo ngayon?! Akala mo kung sino ka na umasta! May ipagmamalaki ka na ba?"
Agad nangatog ang katawan ko nang makarinig ng sigawan mula sa loob. Sa kusina nagmula ito. Ngayon pa lang ako nakarinig ng ganiyan ditp sa mansion!
"Putangina, Rayver! Hindi mo man lang iniisip ang mga bagay na ginagawa mo? May pangkakain ka sa bata?! Akala mo ba madaling maghanap ng trabaho ng hindi nakatapos, hindi!" Si Mama.
Si papa ay nakita kong kalmado lang na naka-upo at pinakikinggan ang mga sermon ni mama sa kapatid kong nakatungo. Halos madurog ang puso ko nang makita ang puro pasa niya sa mukha.
"Anong ipangkakain mo, ipangtutustos mo sa nabuo mo ngayon? Tangina, pinag-aaral ka para may matutunan ka! Hindi para ipasok 'yang titi mo kung saan-saan at kani-kanino! Pinag-aaral kayo ng maayos kasi ayokong magaya kayo sa akin!"
Humagulgol na si mama kaya napatakbo ako para patahanin siya. Inalalayan ko siyang tumayo at pina-upo sa sofa.
"Saan kami nagkulang ng papa mo, Rayver? Saan?! Binigay namin sa 'yo ang lahat! Tapos imbes na diplopa ang iabot mo sa amin, ultrasound! Tangina, matatanggap ka sa trabaho nang iyan ang iaabot mo?!"
"Kaya ko po, Ma. Mabubuhay ko ang anak ko sa sarili kong kamay!"
"Ayan! Kaya hindi ako sang-ayon sa relasyon n'yo ng babae na 'yan dahil sa ugaling nakukuha mo mula sa kaniya. Nagiging basura 'yang bibig mo dahil sa pokpok na 'yan-"
"Ako pa lang ang naka-una sa kaniya. Hindi siya pokpok at huwag na huwag mong tatawagin ng ganiyan ulit ang asawa ko-"
"Rayv!" Sigaw ko sa kapatid ko.
Naging kalmado siya nang sinigawan ko na siya. Naramdmaan kong tumayo si papa mula sa aming likod. Nabigla na lamang ako ng bumulagta ang kapatid ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...