Kabanata 26

36 6 0
                                    

Outing

"Ang OA naman ng baby ko. You know that you're the one what I'm praying for. No one else, just you, Triv."

"Iba pa rin iyong kampante ako! Ngayon lang ako nakaramdam nang gano'n. I think, I'll lose you..."

Natahimik kami pareho habang nagdadrive siya. Nag-aya akong kumain kaya heto at papunta kami sa The Grills. Isang kabubukas lang na restau sa BGC. Nag-park siya at naunang lumabas para pagbuksan ako ng pinto

"You won't lose me, I promise..." bulong niya at binalot ng braso ang aking baywang.

Pumasok kami sa loob at nadatnan doon ang isang kakilala niya.

"Bro!" bati sa kaniya nito.

"Rioun, pare," bati niy pabalik.

Narmdamn kong nakatitig siya sa akin at nakitang sinusuri ko ang tingin sa lalaking nasa harap namin ngayon. He looks familiar. Parang nakita ko na siya kung saan, I don't know.

"This is my everything, Trivian. Trivian, si Rioun, bagong member ng Pisces Virtue. Lead vocalist."

Naalala ko na bigla. Siya iyong nagco-cover ng songs. His voice was damn good at his songs cover!

"Hi, nice to meet you!"

"Nice to meet you." Inabot ko ang kamay niya.

Iginiya niya kami sa table. Mukhang siya ang may-ari nito dahil siya ang nag-roaming sa bawat table at kinukumusta ang bawat tao.

"He graduated in Harvard last year, Summa Cum. A scholar, a son of farmer and a rug-maker," pagkuwento niya.

Halos mapa-nganga ako sa mga karangalang natamo ng lalaking iyon. But he managed to be at low-profile! He looks like just a simple businessman but he graduated Summa Cum. Sa twenty-five years na siyang nabubuhay ay wala pa siyang asawa o anak! I recommend my girls, ahe!

"You look interested, honey. I'm jealous..."

Napabalik ako sa katinuan at tinignan siya. Sinimangutan niya ako at kinain ang pasta at chicken sa pinggan. Tinawanan ko na lang at nagpatuloy kumain.

Ang gumagambala sa isip ko ay bakit may mga bagong miyembro? Aalis ba sila, magbabago? Bakit!

Mahal na mahal ko ang boses ni Luther ko! I love Rioun's voice too, pero si Luther ang ultimate bias ko ugh!

"Bakit nagkaroon ng mga bagong miyembro?"

Halos nagulat pa siya sa biglaang pagkakatanong ko. Uminom siya ng tubig saka hinawakan ang aking kamay. He looked straight in to my eyes.

"We need to pass what we've done for the company. Sila ang bagong mga miyembro nang bagong grupo," he smiled.

"Kami pa rin naman ang mga lead nila para sa industriyang papasukin. Sa susunod ko pa sana sasabihin sa 'yo 'to kasi matagal pa pero mukhang kating-kati ka na sa chismis," dugtong niya.

Nakinig lang akong mabuti at tinuon sa kaniyang mabuti ang atensyon. He gave me an amused face. Kaya kahit ang sarap niyang sampakin ay nanatili akong kalmado.

"Next year, April 8 ay may concert kami. Punta ka!"

Nabigla ako nang marinig ko ang petsa. Kaarawan niya iyon kaya nagulat ako kung bakit pumayag siya.

"Paano natin ice-celebrate ang birthday mo, Ginoo?"

"Before, During and After the concert, Mahal ko."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Naki-upo pa sa lamesa namin si Jaime at isang kakilala at may pinag-usapan sila. Hindi na lang ako nakinig kahit nasa tabi lang nila ako.

When is the Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon