Mall
"Gusto ko munang palipasin, Kris. Masyado akong nasasaktan kaya baka anong masabi ko kapag nakaharap ko sila, lalo na si Mama," paliwanag ko sa kaniya.
"Then asked her and talk to her in a calm way, Triv. Hindi pupwedeng hayaan mo itong tumagal pa! Sinabi ko sa 'yo hindi ba, na mas mahalaga pa rin ang pamilya."
"I know but-"
"Walang pero-pero. I'll drive you home. Kung hindi mo sila kayang kausapin, just tell them. I know they will give you time."
"Hindi mo ako naiintindihan, Kris!"
"Naiintindihan ko ang punto mo at mali iyong gusto mong mangyari. Ganiyan ang nagawa mo sa akin noon! Ni-hindi mo ako pinakinggan at sarili mo lang ang inisip mo. Stop being selfish, Triv. You need to grow! At handa akong maging tubig at pataba sa isang halamang tulad mo na kailangan umusbong."
Natahimik ako sa sinabi niya. Tiningala ko siya habang seryosong nakatitig sa akin. Nakita ko sa mata niya ang pagod at pagkalungkot.
Wala na akong nagawa kun'di sundin ang sinabi niya. Tama ga naman siya na dapat ay baguhin ko ang ugaling mayroon ako. Ang pagiging makasarili na hindi nakabubuti kahit kanino man na nakapalibot sa akin.
"Update me if you talked or not, okay. I love you..."
He kissed my forehead before I went out of his car. Nang mawala sa paningin ko ang kotse niya ay pumasok na ako aa loob. Parang bumigat ulit ang dibdib ko na kanina'y medyo gumaan. Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim.
Bago pa ako makaakyat ay sa akin na natuon ang atensyon nila. Si dad ay nakatingin sa akin habamg si mama ay ibinalik ang tingin aa laptop. She didn't care at all. I'm not her favortie, though.
"Triv," tawag sa akin ni Daddy kaya napalingon ako.
Bumaba ulit ako ng hadgdan at hinintay ang sasabihin niya. I know that he received a news that I cut all my afternoon classes. How disgraced I am!
"Anong nangyayari sa 'yo, anak? Are you still fine?" Nakita ko sa mata ni Daddy ang pag-aalala.
I know he's just worried about his name. Dala ko ang apilyido niya kaya ayaw niyang may naririnig na balita tungkol rito. Tignan ko sila, halatang malungkot dahil wala pa rin sa bahay ang pinakamamahal nilang anak.
"I'm fine, Dad. I'm sorry for-"
"You don't need to be sorry, anak. Ramdam ko..."
Tipid ko siyang nginitian at tinalikuran sila. Napahinto ako nang magsalita si Mama.
"Pariwara!" She shouted.
"Kaytlyn!"
"Ano, Joaquin? Huwag mong sabihing okay lang sa iyo ang nangyari? He''s a disgraced to our family! Mas katanggap-tanggap pa ang ginawa ni Rayver kaysa diyan sa salot na 'yan!"
Sinubok kong pigilan ang mga luhang nangingilid na sa aking mata. Kinalma ko rin ang sarili ko na walang lumabas sa bibig ko. Ayaw kong bastusin sila, ayaw kong bastusin siya. Nanay ko pa rin siya, pero ang aakit-sakit na!
"Tangina! Tinanggap na namin na bakla ka, pati ang pagbo-boyfriend mo at pagmukhang babae mo! Kahit napahiya kami sa pagiging salot mo, okay lang sa amin! Pero sana naman ay binigyan mo pa rin kami ng kahihiyan! Hindi mo pinasukan ang mga klase mo para uminom? Kasama pa 'yung lintek na boyfriend mo!"
"H-Hindi ko po siya kasama-"
"Huwag kang sinungaling dahil may nagpadala ng mga litrato n'yo! Putangina mong salot ka! Nagsisisi talaga akong pinanganak kitang hayop ka!"
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...