Forgive me
"Calm down, Triv. Mas lalong magugulo ang pamilya mo kung aatakihin ka ng sakit mo. Just stay calm, your mother will get better," Kris said whil holding my hand and driving.
Halos paliparin na niya ata ang kotse niya dahil kanina pa ako hindi mapakali. Damn, paano umabot sa ganitong sitwasyon! Naalala ko kanina ay namumutla siya, parang may masamang nararamdman na. Pero hindi ko pa rin siya pinansin kaya nagsisisi ako ngayon.
Ako na naman ang may kasalanan. Bakit ako lagi ang dinadapuan ng malas?
"Stop crying. I can't focuse on the road, please. I'm worried about you," aniya.
Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak pero hindi natigil ang pagtulo ng mga luha ko. I can't do anything now just to cry.
Fuck, sana ay napapagaling ng luha mo ang nanay mo, Trivian!
Narating namin ang hospital na sinabi ni Rayver. Kumaripas ako nang takbo pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ni Kris. Nauna ako sa kaniya pumasok na natataranta. Mabilis lang ri naman siya dahil naabutan niya pa ang elevator.
"Kuya!" sigaw ng kapatid ko nang makita kami.
Agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya. Daddy's just rubbing my back to keep me calm. How can I stay fucking calm when my mother is nearly death? Fuck!
"Ako lahat ang may kasalanan lahat ng ito. Kun'di dahil sa akin ay hindi mangyayari 'to sa kaniya. I want to hug her... so bad."
Wala akong magawa kun'di ngumawa nang ngumawa. Agad akong nagsuot ng gowns, masks and gloves nang sinabing pwede nang pumasok. Nadatnan kong nakahiga si mama habang maraming kung ano-ano ang nakatusok sa katawan niya.
Halos manlumo ako sa kalagayan niya ngayon. Hindi ko naisip noon na mangyayari 'to! Hanggang ngayon ay pinagtataka ko bakit nangyayari lahat nang ito!
"M-Mama..."
Hinawakan ko ang kamay niya. Nag-iba ang kulay niya. Sa dating morena ay pumiti na maputla. Ito ang pinaka-ayoko aa lahat! Ayaw na ayaw kong sasabihin lahat ng gusto kong sabihin kung kailan huli na.
"Ma... nandito na ako, o-oh. Nandito na ulit si TJ m-mo," nangingig na sabi ko.
Halos mapuno na ata ang loob ng mask ko dahil sa iyak.
"Ma... pag-uusapan natin 'yon. I won't let that we'll remain like that, forever. Bilisan mo magpagaling diyan, bruhilda! Namiss na kita," huminga ako dahil naramdaman kong sumisikip na ang dibdib ko.
"Dapat ako na lang nandiyan, e. Mas kailangan ka kasi nila rito. Kung ako nandiyan, kahit huwag n'yo na akong pagalingin. Mas gugustuhin kong mamahinga kaysa magdusa habang buhay. Wala naman akong magagawa roon. Kahit ibenta ko lahat ng meron ako, libro, cards, medals, kotse, hindi pa rin mabibili 'yung love na hindi ko nakuha sa inyo. 'Yung love na parang may lifetime warranty sana, at nag-expire dahil dumating ang kapatid ko. Nagseselos ako kasi hindi n'yo maibigay 'yung hinihingi ko. Lumuhod, umiyak at nagmakaawa na ako sa harap n'yo, pero wala pa rin..."
Halos hindi ko na makilala ang boses ko sa sobrang basag na nito. Hikbi ako nang hikbi pagkatapos magsalita. Mas lalong sumikip ang dibdib ko kaya napahawak na lang ako rito.
"Triv..."
Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran. Si Kris, pumasok rin pala siya rito at mukhang narinig lahat ng sinabi ko. Nginitian ko lang siya at isinandal ko ang ulo ko sa kaniya. Tinignan kong muli ang nanay ko na wala pa ring malay bago ako lumabas.
Sina papa naman ang pumasok sa loob kaya naiwan kami ni Kris rito. Nakasandal lang ako sa dibdib niya habang hinihimas niya ang balikat ko.
"Don't blame yourself, love. That's an incident. Sa tingin ko'y magiging maayos din siya in a few weeks. Just wait until she respond," paliwanag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...