Welcome Back
Nauna akong bumalik sa loob. Hinayaan ko muna siyang kumalma roon dahil sa nangyari sa amin. Gulat pa rin ako sa mga sinabi niya. Ano bang nakita niya sa akin?
Mas okay na rin na magkaibigan na lang kaysa sapilitang mahalin namin ang isa't isa. Hindi naman magbabago kung anong mayro'n sa 'min. Medyo magiging awkward lang.
"Liz, kumalma ka," mahinanong sinabi ni Klea pagkarating ko.
"Hindi, Klea. Ang sakit na! Ang sakit-sakit na na ako 'yung nandito para sa kaniya pero iba 'yung mahal niya! Tangina Trivian, ano bamg gayuma ang mayro'n ka?" lumipat sa akin ang luhaang mata niya.
This time, I want to blame myself for all of these. This ain't gonna happen if I'm distancing myself, damn!
"Tangina, hindi mo alam kung gaano siya naghirap makita kayo ni Kris na naglalampungan sa harap niya. Na nagpaubaya siya noong una pa lang para magkabalikan kayo! Nakakainggit ka, e. Ikaw 'yung mahal ng unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Ang sakit lang, bakit ikaw pa..."
"I'm sorry..."
"Sana ako na lang ikaw... p-para ako rin 'yung iniisip niya minu-minuto. Ako 'yung inaalala niya. Ako 'yung mahal niya."
"Klea..." nanghihinang tawag ko.
Tumitig lang siya sa akin habang patuloy sa paglandas ang mga luha galing sa mata niya. Hindi ko kayang makita silang umiiyak. Lalo na't ako ang mga dahilan no'n. Ang sakit.
Tinalikuran ko sila para maunang umalis. They need to breathe some air. Ayokong pahirapan silang lahat. Ako na lang ang lalayo.
"Akin na lang siya, Triv. Please... ipaubaya mo na lang siya sa akin," si Liziell bago ako tuluyang umalis.
Wala na akong pakialam kung sino-sinong nakakabangga ko sa dancefloor. Ang mahalaga ay makalabas ako rito at malawa sa kanila nang tuluyan.
Buong gabi iyon ang mga inisip ko.
"Triv, anak?" Tawag ni Mama mula sa labas ng pinto.
Napadilat ako dahil doon. Alas nuebe na pala ng umaga. Siguro'y may pupuntahan sila kaya ginising ako. Sabado ngayon at walang katulong ang nasa baba.
Medyo umikot pa ang paningin ko dahil siguro sa alak na nainom ko kagabi.
"Bakit po?"
Naupo siya sa gilid ng kama ko at tumingin sa akin. She open her arms widely na parang nanghihingi ng yakap. Lumapit naman ako at agad na binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Tour friends are downstairs. Kanina pa sila roon at hinihintay kang magising. Nakwento nila ang nangyari kagabi."
Agad kong naalala iyong pag-iyak ni Lizell at pagmamakaawa niyang layuan ko si Andrew. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwala ang sarili ko sa pag-amin ni Andrew.
"What they've told you? I want to say sorry to them for leaving them. Ma, naroon din ba si... Liz?" tanong ko
She nodded at tumayo na sa kama ko saka lumabas. Binigyan niya pa ako ng isang ngiti bago niya tuluyang isara ang pinto. Kumuha muna ako ng damit at pumasok sa cr para maligo. Bahala silang maghintay sa baba. Hindi naman nila sinabi na pupunta sila.
Pinatuyo ko na rin ang medyo humahaba na namang buhok ko sa loob na rin ng banyo. Pagkalabas ko ay naabutan ko silang lima.
Halos lumabas pa ang puso ko sa gulat nang makitang kung ano-anong kinakalkal nila sa loob ng kwarto ko.
"Ang tagal, huh. Sayang sa oras, masyado kayang importante oras namin kaya mahal bayad!" bungad ni Ella.
"Ano na naman at nandito kayo?"
BINABASA MO ANG
When is the Day?
General Fiction|Risk Series #1| "Siguro dinala tayo ng tadhana sa isa't isa para subukin kung gaano tayo kalalim magmahal. At paghihiwalayin rin pala tayo para hanapin ang totoong para sa atin. Pero paano kung ang isa't isa pa rin ang natagpuan natin? Tataya ba m...