Kabanata 15

32 7 0
                                    

Dinner

Ginapang ako nang kaba nang makita ko na ang malaking pintuan ngkanilang mansion. Anyone who'll see this mansion will be that nervous. Manginginig ka sa sobrang elegante talaga mula sa labas pa lang. Unlike to our mansion, classic style ang kanila.

"Good evening po," bati ng mga kasambahay na nakakasalubong namin.

I think they have 10 maids here while we have only 7. Salitan na lang kumbaga. Wala rin namang tao madalas sa bahay.

"Natahimik ka ata?" puna ni Kris nang mapansing nililibot ko lang ang tingin ko sa paligid ng kanilang mansion.

"Masama ba? Kurutin kita diyan, tignan mo."

Natahimik na lang kami at nagtungo sa kanilang sala. May 62 inches na tv ang nakalutang sa pader. May mga vase rin sa paligid. Paniguradong si tita ang mga bumili ng gamit habang si tito thoms ang nagdisenyo.

"Trivian!" Sigaw ng isang babae.

Si ate Celine pababa ng hagdan. Ngumiti ako ng malawak at sinalubong siya. Sa kaniyang magandang dress ay nangingibabaw ang kagandahan niya. Ang umaalon na blonde na buhok niya ay napakaganda.

"Ate Cel, I missed you!"

"Oh, I'm glad you're here. Kris always telling us that you're too busy, huh. Nakakatampo dahil hindi mo na ako kinakausap. And finally, you'll gonna meet Daddy Thomasitio!" wika niya.

Parang may humawak na malamig na kamay sa tiyan ko nang marinig ang pangalan ng kanilang ama. Pangalan pa lang ay nakakatakot na.

"Oh, here they are." Napalingon kaming tatlo sa kanilang hadgan.

Magkakasabay bumaba si Tito Thoms suot ang isang longsleeve at si Tita Cons na naka-formal dress. Sa likod ay ang nag-uusap na si Kuya Caisse with his plain polo and Andrew in a longsleeve.

Ganito ba kailangan ang suot nila kapag kakain ng hapunan? O sadyang welcome party lang ito para sa nagbabalik na kanilang padre de pamilya?

"Hi, Triv!" bati ni Tita Cons sa akin.

Nakipagbeso naman ako sa kaniya. Binati ko rin si kuya Caisse at si Andrew. Nagmano ako sa kanilang ama.

"Good evening po..."

Damn, ngayon lang ako kinabahan at natakot mang ganito. Ang titig ng bughaw ng mga mata niya ay nakaksindak. Parang si Kriseo na galit kung tumitig. Napansin kong kamukhang-kamukha ni Kuya Caisse at Kris ang kanilang ama. Parang original copy at dalawang carbon copy.

"You're Trivian Chiu? The CEO of Shangri La?" Ang tatay nila.

"Yes po. Pero sa bakasyon pa po ako uupo bilang CEO. Kailangan munang tapusin ang college..."

Hindi nawala ang titig niya sa akin. Ako naman ay parang mamamatay sa kilabot at hindi malaman kung anong gagawin. I heard Kris sighed.

"Let's eat..." basag ni Tita sa tensyong mayroon ang hapag.

Nagsimulang magserve ang mga maids nila ng napakaraming putahe sa mesa. Sinalinan nila ng wine ang bawat baso sa mesa. Nang ako na ang sasalinan ay biglang iniwas ng maid ang wine. Nilagyan niya ng juice ang baso ko.

Tinignan ko si Kriseo na sumisenyas ng 'huwag' sa maid. I'm not a child anymore!

"Protective masyado, huh, Kristian?" Salita ng kaniyang ama at nakatingin sa aming dalawa.

"Bawal po siya sa alcohol drinks, Dad. Kris lanh po, hindi Kristian." Magalang na sagot niya.

"At first, I thought you brought a wrong person. Sinabi mo noong umamin ka ay mukha pa rin siyang lalaki. Pero bakit ganiyan ang ayos niya?" Malamig na boses ang bumakas sa tinig ng kaniyang ama.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon