Harya
"Triv..."
Pagkadilat ko ay naka-park ang kotse sa isang mansion. Tinignan ko ang kamay ko ngunit walang galos. Si Kris ay nakatitig lamang sa akin na parang nagubuluhan sa inaakto ko. Panaginip lang lahat?
"Nakatulog ka kakaharot kanina. Akala ko makakaisa na ako," ngisi niya at sabay kumamot ng ulo.
"Nasaan na tayo? Nakatulog ako?" tanong ko.
Sunod sunod na napapahinga ako ng malalim. Damn, akala ko ay totoo na ang mga nangyayari. Mabuti at panaginip lang lahat.
"After you played my thing, we kissed. Hanggang aa nakatulog ka siguro sa sobrang pagod. Let's go, paniguradong hinihintay na nila tayo sa loob," aniya.
Lumabas na siya ng saskayan at pinagbuksan ako. Inalalayan niya ako palabas ng sasakyan. Kinuha niya ang mga paper bag mula sa compartment. Ito siguro 'yung pinamili niya habang natutulog ako.
Akala ko ay totoong may nangyayaring masama! Pilit kong inaalala ang panaginip ko dahil paniwalang-paniwala ako rito.
"They are here!" sigaw ni Tita Cons nang makapasok kami sa dining area.
They are all eating right now. Sinalubong ako ng yakap ni ate Celine. Nakipag-apir naman si kuya Caisse sa akin. Si tita ay niyakap ako at nakipagbeso. Si tito naman na medyo ilang ako ay niyakap rin ako.
Hindi ko maiwasang ,aging weird ngayon sa kanila dahil sa napanaginipan ko kanina. I think I need to tell Kris about that.
"You look like a very beautiful girl na, Triv!" ani ate Celin habang sumubo ng karne.
"Akala ko nga ay babae na ang karelasyon nitong si Kris. Matutuwa na sana ako dahil mabibigyan pa rin ako ng apo." biro ni Tito.
Nakatitig lamang ako sa kaniya. Hindi ganito ang aura niya roon sa panaginip ko. At ang mga suot nila ay simple lang. Hindi kagaya nang sosyal.
"But I'm proud because Kris still fight for you, Triv. Napahanga ako ng anak ko dahil doon. Nag-away pa nga kami kasi noong una ay ayaw ko sa 'yo at nandidiri ako sa inyo. But I was wrong, you two are great! Maganda pa lang tignan kapag magkasama kayo," ani Tito Thomas.
"Ang kaso ay wala akong magiging pamangkin sa inyo," pagbibiro ni kuya Caisse.
Napuno ng tawanan ang hapag kainan. Kinakabahan pa rin ako dahil sa aking napanaginipan. Lahat ay naging kabaligtaran sa reyalidad.
"Susubukan pa rin namin 'yan, Kuya."
"Kris!" saway ni Tita sa anak na masyadong maniac.
"Baka iba ang mabuo ninyo, Theo!" biro ni ate Celine.
Si Andrew naman sa kabilang banda ay nakikitawa lang sa amin. Nginingitian niya ako tuwing magkakatinginan kami. Katulad sa panaginip ko ay may pasa siya sa kaliwang pisngi.
Nagsalin ng mga inumin ang maids nila. Lahat ay sinalinan ng wine dahil utos ni Tito Thoms.
"Can you get a glass of orange juice?" utos ni Kris sa maid na nagsasalin ng alak sa baso niya.
"Para kanino iyon?" tanong ni Tito.
"Bawal si Trivian sa alcohol drinks, Dad. Baka mawalan ako ng minamahal kapag pinainom n'yo siya," saad niya at kumindat sa akin.
Umalis ang maid para siguro kunin ang utos ng kanilang amo. Nagpatuloy naman kaming kumain. Naglalaway ako sa hipon na nasa harap ko ngayon kasama ng alimango.
"Don't be shy, Triv darling. Kumain ka lang." Si tita Cons.
Bumalik ang maid dala ang isang pitsel ng orange juice at isang bote ng whiskey. Nilagyan nila ng juice ang baso ko habang ang baso naman ni Kris ay nilagyan ng whiskey.
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...